Palakanton's Adventure Headline Animator

Sunday, July 28, 2013

Burot Beach

Maputing at pinong buhangin ng burot

It's been June pa lang pinaplano na rin namin un pagpunta dito ni Mervin aka Pinoy Adventurista  un pagpunta sa ilan part ng Calatagan. at isa ang Burot beach na matatagpuan dito. Ang totoo first time ko nakapasyal sa isang white sand beach dahil hindi talaga ako fan ng beach siguro dahil taga tabing dagat ako at ang katwiran ko ay maalat din naman ang dagat ng ibang lugar pero mali pala ako. Mas masarap pala mag relax at maglakad lalo na sa kung ganito kaganda un tanawin na papasyalan mo at isa pa napatunayan ko rin na mas matabang yun tubig sa Burot. 

Kung plano mo un pagpunta dito bring your own Staff tulad ng pagkain, toiletries, Tent kung overnight & camera hehe, just to capture the moment.

Maputing at pinong buhangin ng burot

scenery of burot 

scenery of burot 

ito un bangka na pwedeng rentahan para magala un ibang part ng beach

ito un bangka na pwedeng rentahan para magala un ibang part ng beach

scenery of the burot

reminiscence

Pinoy Adventurista

taking some Photos

papicture din pag may time. 

Friday, July 12, 2013

Mt. Pico de Loro

Tagal ko na rin di nakaakyat ng bundok last ko pa ata is last March pa. From an invitation sa isang kaibigan hindi na ako nag dalawang isip pa. Pico de Loro is located at  Magnetic Hill, Ternate, Cavite. Kakaiba un experience ko dito dahil ang akala ko kaya ng dayhike pero mali ako at dahil 1pm na kame nagsimulang magtrek kaya un. Kahit wala sa plano ko na magcamp eh nakisilong na lang ako sa tent ng kasama ko. Isa pa wala talaga akong mga gamit tulad ng tent at mga flash light.
Medyo bitin nga lang ang akyat dahil hindi ko naakyat mismo un beak dahil nagmamadali rin ako ng araw an yun. Pero babalikan ko ang Pico de Loro, wala pa lang date kung kelan.
Sign to pico de Loro

Going down

dahil sa ulan

group picture din pag my time

butterflies from the bag

ang maamong pusa sa base camp

ilan aso sa base camp. maamo rin sila

ang babaeng yapak. 

picture picture

kaladrarin backpackers together with lakbay laya. 

ang mahabang trekking

sight seeing 

alone medyo delikado ito.

ppa picture din

pico de loro peak at beak

natural ray of light



ito un di ko narating dahil nagmamadali pagbaba. Pico de Loro's beak. photo courtesy of Mam Jeddahlyne Monzon


Friday, July 5, 2013

Angkas

Buwan ng Hunyo taong kasalukuyan araw ng Miyerkules un ibang estudyante may pasok na pero un anak ko next week pa. Araw ng martes iniaanounce na buong maghapon ng miyerkules ay mag bbrown out. Dahil medyo inip din sa bahay at namimiss ang pagpitik o pagkuha ng mga litrato ay napagplanuhan ko na mag stroll patungong Tagaytay.

Kinaumagahan alas 7 na ko nagising at maya maya nga ay nagbrown out na nga at naggayak na ko. Naligo nag almusal at nagpabango sabay bitbit ng camera at inilagay sa u-box ng motor ko. Maganda ang panahon ng araw na un. Nagpaalam ako sa aking tuyahin na may pupuntahan lang ako at siya na muna ang bahala sa anak ko. Itext ako kung sakaling magka kuryente at makauwe na mula sa paggagala.

