Ibang-iba ang pasko nung ako'y bata pa, dahil ang dami kung pinaniniwalaan!
Kala ko nun si Santa ay talagang naglilibot sa bahay - bahay sakay ng kanyang karwahe ata yun, hila ng mga usa, gaya ng napapanuod sa tv at namimigay ng regalo. Isa rin naman ako sa mga batang nagsaasabit ng medyas bago mag noche buena pag gising ko may laruan kung minsan naman ay chocolate at kendi.
Isa rin ako sa mga batang mahilig mangarolin, magpipitpit lang kame ng tansan tapos bubutasan at ilalagay sa alambre sakto ok na, pwede ng mangarollin, ang alam lang namin kantahin ay pasko na naman at merry christmas, pinaka mataas na bigay samin ay piso sa mga bahay na tinatapatan namin, kalimitan pa nga ay tawad dahil sa dami rin ng mga namamasko. Pag minsan nga kinakantahan pa namin ng thank you, thank you ang babarat ninyo, thank you! pag sinabihan kame na tawad sabay takbo palayo sa bahay na aming tinapatan. Madalang ako makapagsimbang gabe nun dahil nun sa bayan lang may misa ng simbang gabe, o kung meron may sa lugar namin kasama ako ng mga tropa ko sa pamamasko.
Pag pasko di pwedeng wala akong bagong damit, maaga pa lang kinulit ko na ang nanay ko na magsimba na kame para makapamasko na ako dahil katwiran ko nun baka maabusan ako ng mapapasko pag tanghali na ko namasko.
Kala ko nun nahahati ang taon pag bagong taon, lagi akong nakatingala sa langit at pinagmamasdan kung talagang nahahati nga pero di naman pala.
Ang laki ng pinagbago ng pasko!

iba ang pasko noong bata pa tayo kc hihingi lang tyo ng gifts..pero now that adults na tayo, tayo nang namimigay..heheh...ano daw?!
ReplyDeletehaysss, nung bata ako, ang saya saya pag pasko dahil andaming aginaldong natatanggap. ngayon,butas ang bulsa kasi ako na ang namimigay. ahahahaha. :D ambilis ng panahon!
ReplyDeleteiba ang pasko ng generation noon at ngayon. Mas maganda sa generation noon :D
ReplyDeletedati nga naniniwala ako kay santa, yun pala si nanay ang naglalagay ng regalo hehehe
ReplyDelete