Broom, broom sabay hagot ng silinyador,
Neutral muna, sabay apak sa kambiyo,
Primera sa unang apak ng paa,
Handa ng paandarin ang motor, maglakbay kung san mapunta.
Primera sabay apak ulit segunda na,
habang ang takboý pabilis, hangin di alintana,
Trisera hagot sa silinyador, nais makipagkarera,
Oppss alalay lang sa paghagot baka, madisgrasya.
Kay gandang pagmasdan ng paligid sa kalsada,
habang ang takbo malapit ng mag-onseta,
sana meron camera ang aking mga mata,
para perfect shot habang nagmomotor aking makuha.
pero imposible na makuhanan ang ganun angulo,
kung saan kahit medyo tagilid na ang takbo,
sa pag-overtake sa trak at iba pang behikulo,
laging pag-iingat sa pagpapatakbo ,
munting anak na nag-iintay sa pag-uwi ko.
Khanto Update 2024
1 day ago
pag walang kamera, ilagay sa memorya :)
ReplyDeletepaangkas naman.
ReplyDeletesubrang nagustuhan ko yung last na linya ng tulang eto..."munting anak na nag iintay sa paguwi ko". ang galing!
ReplyDeleteparang motor ang tunog, broom broom.. takot ako sumakay sa single motor.. haha!
ReplyDeletesa memory na lang icapture ang magaganda tanawin.
ReplyDeletewow, nkaka touch ang ending ^^
ReplyDelete