Palakanton's Adventure Headline Animator

Thursday, February 16, 2012

Rocker, Emo & Punk

    Bata pa lang kame magkakaibigan na kame nila Axl, at Kerwin. Magkakalase kame hanggang nung High School nagkahiwalay lang nung pumasok na nung Kolehiyo. Si Axl, ang adventurer samin, siya yun makulit gusto laging mag try ng mga bagong estilo, magpagupit ng medyo weird in short siya yun punkista. Si Kerwin ang tahimik, shy type, basta pag dating sa pag-ibig magaling siya magpayo. Ayaw na ayaw nya na hahawakan yun buhok nya na naka one side na halos matakpan ang mga mata nito, emotero. At ako si Dexter mahilig sa gitara pangarap ko na magkabanda at sumikat. Mag kakaiba ang mga hilig namin sa musika pero basta pag kalokohan at gimik lagi kaming magkakasama. 

      Lumipas ang 2 taon at bakasyun nun, si Axl pumasok sa Manila, si Kerwin sa Calamba malapit sa bahay ng Papa nya at ako ay Batangas City. Kwentuhan at kulitan hanggang sa magkaayaan mag-inuman. Si Axl ang bida sa kwentuhan.
Axl : Pre napasali ako sa frat, sa school namin 30 palo ng puddle ang inihataw sakin 
Sabay pakita ng mga hita nya sa likod, at andun pa nga ang mga tatak ng palo dahil medyo nagkabukol ang mga hita nito at ang gupit nya ay punkistang punkista malaki na ang pinagbago ng hitsura ni Axl pero siya pa rin ang dati kung kaibigan, maingay, makulit. 
Ako : Ikaw naman Kerwin musta ka na
Kerwin : Nag-aral ako mag violin dahil sa kahiligan ko dito at napasali rin ako sa choir ng school namin. Proud na proud sakin si Papa. 
Malaki na rin ang pinagbago ng hitsura ni Kerwin at ang kilos nya ay may mga pinagbago na rin yun dating mga simple joke na tawanan kaming tatlo at di na ganung benta sa kanya. Parang ang pagiging tahimik nya ay misteryoso pero di naman siya nagsasalita.
Nagpatuloy pa rin kaming tatlo samin inuman at ang dating simpleng kwentuhan at medyo umingay palibhasa eto lang ulit yun time na nagka inuman kame yun last namin eh nung graduation namin. 
Bigla ang pagbuhos ng ulan at tumakbo si Axl at Kerwin para magpakabasa at maligo sa ulan sumunod na rin ako:

Kerwin : Gustong-gusto ko lagi ang maligo sa ulan
ako: ako rin, para makapag head bang [rock n roll]
Axl : ako rin. Naalala ko pa nung mga bata pa tayo sabay-sabay tayong magtampisaw sa ulan.
Kerwin : alam nyo ba kung bakit gusto ko laging naliligo sa ulan.
Ako : Bakit
Kerwin : Para hindi halata ng mga tao na umiihi ako sa short ko, di ba astig. dito ko lang nararamdaman na ang laya ko, walang rules na kelangan sundin. 
kahit ang tagal ko ng kilala si Kerwin dun ko lang nalaman na may kalokohan siyang taglay sa pagiging tahimik nya at minsan ay walang kibo.
Axl : alam nyo ba kung bakit gustong gusto kung maligo sa ulan?
Kerwin at ako : bakit? [sabay pa kaming dalawa] para di rin pansin ng mga tao na umiihi ka sa salawal.
Axl : Hindi. [sabay ang pagpula ng mga mata nito.] [lumuluha na pala siya] isinasabay ko ang pagpatak ng luha ko sa pagbuhos ng ulan, para hindi pansin ng mga tao na umiiyak ako. eto ang isa sa mga paraan para mailabas ko ang mga pighating pinagdaan ko. 
ako : sige pare iiyak mo lang yan.
eto ang mas nagpagulat sakin kaibigan sa halos magkasabay na kaming magbinata at at mas close kame dito ko lang napagtanto na grabe ang pinagdaan nya nung pumasok siya sa kolehiyo at ilan away rin ang pinagdaanan nya. Ang mukhang astigin, makulit at laging masaya, may lungkot na itinatago at ang ulan ang tangi nyang labasan ng sama ng loob. 

