14 anyos pa lang ako ng matutuhan ko ang paghitit ng yosi, iba ibang diskarte pa nga ginagawa ko sa pagpapalabas ng usok. Hanggang sa naperpekto ko ang pagpapalabas ng bilog na usok. Pag walang pera pengeng yosi lagi ang aking mutawi sa mga kaibigan ko. Ang dating paisa-isa ngayon ay nakakaubos na ako ng isang kaha maghapon, dahil dito umitim na ang aking labi at nagkulay kalawang na ang aking mga ngipin. Lagi akong amoy matanda at kumupis na rin ang aking katawan pero di ko eto alintana.
Dahil sa yosi dumami ang aking tropa, dito ko nakilala si Sally kapatid ni Mando na tropa ko rin. Simple ang ganda ni sally at tahimik. Isang gabi ay nagkainuman kami sa bahay nila Mando at sa sobrang kalasingan ay may nangyari samin ni sally. Ilan araw din akong di nakatambay kina Mando at nagulat na lang ako ng mahigit isang buwan ay pinatawag ako ng kanyang magulang. Nagbunga ang ginawa naming ni Sally. 19 pa lang ako tambay at di pa ko handa sa mga susunod na mangyayari. Kinausap ako ng masinsinan ng magulang nya kaharap ang mga magulang ko.
Nagsama kami ni sally sa bahay ng magulang ko, at dito tumindi ang paghitit ko sa yosi. Kahit nasa malapit lang si sally ay patuloy ako sa paghitit. Sa tuwing gagamitin ko siya sa gabe ay nakaka 3 -4 na yosi pa rin ako. Kahit anung pakiusap ni sally na lumayo ako pagnagyoyosi ay tila bingi ako. Lumipas ang buwan at dumating ang kapanganakan ni Sally. Palibhasa wala siyang pormal na chek-up ay isinilang nya ang anak naming na mahina ang baga at mga ilan komplikasyun. Aborido at tulala ako ng makita ang anak ko sa kundisyun nya. Nakita mo na sa sobrang pagkaguhapa mo sa sigarilyo eto ang naging resulta sa anak mo wika ni Sally. Wala naman siyang tinig na pwedeng sabihin at iyak lang na nagmumula sa kanyang tinig ang pwede nyang ipahiwatig. Dapat ikaw na lang wika ni Sally, walang kamuwang muwang ang anak mo, dapat ikaw na lang, sabay ang pagpatak ng mga luha nya.
ang galing...
ReplyDeleteWala na akong oras para gumawa...hehe..nasa work kasi ako, dami distraksyon.
ReplyDeleteGood luck!
hello, nakidaan lang at nakibasa. ang ganda ng kwento, maiksi pero buo at compact. thanks and regards... :)
ReplyDeletemagaling.. naiparating mo sa aking ang nais mong ipahiwatig. salamat dito at gudlak po :)
ReplyDeletenice, buti nalang hindi ako nagyoyosi...
ReplyDeletemagandang araw :)
mainam na tinig.. bawal mag-yosi sa tabi ng buntis.. good luck adre..
ReplyDeleteAyan kasi eh. Masamatalaga 'yang yosi sa kalusugan. Mahirap lang talagang iwasan. Goodluck tsong! Kinilabutan ako.
ReplyDeletegud luck! yosi ang hindi ko naging bisyo
ReplyDeletewala akong yosi pards :)
ReplyDeletegoodluck!
hindi ako nagyoyosi :)
ReplyDeleteGoodluck sa entry mong ito pare.
creative.
makabagbag damdamin ito...
ReplyDeletegoodluck kuya palaka!
salamat sa paalala sir...kahit alam kong hindi ako naaakit sa mga nagyoyosi,,,,,
ReplyDeleteAng ipinabatid ng iyong lathalain ay napakasimple: MAY MASAMANG DULOT ANG YOSI. Kung pamilyar tayo sa nakasulat sa pakete ng yosi, doon ay may nakalimbag na paalala mula sa kumpanyang nagmamanufacture nito. Masama sa kalusugan subalit ang warning o babalang ito ay ni hindi naman nasusunod ng taong gustong humithit bumuga. Kahit ako ay napapahithit buga kapag kailangan pero kayang kaya kong kontrolin ang paghahanap sa yosi. Taon na yata ng huli akong tumikim nito at masasabi kong hindi ako sugapa. Kayang kayang tanggalin sa sistema ng isang tao ang pagyoyosi. Paano natin 'to tatanggalin? Kung gusto may paraan.
ReplyDeletePaano kaya kung ang halaga ng isang pirasong yosi ay nagkakahalaga ng 1000.00? Mabawasan kaya ang sugapa? Kung tuluyang ipagbabawal ang paninigarilyo dapat ding isara ang mga kumpanyang gumagawa nito. Sayang ang tax, mawawalan ng trabaho ang mga trabahador. Alin kaya ang mangingibabaw?
Noong magawi ako sa Bicol kamakailan, ang bayan ng Legazpi ay may batas na ipinatutupad na bawal ang manigarilyo sa pampublikong lugar na palagay ko naipatutupad. May batas na rin tayong inilunsad dito kamakailan pero gaya ng isang ningas kugon-ayon, talamak pa rin ang pagyoyosi ng ilan sa pampublikong lugar.
na di ako nagyoyosi...
ReplyDeleteHi, I came across your site and wasn’t able to get an email address to contact you about a broken link on your site. Please email me back and I would be happy to point them out to you.
ReplyDeleteThanks!
Randy
randydavis387@gmail.com