Pebrero na kagad natapos na ang unang buwan ang Enero ang buwan kung san ang puso koy nadurog, bumaba ang moral pero kinailangan kung lumaban para sa mga taong umaasa sakin. Dahil unang araw ng Pebrero at ramdam ko pa rin ang pighating at kunting kirot sakin puso minabuti kung magjogging ngayon umaga kahit na ang hapon talaga ang kumportableng oras ko para sa nakahiligang gawin. Araw ng sabado medyo makulimlim ang paligid sanhi na rin ng mamumuong low pressure.
Alas singko e medya ng madaling araw kahit pupungat pungat ang aking mata ay kinuha ko ang susi ay pina start ang ang aking motor. Nagtungo na kagad ako sa aking destinasyon, malamig at talagang makulimlim ang paligid ng araw na yun. Inilabas ko ang aking telepono at inihanda ang mga musica nito kasabay ng app na ginagamit ko. Bitbit ang aking botelya at naghahanda na kung magpainit, mahinahon lakad at unti - unti ay nagsimula na ako sa pagjojoging. Ilan kilometro na ang aking binabagtas at ramdam ko na rin ang pagpatak ng aking pawis kahit makulimlim pa rin ang paligid, pagtingin ko sa aking relo pasado ala sais bente na, di ko man lang namalayan na lagpas kalahating oras na ko sa aking ginagawa. Palibhasay wasak ang aking pakiramdam at tanging pagtakbo ang pwedeng pagpagaan ng aking nararamdaman kaya nagpatuloy ako, ni hindi ko inalintana kung paahon ang takbo ko basta nakatingin lang ako sa daan, malayang pinagmamasdan ang paligid, ninanamnam ang simoy ang hangin ng walang anu ano'y my munting pumatak na tubig sakin pisngi, madalang pero itoy nasundan ng mabilis na patak, umambon na ng tuluyan. Nakisilong muna ako sa isang punong mangga at inayos ang aking telepono at inilagay sa hindi mababasang parte ng katawan ko. Patuloy ang pag ambon pero unti unti itong lumalakas ng may bigla akong natanaw na isang dilag na papalapit sa aking kinaroonan. Naglakas loob na kagad ako ng makita kung malapit na sya sakin na kung pwede makisukob sa kanyang payong baka lang mabasa ang aking telepono.
sige kuya un ang aking narinig mula sa kanya, at muli siyang nagsalita lagi kitang nakikitang tumatakbo pag hapon anu kb? runner? Hilig ko lang ito, wika ko, sabay sabi ng pangalan ko, ako nga pala si Tom Vhong sabay abot ng kamay ko at denise naman ang wika nya. Malapit lang dito samin wika ulit nya. "Tara sa condo ko dala ka ng food" ang biglang naglarong salita sa aking isipan.
Malumanay siyang magsalita, at matangkad lang ako ng kunti. Bakit ilang buwan na kung tumatakbo sa lugar na ito ngayon ko lang sya napansin, ganun ba kabilis ang takbo ko o siguro hindi sya lumalabas ng hapon. Ramdam ng katawan ko ang pagkabitin sa pagtakbo pero naeenjoy ko un moment na nakasukob ako sa payong nya, na sanay wag ng tumila pa. hindi ko alam kung ganu pa kalayo ang bahay nila basta ako nakikisukob lang. Biglang tinuro nya un lugar nila, nakita ko kagad na may kunting putik sa daraanan pero di ko un inalala basta alam ko masaya ako. Pagdating sa bahay nila inalok nya kagad ako ng pansit tira daw kagabe galing birthdayhan. Walang tao ng mga oras na yun habang patuloy ang pag ambon, dahil sa nakaramdam nga ako ng gutom kinain ko na rin kagad ang pansit nyang alok, ilan minuto ay natapos na ko sa pagkain. Biglang bumukas ang pinto at akoy nagulat, nagsalita kagad si Denise o Cedric andito ka na pla asan ang tatay, kumain knb? Hindi pa wika nito at bigla akong natigilan dahil naparami ang kinain kung pansit na halos simutin na lang at nagtaas kagad siya ng boses, bakit wala ng pansit? Nakaramdam kagad ako ng kaba at lalo pang lumakas ito ng titigan nya ko. Bigla siyang may kinuhasa kanyang bulsa at nagsabi Denise, bili mo na lang ako ng tinapay un na lang kakainin ko, may bisita ka pala, at ngumiti na rin sakin si Cedric, at nagsabi na madalas kita ng nakikitang tumatakbo pag hapon, runner kb? Hindi hilig ko lang ito wika ko. Mula nuon nagkaroon na ako ng kaibigan at kada makikita ko sila bumabati sila at si Denise ang isang dahilan kung bakit lalo akong naging ganado sa ginagawa ko, para magpatuloy ako sa pagtakbo.
Salamat ng araw na yun, salamat at pinasukob nya ko......
Khanto Update 2024
2 days ago
haha magaling ang pagkakasama ng national issue kumo sa blog mo at sa jogging mo...
ReplyDeletebigla kong nakita pangalan ni cedric at denise sa kwento. hahahha friends pala kayo ha. lol
ReplyDelete