Eto ang isa sa mga pinakakaabangan ko nung pumapasok pa lang ako sa Elementarya hanggang sa Kolehiyo ang bakasyon. eto yun time na di mo kelangan gumising ng maaga at magpakalunod sa higaan, at dahil nga bakasyon pumapasok na yun summer. Uso ang tuli sa mga lalaki at medyo alangan na lalaki, naaalala ko pa nung kami ay magpatuli ng mga kaklase ko sa elementarya, isa, dalawa, tatlong pukpok gamit ang labaha sabay ang pag-agos ng dugo sa ulo ng aking ari, mangingiyak at halos tumulo na ang luha ko sabay lagay ng malinis na tela na may butas sa gitna (baro kung tawagin), Sabay bigay ng tatlong dahon ng bayabas. Ilan araw din ang bibilangin para gumaling ang sugat ng tuli, yun iba kung tropa kinudkod na bao ang inilalagay sa sugat pero ako antibiotic talaga, naalala ko pa na un isa sa tropa ang nangamatis ang tuli, natatawa na lang ako pag naalala ko yun at ang isa sa pinaka grabe ay yun sa pinsan ko na habang sinisilip nya ang tuli nya eh bigla na lang sinabuyan ng buhangin ng kanyang kalaro, at napapalahaw na lang siya sabay ang pag-iyak nya. [haha]. Pero ngayon hindi na ganu uso ang pukpok na tuli may mga ahensya ng itnatalaga ang LGU na libreng tuli.
Masasarap na pagkain pag summer, halo-halo naalala ko tuloy si Grace sa halo-halo, manggang hinog, ang pangunguha ng singkamas sa palayan, at kung anu-anong prutas gaya ng bayabas, sinigwelas at latiris.
Ang sarap magbabad sa dagat dahil nga taga tabing dagat ako, dito kami lagi naglalaro ng patintero at sikyo at pagsapit ng hapon ay ang paglalaro sa dalampasigan. Pero ngayon madalang na sa mga kabataan gumagawa ng ganun kalimitan tutok sa computer at naglalaro ng games.
bakasyon na! sadly may work ako sa holy week. at nasa canada ang chikiting ko :D
ReplyDeletethose were the days... na miss ko din ang summer vacation. awwwww...
ReplyDeletetiyak dahil bakasyon na ay puno na naman ang mga internet cafe....
ReplyDeletethis summer would be my last summer vacation na mahabang panahon na nasa bahay lang, after a month of rest, I'm off to the real world na
ReplyDelete