5 comments:

  1. lahat naman ata ng tao may nakatagong lungkot at ka emohan, kahit nga mga siga nalulungkot din naman mga yan eh.. di lang halata dahil sa kaanyohan panlabas.

    ReplyDelete
  2. ganun talaga. di lahat ng masaya eh masaya na lang lagi. :)

    ReplyDelete
  3. ahh ang lungkot.... same kami.. kaya gusto ko ng ulan para dun mo ibuhos ang lahat ng luha mo,, para di makita ng mga taong nakapaligid sau...
    Tsaka sabi nga nila.. sa isang taong astigin may tinatagong bigat ng problema.,..

    ReplyDelete
    Replies
    1. napansin ko nga pre sa mga blog post mo na minsan kahit walang story na nakaindicate medyo malungkot un picture....

      Delete
  4. ang saya isipin na kahit magkakaiba kayong taklo ng personalities pero nagjijive at nagsysync ang souls nio through friendship.

    ReplyDelete

My Blog List

Labels

1000 steps (1) A. Santos Resort (1) Adobe Photoshop CS6 Beta (1) ALA INK (1) ALA-EH FESTIVAL (1) Ambon-ambon Falls (1) Art (1) Bagsik ng Panitik (1) Balayan (1) Barefoot (1) Basilica of the Immaculate Concepcion Church (1) Batangas (1) Beerhouse (1) Black Nazarene (1) Blogversary (1) BOXING (2) Burot Beach (1) Calatagan Batangas (1) Carousel (1) Contests (11) Copy Paste (1) damuhan.com (2) DFA Building (1) Dutdutan 13 (1) DUTDUTAN XII (1) Events (4) Father's Day (1) Ferris Wheel (1) Harvesting Season (1) home for the aged (1) Horse Manning (1) Humor (8) isang minutong ngiti (1) It's more fun in the Philippines (1) jack-stone game (1) Kathang Isip (14) KM3 (Kamalayaang Malaya) (1) Kwentong Batangenyo (1) Kwentong Kalibu*** (6) Kwentong kanto (6) Kyle's Birthday (1) Lemery Batangas (1) Lifestlye (1) Linggo ng Wika (1) love story (1) Lumampao (1) Maikling Kwento (5) Malagaslas Falls (1) Malayang pamamahayag (1) Movie (1) Mt. Batulao (2) Mt. Maculot (1) Mutya ng Batangan 2011 (1) Nasaan ka ninong (1) Nasugbu Batangas (1) NBA Finals 2011 (5) NBA vs PBA (1) New Year 2012 (1) New Year's Resoulution (1) Nonong Casto (1) Nutritional Month (1) Our Lady of caysasay Church (1) Parada ng Lechon (1) Parada ng Lechon 2013 (1) Personal Blog (177) Photography (30) Pick up lines (1) Pico De Loro (1) Poems (15) Repost (1) Run United 2 (1) Saranggola Blog Award Year 3 (1) Saranggola Blog Award Year 4 (2) Saranggola Blog Awards 5 (1) SBA5 (1) SM Mall of Asia (MOA) (1) SP (single parent) (1) Taal Church (1) Taal Volcano (1) Tattoo Artist (1) Tattoo for a cause (1) Taytay Church (1) teacher's day (1) Tetris (1) The Underwear Challenge (1) town Fiesta (1) Travel (23) Tribute (1) UFC (3) Villa Ferlin (1) World Trade Pasay City (1) Youtube (3)

Popular Posts

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...