Palakanton's Adventure Headline Animator

Showing posts with label Poems. Show all posts
Showing posts with label Poems. Show all posts

Wednesday, October 2, 2013

ang TAHANAN ko'y hindi pa KONKRETO

mga ninuno ko'y sa puno nanirahan,
kulot ang buhok, sarat ang ilong,
kulay uling na balat may matipunong katawan,
sa mga aklat na nabasa ito ang aking nalaman.

naaamoy ko pa ang amoy ng lumang damit sa drawer ko,
at napansin kung my ilan butas ang mga damit ko,
na sa paniniwala ko ito'y kaagat ng ipis,
at ang tag ulan at ang ulap na dala nito'y,
nilamon ang kapaligiran at tinakpan ang sinag ng araw,
hindi ko mawari'y samin munting tahanan ikaw muling masisilayan....
ilan taon na nga ba ang nagdaan?
pero ang wangis mo'y halos walang pinagbago,
pero ang tikas mo'y nabawasan..

makikita sa mga dingding mo ang bakas ng anay,
tanda ng ilan taon, o dekada na iyong pinagdaanan,
anay na unti - unti sumisira sa ganda mo,
pero un mahihinang kahoy lang ang kaya mo,
dahil ang totoo narra, at karamihan ay molave,
ang pundasyon nito.

pero talagang kay bilis lumipas ng panahon,
ang mga ninuno kung nag - aruga sayo,
at ilan Juan Dela Cruz na nagsakripisyo,
ay papalitan ng panibagong Juan Dela Cruz,
na halintulad sa anay at sa ilan anak mo'y,
sariling kulay at dugo inalipin,
ng ilan Juan Dela Cruz na nagpapanggap na Santo,
sa tarangkahan ng bahay mo,
dapat sila ang ipako sa krus.

ang tahanan koy hindi pa konkreto,
pero buhay ang paniniwala ko,
na may ilan Juan Dela Cruz at Maria Klara de tattoo,
ang muling aayos ng mga inanay na parte ng bahay ko.

ang tahanan koy hindi pa konkreto!


ito ang aking opisyal na lahok sa Saranggola Blog Award 5


DMCI


Friday, January 11, 2013

Handog ko'y Aliw

Tulad ng isang babaeng bayaran,
sa gabi'y nagniningning,
puno ng kolerete ang mukha,
tinig ay kay lambing.

kaakap ang  yosi at ang usok,
nakasalampak sa nguso ng customer,
nais mang magpahinga ng katawan pagal,
pagal sa pagmamahal.

puyat ang puhunan kapalit ng karampot na barya,
kelangan pang gumising ulit ng maaga kahit mata;y masakit pa,
ang ihihandog na aliw ng gabing nagdaan,
kunting punas sa mata tuloy na ulit ang ratsada.

kung sayo kalimitan ang nagagalit ang mga asawa,
sakin nama'y magulang ang nagmumura,
mga namutawing masasakit na salita di na alintana,
kelangan tanggapin para may pagkain ang sikmura.

minsan masaya, pero kadalasan balisa,
ang napiling buhay di naman talaga masaya,
sa piling ng mga naglalaro ng dota at kung anu-ano pa,
dahil tulad ng puta, ang handog ko ay aliw.


Friday, September 7, 2012

Palong Sinto-Bente

Ako'y motorista galing sa kanlurang Batangas,
hilig gumala kahit ulan ay malakas,
kay sarap salubungin ihip ng hangin sa kanyang pagpagaspas.
ang nais ko'y malaya minsan ang oras di alintana.

Nagawi ako sa pamosong simbahan ng Taal,
ako'y namangha sa struktura at taglay nitong hiwaga,
mga adobe nitong pader tanda ng dami ng pinagdaanan,
kahit ilan beses ko ng narating nais ko pa rin itong balikan.

