ang unang pumapasok kagad sa ordinaryong filipino pag nasabing buwan ng Mayo ay ang mga nalalapit na fiestahan, sagala, alay at flores de mayo.
eto ang isa sa mga masasayang buwan dito sa lugar namin dahil magkakasunod ang schedule ng fiestahan, lalaki na naman ang tyan at madadagdagan ang timbang.
naalala ko pa nung high school at college days na basta mayo eto ang isa sa mga pinakamaraming kalokohan akong nagagawa. inuman tapos pag nalasing mambabato ng bubong o kaya magpapahabol sa aso o di kaya magbubunot ng mga kamoteng kahoy para gawin nilupak at singkamas pag gabe.
palibhasa kada gabe may nag-aalay sa tuklong kaya laging nasa galaan. eto rin ang buwan na mating season ng ilang kabataan dahil nga laging may alay pag gabe yun iba nagdadate sa dilim kaya yun ilan buwan, may laman ang tyan.
malapit na rin nga pala fiesta sa lugar namin may 24, pero bago mag fiesta 1 year na pala akong gumagawa ng blog, bilis ng panahon tapos madadagdagan na naman ang edad ko. kaya mayo ang isa sa pinaka masayang buwan ng buhay ko.
yieee malapit na anniversary...advance greeting to both including ur bday :)
ReplyDeleteadvance! heheh
ReplyDeleteayun oh anu mga handa hahaha...
ReplyDeletecongrats and happie blogsary!
happie fiesta!!
ayon oh...blowout naman! hehehe
ReplyDelete