Ang Parada ng Lechon ay ginaganap sa bayan ng Balayan sa Batangas tuwing ika-24 ng Hunyo bilang paggunita sa pista ni San Juan Bautista.
Pagdiriwang
Ginaganap ang sayawan sa plasa ng bayan sa bisperas ng kapistahan. Sa mismong araw ng pista, nag-aalay ng misa sa Simbahan ng Immaculada Concepcion at pagkatapos ay binebendisyunan ang mga lechon na isasama sa parada.
Ang mga lechon ay ipinparada sa mga kalye sa bayan ng Balayan. Ginagayakan ang mga ito ng iba't ibang kasuotan at palamuti. Kabilang din sa pagdiriwang ay ang pambabasa ng tubig sa mga nanonood at kasama sa parada. Isinasagawa ito bilang paggunita sa ginawang pagbibinyag ni San Juan Bautista kay Hesus sa Ilog Jordan.
Matapos ang parada ay dadalhin ang mga lechon sa mga bahay ng may-aring organisasyon o pamilya kung saan pagsasalu-saluhan ang mga ito.
simbahan ng Immaculada Conception ng Balayan
ang mga lechon na ginayakan at pinalamutian ng iba't - ibang kasuotan
may nurse, datu, hiphop, at dreadlock na lechon
may member ng redcross, seaman, at pati si baboy pick up at ang rider na lechon
cowboy, terminator at captain barbell na lechon
ang magagandang mukha na nakisaya sa parada ng lechon
all ages just having fun sa panunuod ng parada at di lang
ang mga lechon ang masarap kundi nakakabusog din sa
paningin ang mga naggagandahang mga dilag
the wet & wild babes of Ginebra San Miguel (Ginuman na!)
the entertainers & street dancer na lalong nagpadagdag ng saya
the tomaderos. kakatuwa nga un may hawak na arenola habang nag aalok ng alak.
group picture ng tropa
ang mga mambabasa gamit ang kanilang water gun.
marami pa rin mga ancestral houses sa Balayan,
un nasa taas na may tarpaulin ay bahay ni Leo Martinez.
sobrang saya ng festival na eto sa pagsakay pa lang sa dyip ay di na makakalampas sa mga nanghaharang sa daan para mambasa sa mga pasahero, mula sa parada ng lechon, sa mga taong nakikisaya dito at ang ganda pa ng sikat ng araw ng time na un.
Sarap naman ng litson! Di ka nag-imbita sana dinayo ka namin hehe
ReplyDeletepre dayo din lang nman ako d ako tga balayan.. karatig lugar lang.
Deletesana maranasan ko din yan one time :D
ReplyDeleteaahhhh ang lechon baw.... pampahigh blood hehehe...
ReplyDeletesana maexperience ko din yung ganyan..
Balayan, Batangas din ang province ng mother ko pero bihira jami umuwi dito at kadalasan tuwing December 8 lang kapag piyesta. Next time ang Parada ng Lechon ang gusto ko maranasan naman.
ReplyDelete