Parada ng Lechon sa Balayan, masaya ang basaan,
sa daan pa lang pambabasa di ko na nalampasan,
dahan-dahan patakbo dahil basa at madulas ang daan,
di alintana ang lamig ng tubig mahalaga fiesta ay masaksihan.

Minsan ako'y niyaya patungong Matabungkay,
excited makita ang puti nitong buhangin,
palong nubenta sa umpisa at sa paglaon nakikarera,
sinto dyes na takbo di na inalintana.

Talagang masaya kasama ang tropa,
puting buhangin ng matabungkay talagang nakakahalina,
sayang nga lang iwan ang munting kamera,
dahil sa biglaan pag-aaya ng tropa.

Nabagot, nabato sa munting bahay na bato,
dahil may kunting pera sa Tagaytay nagtungo,
inilagay ang susi sabay suot ng jacket,
nais magpalamig mabawasan ang inip.

Birthday ng tropa sa Mabini ang punta,
puting buhangin at magagandang resort ito'y kilala,
alak na handa agad tinoma, tawanan. halakhakan. walang pagsidlan ng saya,
pero nung gabe kanya kanya ng suka.

Nang mahal na araw destinasyon sa Cuenca,
aakyat sa Mt. Maculot kasama ang tropa,
overnight na plano, sa mga nakiakyat nakigulo,
iba talaga ang mahal na araw dito.

muling nagkakayaan sa Mt. Batulao ang punta,
dating tinitingnan na akala ko'y pangarap na nagkatotoo na,
umaga pa lang naghanda na, excited walang pagsidlan ng saya,
full tank ng gasolina para takbong isang daan kayang-kaya.

sa paglubog ng hapon ngiti at saya ang baon ala-ala,
sa pag-akyat sa bundok binaybay kahabaan ng Nasugbu,
sa Tuy may isang mahabang tuwid na daan,
hinagot ang silinyador palong sento bente nagawa ko na.

nakakatakot, nakakakaba, pero ganun talaga,
minsan ang isang driver kelangan may patunayan sa sarili nya,
pero kelangan may kasamang ingat sa paghawak ng manibela,
dahil ang palong sento benta di basta-basta.


-SARANGGOLA BLOG AWARD 4-
ang saranggola blog award 2012
ay inilunsad sa pakikipagtulngan ng

maraming salamat sa ating mga sponsors



Thursday, July 5, 2012

Sa muling pagpatak ng ulan

masigla, masaya pero minsan lungkot ang iyong dala,
ang mga mumunting tubig na nakakahalina,
sa iyong pagpatak naghihintay ang tigang na lupa,
pero tubig lang ba talaga ang iyong dala?

sa pag-ihip ng hangin nagbabadya ng iyong pagdating,
kasama ng kulog at ulap na maitim,
kasunod ng kidlat at ang pag-ihip ng malamig na hangin.
pero tubig lang ba talaga ang iyong dala?

parang kahapon lang ang musmos kung damdamin,
nagsasayaw, nagtatampisaw brief lang ang saplot sa katawan,
tatakbo, hihinto biglang malulungkot sa iyong pagtila,
pero tubig lang ba talga ang iyong dala?

sa iyong pagpatak ikaw aking hihntayin,
at sasalubungin ang tubig mong dala,
at hahayaan pumatak saking mga mata,
sige ibuhos mo pa ang yung tubig na dala.

tubig lang ba talaga ang iyong dala?,
pero bakit di ko na mapigilan ang pagpatak ng luha sa aking mata,
pighati't lungkot ng pangungulila at pag-iisa,
at muling aantayin ang pagpatak mo na ang dalay saya sakin mata.

videokeman mp3
Set Fire to the Rain – Adele Song Lyrics

Thursday, May 10, 2012

kung san nagmumula ang sikat ng araw

mula pagkabata tayo ng magkasama,
nalagpasan ang bawat problema,
na kahit dumarating ang araw na madilim,
at alam mo na ang ulap ay makulimlim.