Pagsakay ko ng motor derecho kagad sa kalapit na gas station at nagkarga ng P120. Habang sa daan at inaaliw ang sarili sa magagandang tanawin at humihinto sa daan pag may na spotan na magandang view o kakaibang senaryo agaya ng pag aasawahan ng aso sa kalye, un nakatuntong na ibon sa kalabaw at ang magandang tanawin ng Bulkan taal, dahil tanaw na tanaw ang bulkang taal sa daraanan patungong tagaytay. Masarap talaga tumabay sa Tagaytay dahil sa malamig ang klima.Ilan oras din sa pagpitik ay nakaramdam ako ng gutom. Umorder ako ng Barbeque dahil un bulalo ay medyo may kamahalan pero nakihingi na rin ako ng sabaw nito at nakipagbiruan sa tindera na kung pwede lagyan ng kunting laman at di naman ako napahiya, at bilang ganti isang masarap at matamis na ngiti ang aking pinakawalan tanda ng aking pasasalamat at sabay bola.

Pagkatapos kung kumain ay nakaramdam ako ng antok at sumakay ng muli sa motor at sa di kalayuan may natanaw akong puno na may katabing upuan na duon ay matatanaw ang splendido. Naka persko sa lugar na iyon at pakiramdam ko ay unti unting hinihipan ng hangin ang aking mata pero tiniis ko ang aking antok at sa halip ay bumili ako ng kending kopiko sa lalaking naglalaro ng mga kendi at yosi. Halos 30mins din ang itinambay ko sa lugar na iyon, nagmamasi ng mga dumadaan sasakyan at mga chicks na rin na sakay ng jeep o un mga naglalakad lang, parang nag-aabang ako ng isang pangyayari sa pagtambay ko dun. Pero lumipas ang minuto nanawa rin ako at sumakay ng muli sa motor ko.

Naisispan ko na rin umuwe baka my kuryente na at kung wala pa naman ay magpapahinga muna ako pagdating sa bahay. Hinagot ko ang silinyador dahil sa antok na nadarama ko para un mata ko ay magluha at mawala ang antok at ilan minuto pa lang ay nasa 80kph na un takbo ko at patuloy sa pagtaas at ng maramdaman ko na nawawala un antok ko ay nagpabagal ako ng takbo at hanggang sa makarating ako sa boundary ng Lemery at Nasugbu, lumiko ako patungong boundary ng Lemery dahil mas malapit ang daan ito pauwe ng bahay.

Bandang alas tres ng hapon ng mga oras na yun at ilan metro na rin ang natatakbo ko sa unahan ko ay my pumara sakin isang dilag at hinintuan ko naman ito. Nakiusap siya na kung pwedeng makisakay siya tinanong ko kagad kung san siya patungo sabe nya sa lemery sa terminal ng bus. Hindi na ko nagdalawang isip. Isang backpack lang naman dala nya. Habang sa daan ay nakipag usapa ako sa kanya. Una ko siyang tinanong kun ano pangalan nya at kung san siya pupunta. Nagkwento naman siya Ruby at papunta akong Batangas wika nya, dun siya may trabaho bilang sales lady sa SM. Restday lang daw nya kaya siya umuwe. Halos 30 mins na raw siyang ng-aantay ng jeep na masasakyan eh walang dumadaan kaya nakisakay na lang sya sakin. Mabango si Ruby at makinis kahit medyo petit pero cute. Biglang pumasok sa isipan ko un salitang swerte at isa pa sanay akong magpatakbo ng medyo mabilis pero ng angkas ko si Ruby eh medyo sinamantala ko un pagkakataon na bagalan un patakbo at para marinig ko na ayos un salita nya habang nag uusap kami. Nararamdaman ko na tuwing magpepreno ako ay bumabanga un dibdib nya sa likod ko pero di ko un pinahalata at nagpatuloy sa pagtatanung sa kanya siya naman ay di mahiyain at sa tantsa ko medyo taklesa rin siya in short makwento rin.

