ang mga mumunting tubig na nakakahalina,
sa iyong pagpatak naghihintay ang tigang na lupa,
pero tubig lang ba talaga ang iyong dala?
sa pag-ihip ng hangin nagbabadya ng iyong pagdating,
kasama ng kulog at ulap na maitim,
kasunod ng kidlat at ang pag-ihip ng malamig na hangin.
pero tubig lang ba talaga ang iyong dala?
parang kahapon lang ang musmos kung damdamin,
nagsasayaw, nagtatampisaw brief lang ang saplot sa katawan,
tatakbo, hihinto biglang malulungkot sa iyong pagtila,
pero tubig lang ba talga ang iyong dala?
sa iyong pagpatak ikaw aking hihntayin,
at sasalubungin ang tubig mong dala,
at hahayaan pumatak saking mga mata,
sige ibuhos mo pa ang yung tubig na dala.
tubig lang ba talaga ang iyong dala?,
pero bakit di ko na mapigilan ang pagpatak ng luha sa aking mata,
pighati't lungkot ng pangungulila at pag-iisa,
at muling aantayin ang pagpatak mo na ang dalay saya sakin mata.
Set Fire to the Rain – Adele Song Lyrics
amp.. parehas kau ni master mario ng ganyan,,, ang bigat at lungkot ng tula...
ReplyDeletemahusay ang pagkakalahad ng kalungkutan na hatid ng mga salitang iyong nabuo dito.. ipagpatuloy!
ReplyDeleteang lungkot din ng post tulad nga nung kay mar
ReplyDeletemay pinag-huhugutan...,
ReplyDeletenapa emo ako sa post mo pare :)
ReplyDeleteTake two ito Sir P. Hindi pumasok 'yong una.
ReplyDeleteMarami ang naghihintay sa pagdating ng ulan, ang mga magsasaka, ang mga ibon, ang mga batang magtatampisaw sa unang patak nito sa buwan ng Mayo.
Meron din namang inaasam na ang paghulaw dahil baka umapaw na naman ang mga dam, ang ilog.
Dumarating ang ulan dahil sa may mabubuhay gayong magpapaalam ito dahil may namatay.
Ang hiwaga niya'y mahirap ilapat sa tula pero ang sarap basahin ng iyong katha.
Misteryo sa akin ito.
Musta?