hindi ka sumuko,
tinahak ang dilim,
alam mong kami ang lakas,
ikaw ang aming liwanag.

alam mo kung san nagmumula ang sikat ng araw,
pero di mo alintana ang pagdilim ng paligid,
ang mahalaga may maisusubo ka samin mga bunganga,
kahit alam mo nangangalam ang iyong sikmura.

para sayo ina ang tulang eto,
para sa dating suwail na anak,
dating sakit sayo ng ulo,
pero dahil gabay mo ina nagawa kung tumayo sakin mga paa.

sa pagmamahal na binigay mo
at kung paano mo tinaguyod ang pamilya mo,
alam ko sa piling mo,
nagmumula ang sikat ng araw.

Wednesday, February 8, 2012

Sa aking PAG-IISA

di ko alam kung panu ang umpisa
ng tulang ito may kinalaman sa aking pagkatao,
di lang naman ako nakakaranas nito,
at may ilan karanasan na mas malungkot sa aking kwento.

gigising sa umaga titingnan ang orasan,
titingnan ang celphone kung my text man lang,
tatawa, ngingiti pero panandalian lang,
kakasawa, kakainip dahil ako un naiwan.

buti pa ang maliit na basong tagayan,
nababasa ang labi ko sa alak nitong laman,
at sa gabing mapanglaw,
isang stick ng Marlboro hithit sa labing tigang.

ang lungkot ng pag-iisa,
lalo na kung may dumarating na problema,
tatawa, may kunting ngiti sa aking labi,
pero panandalian lang malungkot ng muli.

at sa  pakikipagchat sau,
sabi mo ilan buwan  uuwe ka na
pero di ka pa dumarating,
pinag-uusapan na natin muli ang iyong paglisan.

sa lungkot ng pag-iisa,
nakagawa ng malulungkot na tula,
sa mundo ng blogespero naibahagi ko ito,
laking pasasalamat at nadiskubre ko,
sa komento ng ilang blogero,
kahit paano nabawasan ang pangungulila sau.


videokeman mp3
Ok Lang Ako – Parokya Ni Edgar Song Lyrics

Tuesday, January 17, 2012

Perfect Shot

Broom, broom sabay hagot ng silinyador,
Neutral muna, sabay apak sa kambiyo,
Primera sa unang apak ng paa,
Handa ng paandarin ang motor, maglakbay kung san mapunta.

Primera sabay apak ulit segunda na,
habang ang takboý pabilis, hangin di alintana,
Trisera hagot sa silinyador, nais makipagkarera,
Oppss alalay lang sa paghagot baka, madisgrasya.

Kay gandang pagmasdan ng paligid sa kalsada,
habang ang takbo malapit ng mag-onseta,
sana meron camera ang aking mga mata,
para perfect shot habang nagmomotor aking makuha.

pero imposible na makuhanan ang ganun angulo,
kung saan kahit medyo tagilid na ang takbo,
sa pag-overtake sa trak at iba pang behikulo,
laging pag-iingat sa pagpapatakbo ,
munting anak na nag-iintay sa pag-uwi ko.

Wednesday, January 4, 2012

Paboritong Laruan


          -Pulang kotseng di baterya-
Papa papa wow tingnan mo padala ni Mama,
ang unang litanya ng laruan ay makita,
excited paandarin halata sa mata ang tuwang nadarama,
broom, broom tulin ah sabay talon kasabay ng halakhak at tawa.

           -Dilaw na kotse-
Papa ay bigay ng lola,
bili sa SM, nagiging transformer ay ganda,
ang ngiti sa labi at sabay ang pagkislap ng mata,
walang pagsidlan  sa kaligayahan nadarama.

           -Grey na kotse-
Ganda ah nung nasa kahon pa,
dali-daling binuksan sabay sa kahon kinuha,
ala bakal pala Papa tulin na're ah,
sabay hila paatras sabay bitaw kasabay ng kanyang tawa.

