Palakanton's Adventure Headline Animator

Saturday, March 10, 2012

Anung mabibili ng P20 mo?

Hindi eto tungkol sa commercial ng corneto!


Palibhasa dito na rin ako sa probinsya nag sstay kaya di ganu kamahal ang mga bilihin, sa P20 mo marami ka ng mabibili sa mag hapon busog ka pa.

Kung trip mo ay magpalamig ng katawan
halo - halo = P10
tinapay na monay = P5
palamig juice = P5 pero pwede rin na P3 may tira ka pang P2 na pwedeng ibili pa ng mga sitsirya like boy bawang sa halagang P1.

Kung trip mo naman ay street food
isaw = P5
atay = P10
fishball = P5
busog ka na ingat na lang sa pagkain ng ganito.

Kung trip mo naman ay pagkain sa hapunan
gulay na mongo / kalabasa = P5
kanin = P5
itlog = P5
tuyo = P5

  Naalala ko pa ng High School days, di naman tulad ngayon na ang mga kabataan more on computer games, dati kasi ang daming mga laro na pwedeng paglibangan tulad ng patentero, sikyo, tumbang preso, etc. Dahil talagang nakakagutom pag katapos maglaro ay nagkakayayaan kagad kame ng kumain ng halo -  halo. Masarap at nakakapresko ng pakiramdam ang pagkain nito pero isa pa sa dahilan kung bakit gustong gusto ko sa lugar na eto ay dahil kay Grace na kaedad at kababata ko, anak ni Aling Lagring ang tindera sa halo - haloan. Simple ang ganda ni Grace petit sya at may kayumanging kulay. Medyo may pag kasuplada lang ang dating niya dahil sa kanyang medyo singkit na mata. 14 anyos pa lang ako nun at ang iba kung tropa ay nagkaka gusto sa kanya at may ilan din na mas maedad samin na nagkaka gusto rin. Kanya kanyang diskarte at pag papa cute sa kanya. Ang iba sa stationary dinadaan, ang iba naman ay sa papansin effect. Siya lagi ang laman ng usapan namin pag katapos namin kumain ng halo - halo.
  Isa rin ako sa mga naglakas loob na sumulat sa kanya gamit ang stationary, pero may pagkapraning din ang kapatid ni Grace si Mando na mas matanda sa kanya ng 2 taon. Ang bawat nagpapadala pala ng sulat kay Grace ay kelangan dumaan muna sa kanya, kaya pala walang sagot akong natanggap. Eto pa yun bad trip minsan kumakain kame ng halo - halo sa lugar nila ng biglang lumabas si Mando at may dalang mga stationary na nuon ay nakatambay din tropa nya. May binasa siyang sulat sa harap ng tropa galing sa isa kung kaibigan na nagpadala rin pala ng love letter. Pulang pula nuon ang barkada ko at halos minuto lang ay ubos na ang halo - halo nya sabay alis. Ganun na rin ang ginawa ng ilan tropa ko para maiwasan ang ginagawang pagpapahiya ni Mando. Tarantado ang Mando na yun ah pag ntyiempuhan ko basag ang mukha sakin nun wika ng isa kung tropa.
  Ilan araw din di kami tumambay kina Aling Lagring dahil sa ginawa ni Mando at nagulat na lang ako ng may pinadalang sulat si Grace gamit ang stationary. Parang panaginip at atat na binasa ang laman ng liham.

  Sorry sa inasal ni Kuya nung isang araw sayo at sa tropa mo, pero yun sulat mo ay di naman nya nabasa, naitago ko yun sa kanya. Nakakatouch naman ang laman ng sulat mo, nakakatuwa, may pagtingin ka pala sakin di ba dati magkalaro lang tayo. 


Halos di ko naalis ang ngiti ko ng araw ng yun at nung hapon na yun ay tumambay ulit kami kina Aling Lagring at nakakatuwa si Grace pa ang nagkayod ng yelo nung araw na yun. Pag kaabot nya ng baso ay sinadya kung hawakan ang kamay niya at ngiti lang ang ginati nya. Simula nuon naging maganda na ang pagtitinginan namin, lagi akong tambay sa lugar nila at mga tropa ko ng di nalalaman ni Mando. Lumipas din ang ilan buwan at dumating na nga ang summer. Mas madalas na ang pagtambay ko sa kanila at dumating sa punto na nag kaayayaan na mag overnyt swimming sila ng tropa nya at sumunod na lang kami ng tropa ko. Ang karamihan sa tropa nya ay niligawan na rin ng mga tropa ko. Kwentuhan at parang panaginip lang ang gabi na yun. Dumating yun point na na solo ko siya sa cottage, tug, tug, tug ang tunog ng aking dibdib. Tumahimik ang paligid at nagkatitigan ang aming mga mata at dahan - dahan ang paglapit ng mukha ko sa mukha nya. Naintindihan nya ang nais kung gawin at wala naman akong nakitang pagtutol ng halos malapit ng malapatan ng aking labi ang mga labi nya ay bigla siyang nag salita "nahihiya ako sayo," sumagot naman ako ng "bakit".
"Di pa ko nakakatooth brush" wika nya at bigla kung narinig ang isang tinig, tinig ni Mando na hinahanap si Grace. Sa sobrang gulat ko ay tumayo ako at nagtago sa malapit na damuhan. "Grace uwe na muna tayo masama pakiramdam ni inay lagnat siya" yun ang narinig kung wika ni Mando at bigla naman pagtayo ni Grace. Lumabas na rin ako sa pinagtataguan ko para magpakita kay grace, "uwe na muna ako, masama ang pakiramdam ng inay."

