Palakanton's Adventure Headline Animator

Tuesday, June 26, 2012

Kwentong Kanto

Lolo at Apo nasa parang ng mga oras na yun.

Lolo : Apo tingnan mo yun bundok ang daming langgam.
Apo : oo nga po Lolo dinig ko nga ang yabag.
**********************************
Apo : Lolo may sampung baboy tapos may sampung mais na namunga pero nalaglag ang isa, ilan po ang butil ng mais?
Lolo : Aba' y Apo ang pag - iisip mo ay di maabot ng utak ko, pero ang yan nguso mo abot yan ng aking kamao.


Batchmate

Albert : Pre pulis ka na pala ngayon!
Yohan : oo pare, tanda mo ang iba pa natin ka batch si Macoy at Herbert
Albert : oo pare san ba sila ngayon?
Yohan : ay si pareng Macoy ay mayor na a bayan eto at si pareng Herbert naman ay ay huwes na.
Albert : pare may naisip ako total naman ikaw ay pulis na tapos si Macoy ay mayor at huwes naman si Herbert gawin kaya natin un dati natin ginawa. un tayo'y magnakaw ng kambing ni Mang Hector.
Yohan : ikaw pare total atin naman ang mayor pati huwes atin din.

kinagabihan itinuloy nila Albert at Yohan ang kanilang plano kasu nabulilyaso sa kasamaang palad ay naiwan sa takbuhan si Albert dahil sa hila niya pa rin ang kambing.

kinaumagahan nakakulong si Albert.
Albert : pare bakit ako nakakulong kala ko ga ay ating mayor, tapos atin ang huwes, bakit gay-on
Yohan : atin nga mayor, atin din ang huwes eh ang KAMBING hindi ATIN kaya ikaw ay nakulong.


Politiko

Si Konsehal Pepot sa susunod na election ay tatakbo bilang mayor sa kanilang lugar, ng gabing iyon ay nagkaroon ng pagpupulong ang kanyang mga kaalyansa. Dahil gabi na natapos ang meeting ay di na nakauwe si dina ang kanyang secretarya na ubod ng sexy.

Konsehal Pepot: dito ka na matulog dina gabe na baka mapanu ka pa, maluwang naman ang salas.
Dina: ok po

Lumipas ang ilan oras ay nagising si konsehal Pepot dahil uhaw sa tubig, pag labas nya ng kwarto ay nakita niya si dina na naka panty at bra na lamang at gising pa rin.
Dina : ang init konsehal (may pang-aakit sa tono nito)
Konsehal Pepot : napabulong na lamang, pasalamat ka dina kung di lang ako tatakbong mayor niyare na kita. sabay direcho sa kusina at uminom. dumirecho na rin siya sa kanyang kwarto.

Bandang alas tres ng umaga ay nagising muli si konsehal pepot  dahil napapaihi eto at paglabas nya ng kwarto ay laking gulat nya ng makita si dina na wala ng bra at nilalaro ang nasa loob ng kanyang panty.
Dina : Konsehal baka po gusto nyu akong tulungan sakin ginagawa.
Konsehal Pepot : napabulong na lang muli, pasalamat ka dina kung di lang ako tatakbong mayor yare ka sakin at nakatulog na ulit si mayor.

kinaumagahan

katiwala : konsehal ang alaga nyung barakong baboy ay ayaw kumasta (bumaba), dati rati pagkakalibog eh, pag may nakikitang inahinin baboy ay nagwawala na kagad, may sakit ata ho
Biglang sumabat si dina sa katiwala at kay konsehal pepot.
Dina : baka tatakbo rin mayor ang baboy ni konsehal kaya ayaw kumasta.

Sunday, June 24, 2012

Parada ng Lechon Festival 2012


Ang Parada ng Lechon ay ginaganap sa bayan ng Balayan sa Batangas tuwing ika-24 ng Hunyo bilang paggunita sa pista ni San Juan Bautista.

Pagdiriwang
Ginaganap ang sayawan sa plasa ng bayan sa bisperas ng kapistahan. Sa mismong araw ng pista, nag-aalay ng misa sa Simbahan ng Immaculada Concepcion at pagkatapos ay binebendisyunan ang mga lechon na isasama sa parada.
Ang mga lechon ay ipinparada sa mga kalye sa bayan ng Balayan. Ginagayakan ang mga ito ng iba't ibang kasuotan at palamuti. Kabilang din sa pagdiriwang ay ang pambabasa ng tubig sa mga nanonood at kasama sa parada. Isinasagawa ito bilang paggunita sa ginawang pagbibinyag ni San Juan Bautista kay Hesus sa Ilog Jordan.
Matapos ang parada ay dadalhin ang mga lechon sa mga bahay ng may-aring organisasyon o pamilya kung saan pagsasalu-saluhan ang mga ito.


simbahan ng Immaculada Conception ng Balayan

ang mga lechon na ginayakan at pinalamutian ng iba't - ibang kasuotan

may nurse, datu, hiphop, at dreadlock na lechon

may member ng redcross, seaman, at pati si baboy pick up at ang rider na lechon

cowboy, terminator at captain barbell na lechon

ang magagandang mukha na nakisaya sa parada ng lechon



all ages just having fun sa panunuod ng parada at di lang 
ang mga lechon ang masarap kundi nakakabusog din sa 
paningin ang mga naggagandahang mga dilag


the wet & wild babes of Ginebra San Miguel (Ginuman na!) 