Sa ilan minuto namin pagkukwentuhan ay makaramdam ako ng pag iinit ng katawan ay may biglang kumislot sa aking pundiyo pero deretso lang ako sa pagmamaneho at dumating na nga un sunod na boundary kung saan ako ay kakanan na at siya naman ay sa kaliwang daan ang tungo pero bigla akong nag offer sa kanya na kung pwede ay ihatod ko siya sa terminal at nagdahilan ako na may bibilhin sa 711. Oo naman ang sinagot niya at di ko pa rin binago un takbo ko nasa 50 - 60 kph lang para mas matagal ko pa siya maka angkas. Ilan minuto lang ay narating na namin un terminal at siya ay pumara na pero bago siya bumaba ay nagtanung kung magkano ibabayad nya at sabak dukot ng P50 ako naman bigla kung tinabig ang kamay nya at sabe ko wag na pero pinilit nya pa rin na ibigay un P50 pero biniro ko na lang siya na kiss na lang. Laking gulat ko ng sinabe na ah sige un na lang at nakipagbiruan pa kung saan. Bigla naman akong namula sa aking narinig. Pero seryoso siya at naramdaman ko na palapit un labi nya sa pisngi ko, palibhasa ay my pagkapilyo rin ako ay bigla akong pumaling at sakto sa un kunting part ng labi nya ay tumama sa labi ko. Sabay ngiti na lang ako at siya naman ay nabigla at napansin ko un pamumula ng pisngi nya. Nagsalita akong muli na kung pwede kong malaman ang cp # nya. Sabay inabot ko na un cp ko at siya na ang nag dial.

Nagpaalam na siya at pagliban nya ng kalsada patungong terminal ay nagtxt kagad ako ng ingat na my smiley  sabay hawak sa silinyador at umalis na rin ako. Maya maya narinig ko rin un pagtunog ang aking celpon at my mesage na inagt, salamat. Pag uwe ko ng bahay ay muli akong nagtext sa kanya pero wala akong natangap na reply ng oras na un wala pa rin kuryente kaya nagpahinga na muna ako. Alas 6 na rin ng hapon bago ako nakarating ng bahay pero kung tutuusin eh dapt 4pm pa lang nasa bahay na ko.

Alas 8 ng magka kuryente at maya maya lang ay nanuod na kame ng tv ng anak ko. Maya maya lang ay narinig kung muli na tumunog ang aking celpon. Si ruby nagtxt at humihingi ng pasensya  na lobat un cp nya kaya di sya nakapagreply. ok lng sbe ko sa txt at my kasamang smiley icon. nagpalitan kame ng mensahe hanggang sa naitanong ko kung pwede ko ulit siya makita.  Tapos nag reply sya na lage sya sa SM tapos sinabe nya un dept nya at un mga item na binebenta nya. Pero sabe madalalng ako pumasok ng SM kung wala bibilhin at di ko feel un SM mas feel ko un gumala sa bundok at kabukiran. sabay my smiley icon ulit. sa pagreply nya ay smiley icon lng din. Tapos my sunod na text kagad unli malamang sipag mag tx sa isip isip ko. Sa Wed rest ko nakipagpalit un isa kung kasamahan libre raw siya dun at sa tx nya gusto raw nya makita un kabuuan ng Taal Church at ilan old houses dun. Direct to the point kagad tx ko at inaya ko siya na kung gusto gumala. Oo un sagot nya sabay napabilang ako sa daliri ko ng Linggo, Lunes, Martes ah 3 tulog lang magkikita kami ni Ruby. Kasu biglang pumasok kagad sa isip ko sino tatao dito sa shop at bigla kung tinex un pinsan ko at nakisuyo na my pupuntahan ako siya muna tao dito at oo naman sagot nya.

Dumaan ang araw at Miyerkules na kagad alas 8 ng umaga ang aming tagpuan. Gaya ng dati naligo, nag almusal at nagbango ako, nag ahit ng balbas at sabay larga na kagad. Sa daan narinig ko na tumunog ang celpon ko pero di ko muna binasa dahil nagmamaneho ako at saglit akong gumilid para tumabe. Malapit na me sa Taal un ang laman ng tx at nagpatuloy ako sa pagmamaneho. Derecho kagad ako sa simbahan at nagtx ako na "d2 n me" pero nagreply kagd si Ruby "OTW to taal na me, lapit na" naexcite ako at medyo kinilig ilan minuto nga lang ay natanaw ko na siya na papasok sa loob.

