Its been 16 years since I graduated sa Elementarya, 12 years naman nung High School at 8 years na nung College. Ang dami ng mga pangyayari at development sa buhay. Sa career, sa lovelife, sa family life, etc. Ang dami ko na rin mga naencpounter na tao.
Nung Elementarya yun ilan malimit ko pa rin makita at minsan nagkakabonding pa rin paminsan minsan, yun iba my kanya-kanya na rin pamilya at yun iba naman sila ang nagkatuluyan, yun iba maganda ang position sa trabaho, OFW naman ang ilan. Naaalal ko pa nun kada tatanungin kame ng aming mga titser kung anu ang gusto namin maging ng mga bata pa kami, yun iba gusto maging titser at natupad naman nila, yun iba engineer, at kung anu-ano pa pero ilan lang ang natupad sa mga nais nila nung bata pa.
Nagkahiwalay-hiwalay lang nung pumasok na nung High School kasi yun iba di na nagpatuloy sa pag-aaral at ang iba sa ibang eskwelanhan pumasok. Isa ako sa napaiba ng school, sa catholic school ako pumasok sa karatig bayan, kaya nakameet ulit ako ng mga bagong katropa. Sabi nga High School life ang pinakamasayang schooling & I agree with this saying, dito nahuhubog ang maraming development sa physical, emotional, etc pati ang pagkakaroon ng mga pubic hair sa ilan parte ng katawan. Maraming gala at kalokohan. Maraming masasayang mga nakaraan pero ngayun till text na lang ang kamustahan ang ilan maganda na ang status sa buhay bilang OFW, at magandang position sa ilang kumpanya. Pero still di lahat my maganda ang sitwasyun, ang ilan sa mga tropa ko naging tattoo artist sana mameet ko ulit para makapagpa tattoo, yun iba engineer na at karamihan sa call center may trabaho.
Marami lalong pagbabago nung college days na, yun mga classmate ko ng kolehiyo wala na ko ganu balita halos sa karamihan sa Facebook status na lang ako nakikibalita sa mga pinopost nilang mga picture, pasalamat na nga lang friend ko pa sila sa Facebook.
Sana magkaroon kami ng engrandeng reunion kahit saan antas para mag get together ulit, nakakamiss din naman na di na ulit nagkakakwentuhan at asaran...
tama, nakakamiss talaga ang dating samahan
ReplyDelete:))
dalawa lang ang natira sa grupo namin nung sa HS. Kami lang ng best friend ko. Minsan naitatanong din namin, nasaan na nga ba ang barkada?
ReplyDeletewla akong friends nung high school. hehehe loner me dati. highschool ang malungkot na parte ng aking buhay
ReplyDeleteaw.... nakakamiss ang school life. Namiss ko ang school life ko dahil sa post mo.
ReplyDeleteSana ako din, magkaroon ng reunion thingy. :p