the entertainers & street dancer na lalong nagpadagdag ng saya 


the tomaderos. kakatuwa nga un may hawak na arenola habang nag aalok ng alak.


group picture ng tropa



ang mga mambabasa gamit ang kanilang water gun.


marami pa rin mga ancestral houses sa Balayan,
 un nasa taas na may tarpaulin ay bahay ni Leo Martinez.

sobrang saya ng festival na eto sa pagsakay pa lang sa dyip ay di na makakalampas sa mga nanghaharang sa daan para mambasa sa mga pasahero, mula sa parada ng lechon, sa mga taong nakikisaya dito at ang ganda pa ng sikat ng araw ng time na un. 

Thursday, June 21, 2012

Parang kelan lang



  Parang kelan lang eto ang ginagawa ko hawak ang lapis na itim kaharap ang papel na pang  grade 1, katal pa ang kamay ko nun pag may mali napapalo kagad ng inay at sabay sabe na ulitin mo. Ang hirap naman talagang magsulat nun dahil hira pa sa laro at nakakatamad. 
  
   Pero ngayon ako na ang gumagawa sa role ng inay kelangan turuan ang anak sa pagsusulat kahit minsan ay inaabot ng 15 minutos ang isang pangalan lang. Ang dami kasing distraksyun gusto palaging manuod ng tv maglaro at nakakatamad. Pagod na ako ang laging wika nya. Ang kaibahan lang eh 6 na taon na ako ng mag-aral magsulat eh siya 3 taon pa lang. Para sipagin magsulat nilalagyan ko pa ng star ang papel nya tapos sabay tanung kung ilan star ang ilalagay. Piling ko napasok din ako dahil kelangan mag chek ng mga assignments at maghanda sa pagpasok. hehe. May tinatawag pa ang DepEd na K-12 na nagpahaba lalo sa pagpasok ng mga estudyante at sigurado hagip na siya.

Monday, June 18, 2012

Photowalk @ Manila Philpost

dahil sa invitasyon ni Axl ng AXL Powerhouse Production Inc ay nakasama ako sa isang free tour last Sunday. Dahil sa same interests at kahit masama ang panahon at medyo may LBM pa ako nun eh tumuloy na rin ako mula Batangas going to Lawton. Buti na lang ng nasa location na ako eh nawala LBM ko & the rest is history. eto un first time ko ulit lumawas at mas enjoy dahil na meet ko ang ilang blogger. first time to meet them, pinoy adventurista, si Axl, si mario, un iba di ko matandaan may pagka amnesia rin kasi ako. eto ang ilan sa mga kuha ng Manila Philpost. 

 front view of Manila Philpost

 liwasang Bonifacio






back view of Manila Philpost


dahil father's day ng araw na yun isa eto sa main attraction

eto naman yun parang magsasayaw ang mga Photographer
kasu free style nga lang.



group pictorial

na stars struck ata ako ng araw na yun, tapos bigla kung naramdaman na ang dami kung namiss salamat na lang kay Axl sa invitation nabuhay ulit katawan lupa ko. Sa uulitin...

Friday, June 15, 2012

Random Post ulit

Nag start na ang pasukan kaya ang hirap na naman, gigising ng maaga kahit 3am na nakatulog para ihatid sa school si totoy. 3 days pa nga lang nakakapasok eh tinatamad na katawan ko. Buti at my offer na pang hapon di talaga ako makakilos ng ayos pag umaga. haist... Sunod sunod pa gastos hirap naman maging magulang, (batang  ama) feeling ko tuloy ang dami ko ng obligasyon parang di bagay sa edad ko. Inggit lang ako sa mga kaedad ko na nagagawa pa rin un mga dati nilang ginagawa.

Oklahoma vs Miami tied sa series sino kaya magchachampion. Ending game lang ang inaabangan ang sigawan at kantiwan ay di maiwasan. Dito sa bahay ang dami laging tambay talaga naman ang maka Miami ay todo kantyaw sa maka oklahoma vice versa. Minsan nga nagkakaasaran na pero di pa naman nauuwe sa sapakan. Di pa maiwasan ang pustahan kaya lalong masaya ang asaran dahil sa pustahan.

Lutaw pa rin utak ko sapol ng mag start ang pasukan pero kelangan maging matibay at palaban sa anumang hamon ng buhay dahil ang haba pa ng kelangan baybayin.

Tuesday, June 5, 2012

KM3: TINIG (PENGENG YOSI)


14 anyos pa lang ako ng matutuhan ko ang paghitit ng yosi, iba ibang diskarte pa nga ginagawa ko sa pagpapalabas ng usok. Hanggang sa naperpekto ko ang pagpapalabas ng bilog na usok. Pag walang pera pengeng yosi lagi ang aking mutawi sa mga kaibigan ko. Ang dating paisa-isa ngayon ay nakakaubos na ako ng isang kaha maghapon, dahil dito umitim na ang aking labi at nagkulay kalawang na ang aking mga ngipin. Lagi akong amoy matanda at kumupis na rin ang aking katawan pero di ko eto alintana.

