Nakakayamot panahon ngayon dahil pabago-bago, malamig tapos iinit, mya-mya uulan tapos iinit ulit, haist kaya naman nag kasipon na ko ng tuluyan sinabayan pa ng ubo tapos nagkaroon pa ng singaw, [haist life]. Lagi din kasi ako nasa kalsada sa pagmomotor, dun inaabot ng ambon, tapos iinit, humina na tuloy imune system ko. Ang nakakaasar pag uminum naman ako ng gamot nahihilo lage ako, parang gusto ko lage mag bed rest pero hindi naman pwede, hindi lang katawan ko ang nangagailangan ng aking serbisyo, kumbaga pag ako yun nagpahinga hindi ko rin ramdam na nagpapahinga ako marame ang naghahanap isa pa nalalapit na ang pasko kelangan kayod pa rin.
Hindi rin epektibo sakin ang hydro therapy dahil maya't maya ang ihi ko nakakayamot naman pag nasa biyahe na kelangan huminto para lang umihi sa pader o kung san man abutin. siguro 6 na buwan na din akong hindi nagkakasakit ngayun lang ulit, panu ba naman nung isang araw napainum eh brown out pa naman naparame nasagad ang katawan nakatulog sa labas na sobrang sarap ng hangin, nung umaga masakit ang ulo may sipon hayun takaw inom. Kahit magsisi nangyari na, nagkasipon na ulit ako, sana lang gumaling na kagad, may pa event pa naman ako dito samin sa pasko!
Sana gumaling na kagad sipon ko.
get well soon na lang :)
ReplyDelete