Bata pa lang di na tayo laging magkasama,
Mga litrato mong padala ang malimit makita,
sa gitna ng disyerto ang post mo,
maitim, nakahelmet na puti, at may kasama ka na negro,
malamang eto ay isa sa mga boss mo!
Natutong maglakad ng paunti-unti,
nagkaisip, at nagkaroon ng muwang sa mundo,
pero bakit ganun lalo na kung sasapit ang pasko,
kahit anung kulit ko di ko mapunan ang lungkot sa mata ni ina.
Lumipas ang taon nagbuntis ulit si ina,
si ineng pinangak buwan ng hulyo tanda ko pa.
sa murang edad tagatimpla ng gatas nya,
sabay ang kampay ng kamay nya habang pinapatulog sya.
mabilis na lumipas ang panahon,
uy may padalang malaking kahon,
excited tingnan kung anu ang laman,
wow chokolate, pabango at mga laruan.
sigarilyo, cassette tape at walkman.
laging wika ni ina.
"ang inyong ama ay nagtatrabaho para sa'ting pamilya
wag kayong magtatampo sa kanya,
kahit ilan pasko natin syang di nakakasama",
kahit panu nakakaraos tayong magkakasama.
Pero ngayon lagi na tayong magkasama,
3 ang naging supling mo,
sa mahigit din dalawampung taon, nagpabalik-balik
sa kabilang ibayo,
siguro kung di ka pa nagka rayuma,
wala ka pang plano na huminto sa pag aabroad AMA,
pero ngayon mas masaya na lagi si ina,
dahil laging andyan ka sa tabe nya.
Khanto Update 2024
1 day ago
nice hapy ending pala :D
ReplyDeleteat least, nagkasama ulet. Happy Christmas! :D
ReplyDeletenakakalungkot pero atleast happy ending naman..:)
ReplyDeletenaaalala ko ang kanta na Babalik Ka Rin na inawit ni Gary V. sa post mong ito....
ReplyDeleteadd you in my blog list na pala....
ang lungkot ng simula pero maganda ang huling kinalabasan!!!
ReplyDelete