ng tulang ito may kinalaman sa aking pagkatao,
di lang naman ako nakakaranas nito,
at may ilan karanasan na mas malungkot sa aking kwento.
gigising sa umaga titingnan ang orasan,
titingnan ang celphone kung my text man lang,
tatawa, ngingiti pero panandalian lang,
kakasawa, kakainip dahil ako un naiwan.
buti pa ang maliit na basong tagayan,
nababasa ang labi ko sa alak nitong laman,
at sa gabing mapanglaw,
isang stick ng Marlboro hithit sa labing tigang.
ang lungkot ng pag-iisa,
lalo na kung may dumarating na problema,
tatawa, may kunting ngiti sa aking labi,
pero panandalian lang malungkot ng muli.
at sa pakikipagchat sau,
sabi mo ilan buwan uuwe ka na
pero di ka pa dumarating,
pinag-uusapan na natin muli ang iyong paglisan.
sa lungkot ng pag-iisa,
nakagawa ng malulungkot na tula,
sa mundo ng blogespero naibahagi ko ito,
laking pasasalamat at nadiskubre ko,
sa komento ng ilang blogero,
kahit paano nabawasan ang pangungulila sau.
Ok Lang Ako – Parokya Ni Edgar Song Lyrics
what is distance when two hearts and souls are connected by an invisible thread of love?
ReplyDeletemasarap din talaga ang uminom......baka hindi pa gusto umuwi kaya tiis muna....tawagan mo kaya...
ReplyDeleteshaks.. naiyak ako sa bg music. ramdam kita pre sa iyong tula, walang duda, miss mo na nga ang iyong sinta.
ReplyDeleteAlam mo Barek Palaks, kung ihahanay ito sa mga pamosong tula ng mga sikat at dalubhasa, laging "pwede na" ang turing, ganito kasi ganito yan at kung anu-ano pa, pero para sa akin, ang kagandahan ng tula ay hindi lamang nandong nakatuon sa teknikal na aspeto lalo na't nauuso na ang mga iba't ibang estilo ng panulaan, mas mahalaga sa akin ang laman, yong sustansiya...alin yong makakapukaw sa nilalamig at naiinitan kong damdamin. Nandito sa tula mo.
ReplyDeleteSalamat dito ha? Lahat nararamdaman ito ng nag-iisa, ng naghahanap, naghihintay at napapanglaw. Lalo na't alam mo namang may hinihintay ka.
kaya mo yan kuya, just hold on tighter
ReplyDeleteand you can also ask naman us if you need company
:)
depende lang yan sa tao, maki pag mingle para sumaya ka.. hehe!
ReplyDeletemahirap talaga mag isa pero sanayan lang yan. ang isipin mo eh di ka naman magiging mag-isa forever. pansamantala lang naman. isipin mo na lang ang muli nyang pagbalik. masaya ako at naisusulat mo sa isang tula ang pangungulila mo...gawain ko rin yan at kahit papanu eh naiibsan pansamantala kung anu man ang dinaramdam ko. at kung kailangan mo ng kasama eh nandito lang kaming mga taga blogosphere. u
ReplyDelete