mula pagkabata tayo ng magkasama,
nalagpasan ang bawat problema,
na kahit dumarating ang araw na madilim,
at alam mo na ang ulap ay makulimlim.
hindi ka sumuko,
tinahak ang dilim,
alam mong kami ang lakas,
ikaw ang aming liwanag.
alam mo kung san nagmumula ang sikat ng araw,
pero di mo alintana ang pagdilim ng paligid,
ang mahalaga may maisusubo ka samin mga bunganga,
kahit alam mo nangangalam ang iyong sikmura.
para sayo ina ang tulang eto,
para sa dating suwail na anak,
dating sakit sayo ng ulo,
pero dahil gabay mo ina nagawa kung tumayo sakin mga paa.
sa pagmamahal na binigay mo
at kung paano mo tinaguyod ang pamilya mo,
alam ko sa piling mo,
nagmumula ang sikat ng araw.
Khanto Update 2024
1 day ago
happy mother's day sa lahat ng ina :) ganda ng tula :)
ReplyDeletehappy mother's day! :))
ReplyDeletehappy mother's day to everyone ^_^ ganda ng tulang ito!
ReplyDeletehappy mother's day sa mga nanay at sa mga magiging nanay!
ReplyDeletehapimaders day..saiyong mahal na ina..
ReplyDeletehappy mothers day para sa nanay mo...maganda ang pagkakasulat mo....
ReplyDelete