           -Laptop-
Papa bukasan mo Neeed for speed laruin ko,
Hawak sa mouse pindot sa icon broom broom wika nya,
eto matulin kotse sabay pili sa model na honda,
Broom sabay ngiti ng mapupungay mong mata.

Sunday, December 18, 2011

Paskong malayo sa piling nyu AMA

Bata pa lang di na tayo laging magkasama,
Mga litrato mong padala ang malimit makita,
sa gitna ng disyerto ang post mo,
maitim, nakahelmet na puti, at may kasama ka na negro,
malamang eto ay isa sa mga boss mo!

Natutong maglakad ng paunti-unti,
nagkaisip, at nagkaroon ng muwang sa mundo,
pero bakit ganun lalo na kung sasapit ang pasko,
kahit anung kulit ko di ko mapunan ang lungkot sa mata ni ina.

Lumipas ang taon nagbuntis ulit si ina,
si ineng pinangak buwan ng hulyo tanda ko pa.
sa murang edad tagatimpla ng gatas nya,
sabay ang kampay ng kamay nya habang pinapatulog sya.

mabilis na lumipas ang panahon,
uy may padalang malaking kahon,
excited tingnan kung anu ang laman,
wow chokolate, pabango at mga laruan.
sigarilyo, cassette tape at walkman.

laging wika ni ina.
"ang inyong ama ay nagtatrabaho para sa'ting pamilya
wag kayong magtatampo sa kanya,
kahit ilan pasko natin syang di nakakasama",
kahit panu nakakaraos tayong magkakasama.

Pero ngayon lagi na tayong magkasama,
3 ang naging supling mo,
sa mahigit din dalawampung taon, nagpabalik-balik
sa kabilang ibayo,

siguro kung di ka pa nagka rayuma,
wala ka pang plano na huminto sa pag aabroad AMA,
pero ngayon mas masaya na lagi si ina,
dahil laging andyan ka sa tabe nya.

Tuesday, December 6, 2011

Tulang Insekto


Ang post na eto R-18, patnubay at gabay ng magulang ay kelangan!

Ako si Amber bubuyog,
anak ng haring matayog,
pag nakatikim ng kunting pulot,
pati biyenan kinakan***

Ako naman si tyagong anlalawa,
anak ng haring mababa,
pag nakatikim ng kunting gata,
pati byenan koý kinakana.

Ako naman enteng butiki,
di ganung mahaba ang t*t*,
pero pag akoý iyong kinante,
pihadong pahinga mo laang ay ihi.

mataas ang langit,
mababa ang lupa,
ang tanim kung palay,
kinain ng guya.
pero kalibugan di pa
rin nahupa.

pepito san ka pupunta,
sa bahay na pula,
anung kukunin mo,
gitarang bulok,
patugtugin mo nga,
timpalok timpalok,
puwet ng manok.

ang bakla kung umihi,
kinakalag pa ang tali,
pagkatapos nyang umihi,
kinakabet na ulit ang tali... papa P

PS. mga tula naaalala ko nung akoý bata pa....

Monday, November 28, 2011

-Emo Mode- Regalo


Simoy ng Paskoý ramdam ko na,
pero di ko pa rin maikubli ang lungkot na nadarama,
dahil ba ngayon pasko walang matatanggap na regalo,
 o hindi na ako isa sa mga bata na my gusto nito.

Oo nga't malapit na ang pasko,
 mga christmas lights at parol
 at mga batang nangangaroling naman sa bawat kanto
pero hindi ko pa rin maikubli ang pangungulila sau.

hoy bata anong pangalan mo, 
ah ako ba ako si santino, 
inaantay ko kahit anung regalo mula kay bro,
eh ikaw ano ba ang gusto mo,
ako wala, hndi ko pa alam!
pero intayin ko na lang din kung ano ibigay sakin ni bro,
baka sa regalong  eto mabago ang takbo 
ng magulo kung mundo.

bakit hindi ka makuntento, 
kung anong meron sau,
sabagay tama ka pero,
bawat tao kasi may hiling ngayon pasko,
kahit nga yun adik sa kanto, 
nag nanais na sana masaya ang kanyang
pasko!

