Sa Kanluraning parte ng Batangas sa isang bayan na nuon ay nagsisimula pa lang matuto ang mga tao ng pagiging pilosopo at kakaunti pa lang ang gumagamit ng iPhone 4s halos iPhone 4 ang kalimitan gamit at di pa ganung nadidiskubre ang kakulitan ni simi-simi, si Boy Pick - up at Vice Ganda pa lang ang sikat. Babago pa lang ididiliver ang Magnum ng Selecta, pero ang cornetto disc ay in na.
Nagkaroon ng isang pa kontest sa blog ng DAMUHAN ang pagsusulat ng isang uri ng PANITIKAN at dahil isa ako, si palakanton na gustong makigaya na kalimitan ang ulam ay GALUNGGONG, kahit hindi ganun kalawak ang aking kaalaman at HINUHA sa buhay, ay sinadya ko pang bumisita sa malapit na SILID-AKLATAN sa aming bayan para magbasa ng komiks at mga kwento tungkol sa MALIGNO. Ang KAGAWARAN ng amin nayon ay nakikiisa pa patimpalak na ito tungkol sa PANITIKAN.
Sa aking paglalakad ay nakilala ko ang isang babae na nakaupo malapit sa istatwa ng mga BAYANI, at hindi na ako nag atubili na lumapit at magpakilala. Ako nga si Palakanton ikaw, ngumiti lang siya at mahinhin sinabe ako nga pala si SARA taga ANGGOLA wow astig foreigner sa isip- isip ko pero hindi pala, ang ANGGOLA pala ay isang brgy. na katabing bayan ng aming lugar. Dahil gusto ko magpa-impress sa kanya ay binatuhan ko kagad siya ng pamatay kung pick - up.
girl : Bakit?
me : para mautusan ko ang mga KULISAP na awitan ka palagi
me : sana SARANGGOLA na lang ako
girl : bakit?
me : para ikaw ang hahawak sa pisi ko.
me : x - ray machine ka ba?
girl : bakit?
me : kasi ang makikita sa baga ko ay ang LARAWAN mo.
natawa na lang si SARA sa mga binitawan kung pick-up lines at niyaya ko na lang ulit siya na magbasa sa malapit na SILID - AKLATAN para pag - aralan kung anu ang mga PANITIKAN. [:-)
"Malayang Pamamahayag"
Lahok para sa "Bagsik ng Panitik" contest ng Damuhan