Sa loob ng simbahan ay dala ko un camera ko at picture picture din tapos siya animo'y model ko na post dito post dun at nakikipagbiruan. Naisip ko ulit un salitang swerte at habang nasa loob ay hindi na ko nahiyang hawakan ang kamay niya at wala naman akong naramdaman na pagtutol. Iginala ko siya sa loob ng simbahan at hanggang sa taas siya ay iginala ko rin. Kita ko sa mata nya un saya at maya maya lang ay inaya ko siyang kumain sa Jolibee sa Lemery. Ilan minuto lang nasa Lemery na kame. Spaghetti at chicken ang order niya samantalang burger steak ang inorder ko. Gusto pa nga nya na siya un magbayad sa inorder namin pero dahil labag ito sa paniniwala ko ay inabot ko kagad sa cashier un pera ko. Nginitian ko na lang siya pero napansin ko un pagsimangot nya ng kunti. Pero hinayaan ko na lang at inantay un order namin.

Habang kumakain ay tuloy pa rin un kwentuhan namin "getting to know each other" ika nga. Un pagkapilyo ko ay uamtake na naman siguro nakaka apat pa lang siyang subo ng Spag ay inabot ko un tissue at sabay punas sa tagiliran ng kanyang labi. Malumanay ang pagpunas ko na ikinagulat pa nga niya at sabay sabe ng thank you, ang sweet mo naman, pero ang totoo wala naman talaga siyang dumi gusto ko lang maka score at madampian ang kanyang mga labi, Nguniti siya at kinilig ako "effective pa rin pala un punas labi effect ko" nasabi ko sa sarili ko sabay ngiti rin sa kanya bilang ganti sa ngiti nya.

Pagkatapos namin kumain ay inaya ko siya sabay angkas pero di gaya ng dati nakayapos na siya sa bewang ko na ikinagulat ko pero hinayaan ko na lang sa kalapit na dagat para makita nya un ibang part ng Lemery at natuwa siya pagkadating namin dun, sabe pa nya ang tagal ko ng dumadaan sa Lemery pero di pa siya nagawi dito. dun kame pumwesto sa may niyog na tanaw ang kagandahan ng paligid. Natahimik lang sya habang pinagmamasdan ang paligid at bigla kung hinahawakn muli ang kamay nya pero wala akong naramdaman na pagtutol. Ilan segundo rin na katahimikan at unti unti kung tinaas ang kamay nya hawak ng kamay ko at hinalikan ko ang kamay nya. Nakatingin lang siya at unti unti kung nilapit ang ulo ko patungo sa kanyang mukha pero wala akong naramdaman na pagtutol kaya unti unti palapit ng palapit naglapat muli ang mga labi namin ni Ruby. Tsup ang una kung narinig, at naging abala ang mga labi namn ng ilan minuto at bigla niya akong tinulak ng marahan. Kumawang ako at tumingin sa kanya habang siya ay nakatingin din, nakakabingi ang katahimikan at tunog lang ng mga dibdib namin ang tangi kung naririnig ng mga oras na un. Muli kung nilapitan ang mukha nya at naglapat muli ang aming mga labi pero mas mainit na un at naramdaman ko na rin un paggalaw ng labi nya, hindi na ako nag dalawang isip na ibulong sa kanya kung ok lang na mag motel kami. Katahimikan ang sumunod na eksena at maya maya lang ay isang matamis na ngiti ang nakita ko sa kanyang labi. Sumakay kami ng motor at muli siya ang umangkas sakin.

Wednesday, July 3, 2013

Brief at Boxer

Tagal ko na ring di nakapag post ng Personal blog talaga, lately tinatamad din mag blog, tapos may naiisip busy naman sa pag-aasikaso sa pagpasok ng anak at minsan busy busyhan lang. Di ko sure kung R-18 ang post kung ito medyo personal talaga.

