4 utoy 1 babae 3 lalaki.."
Si asero ang aso ni Mang Kanor na sobrang giliw sakin bata pa lang ako kalaro ko na siya pero sa paglipas ng panahon kelangan na rin nyang magpaalam dala na rin ng katandaan at ang huli nyang naging anak ay ang 4 na tuta. Pinamigay ni Mang Kanor ang 3 tuta at itinira ay isang lalaki, at pinangalanan Pocholo, hango na rin sa isang teleserye. Kulay brown ang balahibo nya at may kunting batik na kulay puti, kapit ang balahibo nito na hawig sa pangkaraniwang askal. Gaya ng kanyang ina lage ko rin kalaro si Pocholo, sinasama kung pupunta ng palayan para manghabol ng ibong at kung anu-ano pa. Si Mang Kanor asawa ni Aling Rosa ay wala pang anak sa halos 3 taon na silang mag-asawa, naaalala ko pa rin si asero kung pano ang lambingan nila ni Mang Kanor at kung pano siya paliguan ni Aling Rosa. Palibhasa wala pang anak kaya napakagiliw ng mag-asa sa kanilang aso. Pero iba na ngayon sa pagsilang ni pocholo ay siya naman pagdadalang tao ni Aling Rosa.
Lumipas ang buwan at isinilang ni Aling Rosa ang kanilang panganay at walang pagsidlan ang kaligayan sa mga mata ni Mang Kanor ng mga araw na yun, isa ako sa mga saksi sa kaligayahan ni Mang Kanor. Sa paglipas ng mga araw medyo nagbago ang pakikitungo ng mag-asawa sa kanilang aso na si pocholo dahil mas abala sila kay Vincent ang kanilang anak, kaya mas malimit ako ang nag-aasikaso kay pocholo, kasama ko lagi siya sa aking paggala at pagpapastol. Ako nga pala si amber katiwala nila sa bukid at kapitbahay nila sa kanilang dampa. Alam ko na napansin din ni pocholo ang pagbabagong trato sa kanya pero kahit ganun sobrang giliw pa rin nito sa kanyang mga amo, pag darating kami sa bukid ay ang payupow ng buntot nito sabay ng kahol nito ay ang paglalambing nito kay Mang Kanor. Matalinong aso si pocholo kahit askal.
Isang araw habang kamiý magkasama ni Mang Kanor sa bukid at naiwan naman si Aling Rosa, Vincent at pocholo sa bahay pero malimit naman na ganito, ay kinagulat ni Mang Kanor ang pag-iyak ni Vincent na di naman kalayuan ang dampa sa bukid, ay siya naman ang pagdating ni pocholo na may dugo ang mga nguso nito at ang sunod - sunod na pagkahol nito ang lalong nagpataas ng tensyon samin ni Mang Kanor, sa paglapit ni pocholo sa duguang anyo ng nguso nito ay di ko na nagawang mapigilan pa si Mang Kanor, sa pagdampot ng kanyang itak sabay ang pagwasiwas nito sa ulo ni pocholo, natulala lang ako ng mga oras na yun habang patuloy ang pag - iyak ni Vincent. Hangos sa pagtakbo si Mang Kanor para tuntunin ang kinaroroonan ni Vincent. Laking panlulumo ni Mang Kanor ng makita ang kinaroroonan ng anak na duguan ang paligid, at may isang patay na ahas na halos madurog ang ulo sa kagat, na malapit sa kinaroonan ng anak, basa lang pala ang lampin ng kanyang anak kaya ito umiyak at si Aling Rosa pala ay nagtungo sa palengke sa pag -aakalang magiging mahimbing ang tulog ni Vincent. Pero huli na ang lahat ng mapagtanto ni Mang Kanor na sinagip pala ni pocholo ang buhay ng kanyang anak, kung sana di siya pabigla-bigla sa kanyang desisyon sana buhay pa si pocholo, sana masaya pa rin kameng magkasama, pero patay na si pocholo. Ang aking matalik na kaibigan!
speechless...
ReplyDeleteay na sad naman ako don, gandang kwento.. wait totoong kwento ba yan?
ReplyDeleteWow, astig ng kwento pre...promise, pangalawang visit ko ngayon dito at ngayon ko lang binasa...true story ba ito?? kasi hindi naman ikaw si Amber! ikw ba si Amber? Nasaan si Amber?!!
ReplyDeleteMay kilala akong mang kanor din, madami siyang videos na nagkalat..bawahahaha
@Rence salamat pre sa pagdaan
ReplyDelete@mommy-razz & @Akoni kathang isip lang po pero my pinaghugutan lng me based na rin sa actual na buhay! yung kilala mong Mang Kanor sa kanya ko din kinuha yun pangalan.
may nabasa ako'ng similar na story about sa aso. nakakalungkot nga to. sa dami ng aso ko, ni isa sa mga un wala akong pinagbuhatan ng kamay
ReplyDeletesad naman!
ReplyDeletepadalos dalos pala si Mang Kanor.....pero hindi kasi alam kung ano talaga ang nangyari.....kaya napagbalingan ang aso kasi baka siya ang sanhi ng pag iyak ng bata....
ReplyDeletepengeng aso...
ReplyDeleteyung font pala na ginamit sa it's more fun in the philippines na logo ay HARABARA BOLD. pwede mo ito i-download.