Saturday, July 30, 2011

Pangarap

Simple lang naman ang pangarap ko,
Ang magkaanak ng magaganda at gwapo,
kahit tumira tayo sa bahay kubo,
ang mahalaga magkakasama tayo.

Pero ang gusto ko un wild at adventure,
punta tayo bicol sabay tayo sa paglangoy sa budanding,
magsurfing tayo sa surigao at zipline sa cagayan,
tapos punta tayo ng boracay attend tayo dun ng sayawan,

Pero mas ok un my trekking, at rock climbing,
pasyal tayo sa Davao at Mt. Apo dun tayo maghiking,
ok rin sa pagudpod pero malapit sa makiling,
tapos punta tayo puerto prinsesa dun tayo magsswimming,

Pero ang lahat ng ito ay pangarap muna,
pero malay mo anak yumaman si papa,
lahat ng ito gagawin natin ng buong pamilya,
pero sa ngayon magpalaki ka muna.....

Wednesday, July 27, 2011

LUHA

-way back 2007 & 2008-
one of the darkest side of my life then turn to brightest
(Kaw lalaki nangangako kb na mamahalin at paglilikuran ang babaeng e2? -opo pader-)

Bagong kasal, tambay, walang trabaho,
lakad dito, sakay dun di alam kung san patungo,
Balisa, desperado, kelangan ng trabaho,
para sa asawang limang buwan buntis isip ay magulo.

Lipat ng bahay, napalipat ng destino,
magkahiwalay muna ng asawa sa alabang muna sya,
sa laguna naman ako para sa trabaho, 
uy may nagtext jef, masakit tiyan ko sa batangas uwe tayo.

kabuwan ni mrs., dinala sa Taal P.. hospital at lumipas ilan minuto,
lumabas ang dr., sir kelangan pirmahan nyu eto,
waiver po kelangan i-cs asawa mo,
dumumi na sa tiyan magiging baby mo,

pirma kagad ako para sa mag-ina ko, 
nalilito, balisa, magulo, huh o diyos ko,
at sa ilan minuto narinig ang iyak ng anak ko,
at kasabay nun ang pagtulo naman ng LUHA ko.

LUHA at HILING

-way back 2004-

Bata pa lang ako, isa ka na sa mga idolo,
Lumaki kasi ako sa piling mo, 
Kaw ang tumayong ama ko,
Dahil nasa ibang ibayo si AMA para magtrabaho.

Mamang Pito ang tawag ko sau, 
Ilan laro din ang natutuhan ko sau,
touching, baseball pati ang trumpo,
pero di ko natutuhan ang pagtutrumpo.

kaw ang isa sa mga nag-alala pag may sakit ako, 
kaagapay mo ang nanang, si ina, tiya at tiyo,
sa mga kwento mo ng world war 2,
ay hangang hanga ako sa bawat kwento mo.

sabong ang libangan mo,
boxing naman ang pinapanuod  mo,
napapaiwas ka pa nga sa tuwing manunuod tayo,
na sinasamahan mo pa ng bawat kritiko,

pero sa paglaon ng panahon merun pagbabago,
umatake muli ang sakit mo sa puso,
dinala sa hospital, at dinala sa ICU,
ilan arw ka rin sa hospital pero e2 ay nlampasan mo.