Since High School pa lang fanatic na ako sa pagsusuot ng brif ito ang nakamulatan ko sa aking magulang na magsuot ka ng Brief since Elementry days o mas bata pa. Ito pa nga minsan un asaran pag may mga tropa ka  at sabihin kang walang suot na brief.

Pero un paniniwala kong ito ay nabago ng mag aral na ko ng kolehiyo, un mga nakatropa ko is mga skater, gig over at usually nakaboxer sila un medjo mababa un pundiyo at nalabas un garter. Mas malapad kasi un garter ng boxer kesa sa brief. Un nga un time na nadiscover ko un boxer, parang nadiscover ko lang Pilipinas kasama ni Magellan, hehe. Pero parang di ako kumportable pag boxer lang ang suot ko dahil parang nagkakaluslos ako tapos un boxer na binibili ko ay un 3 fo 100 so manipis at madaling mabutas un pundiyo. Almost 6 months din ako nagboxer tapos balik sa brief. Pero sa pag usad ng panahon pinagsabay ko na un pagsusuot ng boxer at brief dahil napansin ko na medjo lumolobo na ako at may mga activities na mahirap pag brief lang kaya nasanayan ko na un brief + boxer.

Benefits ng brief + boxer pag intense un ginawa mo tulad ng basketball o jogging sigurado papawisan ka after na pawisan ka sigurado basa ang brief, panget naman kung matuyuan ka at nakakasakit ng bewang kung tinatamad ka pang maligo hubarin muna un brief mag boxer na lang muna.

My Blog List

Labels

1000 steps (1) A. Santos Resort (1) Adobe Photoshop CS6 Beta (1) ALA INK (1) ALA-EH FESTIVAL (1) Ambon-ambon Falls (1) Art (1) Bagsik ng Panitik (1) Balayan (1) Barefoot (1) Basilica of the Immaculate Concepcion Church (1) Batangas (1) Beerhouse (1) Black Nazarene (1) Blogversary (1) BOXING (2) Burot Beach (1) Calatagan Batangas (1) Carousel (1) Contests (11) Copy Paste (1) damuhan.com (2) DFA Building (1) Dutdutan 13 (1) DUTDUTAN XII (1) Events (4) Father's Day (1) Ferris Wheel (1) Harvesting Season (1) home for the aged (1) Horse Manning (1) Humor (8) isang minutong ngiti (1) It's more fun in the Philippines (1) jack-stone game (1) Kathang Isip (14) KM3 (Kamalayaang Malaya) (1) Kwentong Batangenyo (1) Kwentong Kalibu*** (6) Kwentong kanto (6) Kyle's Birthday (1) Lemery Batangas (1) Lifestlye (1) Linggo ng Wika (1) love story (1) Lumampao (1) Maikling Kwento (5) Malagaslas Falls (1) Malayang pamamahayag (1) Movie (1) Mt. Batulao (2) Mt. Maculot (1) Mutya ng Batangan 2011 (1) Nasaan ka ninong (1) Nasugbu Batangas (1) NBA Finals 2011 (5) NBA vs PBA (1) New Year 2012 (1) New Year's Resoulution (1) Nonong Casto (1) Nutritional Month (1) Our Lady of caysasay Church (1) Parada ng Lechon (1) Parada ng Lechon 2013 (1) Personal Blog (177) Photography (30) Pick up lines (1) Pico De Loro (1) Poems (15) Repost (1) Run United 2 (1) Saranggola Blog Award Year 3 (1) Saranggola Blog Award Year 4 (2) Saranggola Blog Awards 5 (1) SBA5 (1) SM Mall of Asia (MOA) (1) SP (single parent) (1) Taal Church (1) Taal Volcano (1) Tattoo Artist (1) Tattoo for a cause (1) Taytay Church (1) teacher's day (1) Tetris (1) The Underwear Challenge (1) town Fiesta (1) Travel (23) Tribute (1) UFC (3) Villa Ferlin (1) World Trade Pasay City (1) Youtube (3)

Popular Posts

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...