Napa iling na lang ako ng mga panahon na yun, kunting kunti na lang at nalasap ko na sana ang labi ni Grace pero naudlot pa. Wala na rin mga sumunod na pagkakataon hanggang sa nabisto na rin ni Mando ang lihim namin relasyun. Si Grace na rin mismo ang naki pag break sakin ng dahil sa P20 nagkaroon ako ng isang karanasan.

9 comments:

  1. ang 20, malayo ang mararating basta hindi dito sa manila. heheheh.

    ReplyDelete
  2. kulang pa ang bente kahit pangmeryenda lang, huhuhuhu

    ReplyDelete
  3. Naku po! 20 pesos...pasamahe ko lang yan. hahaha

    ReplyDelete
  4. At sa 20 muntikan ka nang magkaron ng matamis na halik ang bangis mo!

    ReplyDelete
  5. hahaha 20 pesos lang pala ang katapat.. so may ganun.. hahaha

    ReplyDelete
  6. dapat 40 pesos daw para umabot sa labi ..hehehe :p

    ReplyDelete
  7. ang mura.. sang province mo kuya.. bakit ganun..
    halo-halo 10 lang.. isang baso ba na malaki to?
    dahil sa 20 may muntik na romance na nabuo hahaha... wagas..
    bitin nga lang dahil kay mando..

    ReplyDelete
  8. makikisawsaw lang po..

    mas marap ba naging lasa nung halo-halo nung si grace ang nagkayod nung yelo? ahehe...

    medyo may nararating pa naman ang bente pesos para sa akin, yung 16 pesos pamasahe ko na ng balikan papunta at pauwi galing trabaho, tapos may pangsigarilyo pako na kwatro pesos, (apat na pirasong fortune na pula din yun, hehe)

    --salamat at magandang araw:D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ganun pa rin ang lasa pero feeling ko mas espesyal yun
      haha fortune F4 tawag samin jan.
      tnx pare sa comment

      Delete

My Blog List

Labels

1000 steps (1) A. Santos Resort (1) Adobe Photoshop CS6 Beta (1) ALA INK (1) ALA-EH FESTIVAL (1) Ambon-ambon Falls (1) Art (1) Bagsik ng Panitik (1) Balayan (1) Barefoot (1) Basilica of the Immaculate Concepcion Church (1) Batangas (1) Beerhouse (1) Black Nazarene (1) Blogversary (1) BOXING (2) Burot Beach (1) Calatagan Batangas (1) Carousel (1) Contests (11) Copy Paste (1) damuhan.com (2) DFA Building (1) Dutdutan 13 (1) DUTDUTAN XII (1) Events (4) Father's Day (1) Ferris Wheel (1) Harvesting Season (1) home for the aged (1) Horse Manning (1) Humor (8) isang minutong ngiti (1) It's more fun in the Philippines (1) jack-stone game (1) Kathang Isip (14) KM3 (Kamalayaang Malaya) (1) Kwentong Batangenyo (1) Kwentong Kalibu*** (6) Kwentong kanto (6) Kyle's Birthday (1) Lemery Batangas (1) Lifestlye (1) Linggo ng Wika (1) love story (1) Lumampao (1) Maikling Kwento (5) Malagaslas Falls (1) Malayang pamamahayag (1) Movie (1) Mt. Batulao (2) Mt. Maculot (1) Mutya ng Batangan 2011 (1) Nasaan ka ninong (1) Nasugbu Batangas (1) NBA Finals 2011 (5) NBA vs PBA (1) New Year 2012 (1) New Year's Resoulution (1) Nonong Casto (1) Nutritional Month (1) Our Lady of caysasay Church (1) Parada ng Lechon (1) Parada ng Lechon 2013 (1) Personal Blog (177) Photography (30) Pick up lines (1) Pico De Loro (1) Poems (15) Repost (1) Run United 2 (1) Saranggola Blog Award Year 3 (1) Saranggola Blog Award Year 4 (2) Saranggola Blog Awards 5 (1) SBA5 (1) SM Mall of Asia (MOA) (1) SP (single parent) (1) Taal Church (1) Taal Volcano (1) Tattoo Artist (1) Tattoo for a cause (1) Taytay Church (1) teacher's day (1) Tetris (1) The Underwear Challenge (1) town Fiesta (1) Travel (23) Tribute (1) UFC (3) Villa Ferlin (1) World Trade Pasay City (1) Youtube (3)

Popular Posts

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...