Naaalala ko pa nung bata pa ko, once na may tsokolate sa bahay ibig sabihin may umuwe na balik bayan o may papackage.
Ilan na rin bang mga kamag-anak ko ang nagtungo sa ibang bansa para maki pagsapalaran at makapagpundar ng ilang mga gamit. Sabagay isa rin naman ako sa mga nagbakasali, dahil walang matinong trabaho na mahanap dito sa pinas. Isa ang aking ama sa mga naging OFW, at naaalala ko pa na sulat lang ang gamit at voice recorder tape para marinig ang kanyang boses. Marami na rin sa mga kamag - anak ko ang nangibang bansa. Ilan taon din ang ipinagtrabaho nila pero ang masakit nito ay ang mimimithi nilang pag - uwe ay kung anu yun naghihintay sa kanila, kung meron bang trabaho na nag - iintay sa kanila o ang katotohanang bumalik ulit sila sa ibang bansa para dun magtrabaho.
Tatlong taon nagtrabaho sa UAE pero pag - uwe tambay ng ilan buwan mga ilan buwan balik na ulit sa dating buhay, ang masaklap pa kelangan na ulit mangutang para sa pang araw-araw na gastos. Isang araw lang na DON at DOñA, ang sakit lang tanggapin ng katotohanan na halos taon ang binilang para makipagsapalaran, para maka ipon, para may maipadalang tsokolate sa mga mahal na naiwan pero hindi naman talaga ganun kalaki ang sweldo ng isang OFW. Kelangan iwan ang mga mahal sa buhay, nakakapraning pa kung may mga pangyayari na nakakadurog ng pusa ng isang OFW.
Ang panget lang sa Filipino mentality na basta pag nasa ibang bansa ka, marami ka ng pera.
Nasabi mo na p're. Isa akong OFW...Mahirap na masaya!
ReplyDeletebasahin ko man o hindi mula sa mga OFWs ang buhay ng nagiibang bansa, ramdam ko na mahirap talaga.....,
ReplyDeleteganyan din tingin sa kin nung nagdubai ako. akala yata eh bangko ako hahahhaa
ReplyDeleteganun nga talaga kapag nasa ibang bansa ka... tsk tsk
ReplyDeletehahaha... pwede naman dibang magkuripot.. ahaha
ReplyDeletetama ... hehe
ReplyDeletethey earn dollars but they also spend in dollars.
yown umeenglish me .. hahaha