kulot ang buhok, sarat ang ilong,
kulay uling na balat may matipunong katawan,
sa mga aklat na nabasa ito ang aking nalaman.
naaamoy ko pa ang amoy ng lumang damit sa drawer ko,
at napansin kung my ilan butas ang mga damit ko,
na sa paniniwala ko ito'y kaagat ng ipis,
at ang tag ulan at ang ulap na dala nito'y,
nilamon ang kapaligiran at tinakpan ang sinag ng araw,
hindi ko mawari'y samin munting tahanan ikaw muling masisilayan....
ilan taon na nga ba ang nagdaan?
pero ang wangis mo'y halos walang pinagbago,
pero ang tikas mo'y nabawasan..
makikita sa mga dingding mo ang bakas ng anay,
tanda ng ilan taon, o dekada na iyong pinagdaanan,
anay na unti - unti sumisira sa ganda mo,
pero un mahihinang kahoy lang ang kaya mo,
dahil ang totoo narra, at karamihan ay molave,
ang pundasyon nito.
pero talagang kay bilis lumipas ng panahon,
ang mga ninuno kung nag - aruga sayo,
at ilan Juan Dela Cruz na nagsakripisyo,
ay papalitan ng panibagong Juan Dela Cruz,
na halintulad sa anay at sa ilan anak mo'y,
sariling kulay at dugo inalipin,
ng ilan Juan Dela Cruz na nagpapanggap na Santo,
sa tarangkahan ng bahay mo,
dapat sila ang ipako sa krus.
ang tahanan koy hindi pa konkreto,
pero buhay ang paniniwala ko,
na may ilan Juan Dela Cruz at Maria Klara de tattoo,
ang muling aayos ng mga inanay na parte ng bahay ko.
ang tahanan koy hindi pa konkreto!
ito ang aking opisyal na lahok sa Saranggola Blog Award 5
DMCI
goodluck sayo dito paps!!
ReplyDeleteNice! :)
ReplyDelete