Pasado alas 8:45 na nung umaga ako nagising pero eto na ang normal kung gising, dahil madaling araw na lagi ako nakakatulog. Gaya ng nakagawian pupunta sa tindahan para bumili ng tinapay pagkatapos timpla ng kape. Pagkatapos kung mag-almusal ay nagwalis na ko ng harapan ng biglang kagulo sa kabilang kanto.
[Putang ina mo] wika ni girl A dayo ka lang dito wala kang karapatan na saktan anak ko.. (ang away nagsimula sa away bata na napunta sa mga ina ina nila [damn non-sense nung una])
[Putang ina mo rin] wika ni girl B sabay kuha ng walis para hampasin si girl A, mga manunuod at meron sabay hawak sa girl A & girl B, tuloy pa rin ang murahan at maaanghang na salita habang si girl A hawak ang anak na naiyak at panay pa rin ang mura. [haist] pero nuod lang ako,
ladyes, ladyes sabi ng ilan meron na mga nakangiting aso habang pinapanuod ang dalawa sa kanilang murahan. may nagwika pa na pagboxingin na lang ang 2, maya-maya pinaglayo ang 2 pero ilan minuto pa lang bumalik si girl A bitbit pa rin ang anak na naiyak [putang ina mo, dayo ka lang dito kala mo kung sino ka]
hoy umuwi ka na sabi ng isa sa mga umaawat maawa ka sa anak mo, lapitan ulit ang mga meron at magjujueteng pero di talaga jueteng [STL (small town lottery)] un sa PCSO, anu ba magandang numero para sa dalawa wika ng isa sa mga meron habang tinatanong ang kobrador, 16-11 wika ng isa, at 16-33 sabi naman ng isa, tayaan kagad ang mga meron at nakikiusyoso, at tumahimik na ang lugar.
mag-aalas dose na bumili ulit ako ng ulam nakita ko si girl A nakaupo na hawak ang baraha ang nag totong-it, kandong pa rin yun anak, kalmado na kasi nakapwesto na sya habang si girl B, nakikipag chismisan, ang lumabas nga palang numero sa STL ay 31-36, ang daming natalo!
p.s. moral lesson [masarap magyosi habang may hawak na baraha]
may mga ganyan talagan eksena. minsan tatawanan mo na lang hehehe
ReplyDeletesarap manood lalo na kung gumugulong na sila sa lupa. dapat di na inawat.
ReplyDeleteay naq yung mga eksenang ganyan tinititigan ko na lang, at magsa2beng
ReplyDelete"no comment,"
hehehe
may STL pala diyan.....dito pa bookies ng suwertres lotto......hirap manalo kasi walang hearing number na mapagkukunan.....tumataya din ako lagi...1 piso win 400 pesos
ReplyDeleteNASAAN ANG BED SCENES?
ReplyDelete