Location : Bradco and Macapagal Avenues in Aseana Business Park, near the Mall of Asia.
Hindi talaga ako ang kukuha ng passport kundi ang anak ko, kelangan ng appearance. First time ko nakita ang new building ng DFA at maganda kesa sa dati. 5am ng umaga kami umalis ng Batangas, at 2 oras din ang biyahe kaso di talaga maiwasan ang bulilyaso sa lakad. Yun van na nasakyan namin ay walang prangkisa kaya kelangan kaming ibaba sa FTI tenement buti maaga pa nung oras na yun. Ang hirap pa naman pag rush hour at matrapik. eto ang isa sa picture picture ko sa anak ko ng nasa FTI sa paradahan ng Jeep.
8:30 am na kame ng nakarating sa mismong location ng DFA at dahil di pa kami nakakaalmusal that time at buti na lang may Mcdo sa harap ng DFA liban lang ng kalsada.
-inside shot sa loob ng Mcdo gutom na kaya walang ganung maayos na shot-
-iba talaga pag gutom taob yun inorder namin at nakakatuwa dahil ang dami nakain ng anak ko-
kinakatakot ko lang that time di pa dumudumi anak ko baka tumawag ang kalikasan pero buti na lang di sya nakaramdam that day. Habang kumakain kami ay lumapit sakin ang isa sa mga crew at nagtanung kung kami lang 2 magkasama, at may 2 bagay kagad na sumagi sa isipan ko, una kala ko pupurihin nya ako sa ginaga ko sa anak ko o nanalo ako na customer of the day (parang pranign lang kung mag - isip hehe) at yun pangalawa kala ko makikipagkilala sakin yun crew (waley hehe) pero ang intensyun nya pala kaya nagtanung eh para maki share yun isang customer sa mesa namin. (hehe wrong expectation lang pala)
10am schedule ng pagpasok namin sa DFA at dahil nalibang ako sa pagkain namin mag - ama at ng pagtingin ko sa oras ay 9:40am na kaya kahit gusto pang ubusin ng anak ko un fries ay inaya ko na kagad siya. Ang trip pa nya that day ay tumakbo kaya sa pagliban sa kabilang kalsada ay sumasabay din sya sakin sa pagtawid ng kalsada.
Sakto na pinapapasok na ang may schedule ng 10am. Tinanung ko ulit anak ko kung hindi siya naiihi o nadudumi para di ganung hassle pag nasa pila na pero ti talaga. Nung una naiinit siya lagi tanung kung matagal pa at bakit kami nakapila? Pasalamat na lang ako may napulot siya na paper clip na napaglibangan nya kahit medyo marumi hinayaan ko na lang na laruin nya sa pila. May mga ilan bata rin sa pila at nakikipaglaro sa kanya. Un isang paper clip ay nadagdagan pa ng isa ng makapulot ulit siya. Iniimagin na lang niya na robot ang mga yun at pinaglalaban habang nakapila. Yun nasa unahan ko ay napansin ng anak ko na may paper clip at dahil di naman ganu mahiyain anak ko ay hiningi na lang nya ulit yun. Kita ko sa mata ng anak ko yun saya na para bang iniisip nya na nadagdagan ulit collection nya ng paper clip.
Habang sa pagtagal ng pila ay di na siya ganu nag - eenjoy sa paglalaro ng paper clip etoa ng kinatatakutan ko at nag - umpisa na ulit siya magtanung kung bakit ang tagal ng pila, sinabe ko na lang na manunuod tayo ng transformer at kami ay nakapila para manuod, at mukhang epektibo naman, kaso nakaramdam na siya, sabi nya naiihi na siya eh yun cr pa naman ay sa ground floor, so naki usap na lang ako sa unahang pila ko na cr lang anak ko. Sa tagal ng ipinila namin ay natapos rin sa tallong stages ng pagkuha ng passport.
first stage : checking of requirements, dito ako kinabahan na baka kulang mga requirements ko dahil yun sa katabi ko nakitaan ko ng clearance ng DSWD buti hindi ko na kelangan yun dahil sa mga guardian lang pala yun.
second stage : payments kung regular o rush at payment ng deliver o pick up.
regular - 950
rush - 1200
delivery - 120
third stage : coding of information. dito i ccode yun mga information sa kukuha ng passport at picture taking.
dati kelangan pang mag provide ng passport picture pero ngayon no need na computerized na rin yun picture at mas matipid.
almost 3 oras rin kami pumila pero di naman ganun katagal after going to DFA naisipan ko pumasyal sa MOA pero habang sakay na kami sa jeep ay nakatulog na kagad anak ko. nagdesyd na lang ako na sa Alabang na lang kami mag mall. Festival ang first destination namin.
Habang papunta kami ng Festival kala ko kung bakit crowded yun lugar my shooting pala at nkita ko si Pauleen Garcia. dahil medyo may pagka usyosero ako at taga probinsya at medyo may pagka jologs kaya kuha din ako ng picture habang kaladkad anak ko. eto ang ilan sa mga kuha ko malabo nga lang dahil medyo malayo at zoom lang.
Paulene Garcia
Ilan shots sa Festival Mall.
after namin mag-ikot ikot sa loob ng Festival at medyo hapon na so nag deside na ko na ayain anak ko na umuwe kahit ayaw pa nya dahil nag-eenjoy pa siya sa pagtakbo sa loob ng mall.
From Festival going to Starmall ay naglakad lang kami at nakakita ulit siya ng kotse. Gusto niya na lagi siyang magpapicture sa mapopormang kotse.
Kain ulit kami pagdating sa Starmall sa Jollibee.
till next time na gala na lang ulit
eto yun nabili niyang laruan.