Martes ka ng ilabas sa ikatlong linggo ng oktubre,
Miyerkules ay naglalakad ka pa,
mya-mya lang inatake ka na,
daglian ang pagpunta ng tiyo habang binobomba ang dibdib mo.


patuloy ang pagbomba sa dibdib mo ng tiyo,
habang nakatitig lang ako,
di ko na napigilan ang pagpatak ng aking LUHA,
habang pinagmamasdan ang unti-unting pagpikit ng iyong mata.


natulala, napaiyak ang mga nakapaligid sau,
ng mga oras na un hanggang dun na lang talaga ang buhay mo,
isa lang nman ang aking HILING na sana nadagdagan pa ang buhay mo,
dahil maganda ang laban ng boxing sa darating na linggo.


-entry post to Iya_Khin-

Friday, June 17, 2011

SO CLOSE


Tears fallen down to my lips together with my colds,
I taste the saltiness of it bite my lips,
Hold my breath for a while then take a big breath again hmmmn,
Starring @ you then looked into your eyes

First we have a great moment together
Sharing ideas, laughing out loud, no one bother
Blaming each other & fight 
But still we survive

Time past feelings have grown & developed
Felt that no one can torn us apart
Even on sickness, calamity, floods
Family, relatives & friends

Angel smile fulfill my heart changes our lives
Then when he cries tension came
Adjustment have made
Finished the task then faced it again

Towards the future, sacrificed was there 
Dreams to be fulfilled someone need to be left
Young heart faced the obstacles
 Of being alone 

Memorizing your back while tears is fallen
Walking slowly toward your path 
Looking for something
Then fly at your dream 
Pain in my heart slices me into pieces

Hold my breath then looked at you
Faced the fact, 
That it is so hard to be 
So close to you 

My Blog List

Labels

1000 steps (1) A. Santos Resort (1) Adobe Photoshop CS6 Beta (1) ALA INK (1) ALA-EH FESTIVAL (1) Ambon-ambon Falls (1) Art (1) Bagsik ng Panitik (1) Balayan (1) Barefoot (1) Basilica of the Immaculate Concepcion Church (1) Batangas (1) Beerhouse (1) Black Nazarene (1) Blogversary (1) BOXING (2) Burot Beach (1) Calatagan Batangas (1) Carousel (1) Contests (11) Copy Paste (1) damuhan.com (2) DFA Building (1) Dutdutan 13 (1) DUTDUTAN XII (1) Events (4) Father's Day (1) Ferris Wheel (1) Harvesting Season (1) home for the aged (1) Horse Manning (1) Humor (8) isang minutong ngiti (1) It's more fun in the Philippines (1) jack-stone game (1) Kathang Isip (14) KM3 (Kamalayaang Malaya) (1) Kwentong Batangenyo (1) Kwentong Kalibu*** (6) Kwentong kanto (6) Kyle's Birthday (1) Lemery Batangas (1) Lifestlye (1) Linggo ng Wika (1) love story (1) Lumampao (1) Maikling Kwento (5) Malagaslas Falls (1) Malayang pamamahayag (1) Movie (1) Mt. Batulao (2) Mt. Maculot (1) Mutya ng Batangan 2011 (1) Nasaan ka ninong (1) Nasugbu Batangas (1) NBA Finals 2011 (5) NBA vs PBA (1) New Year 2012 (1) New Year's Resoulution (1) Nonong Casto (1) Nutritional Month (1) Our Lady of caysasay Church (1) Parada ng Lechon (1) Parada ng Lechon 2013 (1) Personal Blog (177) Photography (30) Pick up lines (1) Pico De Loro (1) Poems (15) Repost (1) Run United 2 (1) Saranggola Blog Award Year 3 (1) Saranggola Blog Award Year 4 (2) Saranggola Blog Awards 5 (1) SBA5 (1) SM Mall of Asia (MOA) (1) SP (single parent) (1) Taal Church (1) Taal Volcano (1) Tattoo Artist (1) Tattoo for a cause (1) Taytay Church (1) teacher's day (1) Tetris (1) The Underwear Challenge (1) town Fiesta (1) Travel (23) Tribute (1) UFC (3) Villa Ferlin (1) World Trade Pasay City (1) Youtube (3)

Popular Posts

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...