Isa sa kinakahumalingan ko na laro sa perya ay ang color game, anim lang na kulay ang tatayaan dilaw, puti, pink, asul, pula at berde simple lang ang rules huhulaan mo lang ang kulay sa kubikong de kulay kung anu lumabas yun ang tama, minsan kung swerte ka dobol o triple, pwede baklay ang taya mo hati sa dalawang kulay sa gitna ilalagay ang pera minsan ang ginagawa ng iba ay sa gilid, mabilis ang tama, mabilis din ang ubos ng pera kung medyo malas ka. Madali lang naman ang pagtaya pero di ganun kadali ang pagtama. Madalas makita eto sa perya pag may fiesta.
Khanto Update 2024
1 day ago
ay adik ako dito, tuwing fiesta naglalaro ako nito eh. buti na lang nananalo
ReplyDeleteIn fairness... Hindi ko maitago na naglalaro ako nito. Haha!
ReplyDeleteThe best na laro kapag fiesta.
hahah nacucutan ako nito noong bata pa ako... di kasi ako tumataya pero natutuwa ako sa mga kulay.. hahaha
ReplyDeletenagaro din ako nito. pag malapit na ang pasko, nagkakarooon ng peryahan dito sa amin.
ReplyDeletesubrang namiss ko to. palagi akong tumataya dito sa perya pag fiesta samin at palagi akong nananalo nung bata pa ako. pag-uwi ko sa bahay eh punong puno ng barya ang bulsa ko. tas palaging ako ang naghihila nung lubid! hehe
ReplyDeletebaklay pala tawag dun.. now I know.. hehehe
ReplyDeletealam ko illegal na ito ngayon eh, naalala ko yung mom ko na tumataya rito ng biglang magraid... hahahaha
Nakakamiss maglaro ng color game. Makapaglaro nga next week, may perya na kasi samen. Hehe.
ReplyDeleteSir, hihintayin ko ang entry nyo ha. Dun sa The Underwear Challege. :)
nilaro ko 'to dati nung highschool ako. tatayaan ko lang yung isang kulay pero dodoblehin ko lagi yung taya ko kapag natatalo. sure win kase malamang na bago maglimang game set, kamalas na lang na hindi lumabas yung isang kulay na yun.
ReplyDeleteang ending, na kick out ako sa table. hindi na rin masama dahil nakabili ako ng second hand na gameboy dati mula sa winnings ko dun. :D
Diba me daya ito?
ReplyDelete