Simple lang naman ang pangarap ko,
Ang magkaanak ng magaganda at gwapo,
kahit tumira tayo sa bahay kubo,
ang mahalaga magkakasama tayo.
Pero ang gusto ko un wild at adventure,
punta tayo bicol sabay tayo sa paglangoy sa budanding,
magsurfing tayo sa surigao at zipline sa cagayan,
tapos punta tayo ng boracay attend tayo dun ng sayawan,
Pero mas ok un my trekking, at rock climbing,
pasyal tayo sa Davao at Mt. Apo dun tayo maghiking,
ok rin sa pagudpod pero malapit sa makiling,
tapos punta tayo puerto prinsesa dun tayo magsswimming,
Pero ang lahat ng ito ay pangarap muna,
pero malay mo anak yumaman si papa,
lahat ng ito gagawin natin ng buong pamilya,
pero sa ngayon magpalaki ka muna.....
Khanto Update 2024
1 day ago
ayos ang tulang ito.
ReplyDeletesa isang pangarap ako'y naniniwala
ReplyDeletewalang imposible sa pangarap... Nauuso yata ang mga tulang post ngayon ah...
ReplyDeleteser. sa tingin ko ay natupad na ang unang talata. di ga?
ReplyDeletemalamang sa alamang ay matutupad din ang iba mong mithiin. ipagdarasal natin yan.
teka, parang malayo ang pagudpud sa makaling? o mali intindi ko sa tula?
Gusto ko ang tulang ito. Bakit? kahit yung ibang nabanggit mo ay nagawa ko na. hindi ako magsasawa na gawin ang mga bagay na magpapalapit sa akin sa kalikasan.
Masaya akong tinapos ang tulang ito. Bakit? dahil nakikita ko yung pagbuo mo ng iyong pangarap para sa iyong anak. ang sa akin lang, sana panghabang buhay kang mangangarap para sa kanya. sana.
ilang beses ko pala pinanood dati yung bidyo mo sa anak mo, yung bahay kubo. nakakatuwa iyon. natutuwa ako sa pamilyang magkakasundo. lalo na ang relasyon ng tatay sa kanyang mga anak. kase yung sa nanay parang given na. (oo, alam kong bata palang ako pero di ko din alam bakit ganito ako magisip at magsalita. LOL.)