Dahil sa yosi dumami ang aking tropa, dito ko nakilala si Sally kapatid ni Mando na tropa ko rin. Simple ang ganda ni sally at tahimik. Isang gabi ay nagkainuman kami sa bahay nila Mando at sa sobrang kalasingan ay may nangyari samin ni sally. Ilan araw din akong di nakatambay kina Mando at nagulat na lang ako ng mahigit isang buwan ay pinatawag ako ng kanyang magulang. Nagbunga ang ginawa naming ni Sally. 19 pa lang ako tambay at di pa ko handa sa mga susunod na mangyayari. Kinausap ako ng masinsinan ng magulang nya kaharap ang mga magulang ko.

Nagsama kami ni sally sa bahay ng magulang ko, at dito tumindi ang paghitit ko sa yosi. Kahit nasa malapit lang si sally ay patuloy ako sa paghitit. Sa tuwing gagamitin ko siya sa gabe ay nakaka 3 -4 na yosi pa rin ako. Kahit anung pakiusap ni sally na lumayo ako pagnagyoyosi ay tila bingi ako. Lumipas ang buwan at dumating ang kapanganakan ni Sally. Palibhasa wala siyang pormal na chek-up ay isinilang nya ang anak naming na mahina ang baga at mga ilan komplikasyun. Aborido at tulala ako ng makita ang anak ko sa kundisyun nya. Nakita mo na sa sobrang pagkaguhapa mo sa sigarilyo eto ang naging resulta sa anak mo wika ni Sally. Wala naman siyang tinig na pwedeng sabihin at iyak lang na nagmumula sa kanyang tinig ang pwede nyang ipahiwatig. Dapat ikaw na lang wika ni Sally, walang kamuwang muwang ang anak mo, dapat ikaw na lang, sabay ang pagpatak ng mga luha nya.



Friday, June 1, 2012

Dahil June na

mga kalimitan salita na maririnig pag June at pasukan na.

pasukan na naman. sa iba nakakatamad, yun iba naeexcite na makita ulit ang mga dating tropa at kaklase. un mga crush nila.

tag-ulan na naman.

paalam bakasyon. dahil mahaba haba rin ang bakasyon at maganda ang naging panahon ng nagdaan buwan kahit sobrang init eh marami ang gusto na sana bakasyon pa rin.

simula na naman ng maagang paggising. eto ang isa sa nakakatamad na gawin sa umaga kasi naman nasanay na 8am o 9am ang gising sa umaga pero dahil pasukan na kaya kelanagn.

welcome sa bagong kakilala.

good morning mam/ good morning sir. kalimitan maririnig sa lunes sa mga estudyanteng pumasok

pengeng baon inay/itay, papa/mama!

sana walang pasok, basa ang chalk.

Naku pasukan na naman, gastos ulit. (parent mode)

My Blog List

Labels

1000 steps (1) A. Santos Resort (1) Adobe Photoshop CS6 Beta (1) ALA INK (1) ALA-EH FESTIVAL (1) Ambon-ambon Falls (1) Art (1) Bagsik ng Panitik (1) Balayan (1) Barefoot (1) Basilica of the Immaculate Concepcion Church (1) Batangas (1) Beerhouse (1) Black Nazarene (1) Blogversary (1) BOXING (2) Burot Beach (1) Calatagan Batangas (1) Carousel (1) Contests (11) Copy Paste (1) damuhan.com (2) DFA Building (1) Dutdutan 13 (1) DUTDUTAN XII (1) Events (4) Father's Day (1) Ferris Wheel (1) Harvesting Season (1) home for the aged (1) Horse Manning (1) Humor (8) isang minutong ngiti (1) It's more fun in the Philippines (1) jack-stone game (1) Kathang Isip (14) KM3 (Kamalayaang Malaya) (1) Kwentong Batangenyo (1) Kwentong Kalibu*** (6) Kwentong kanto (6) Kyle's Birthday (1) Lemery Batangas (1) Lifestlye (1) Linggo ng Wika (1) love story (1) Lumampao (1) Maikling Kwento (5) Malagaslas Falls (1) Malayang pamamahayag (1) Movie (1) Mt. Batulao (2) Mt. Maculot (1) Mutya ng Batangan 2011 (1) Nasaan ka ninong (1) Nasugbu Batangas (1) NBA Finals 2011 (5) NBA vs PBA (1) New Year 2012 (1) New Year's Resoulution (1) Nonong Casto (1) Nutritional Month (1) Our Lady of caysasay Church (1) Parada ng Lechon (1) Parada ng Lechon 2013 (1) Personal Blog (177) Photography (30) Pick up lines (1) Pico De Loro (1) Poems (15) Repost (1) Run United 2 (1) Saranggola Blog Award Year 3 (1) Saranggola Blog Award Year 4 (2) Saranggola Blog Awards 5 (1) SBA5 (1) SM Mall of Asia (MOA) (1) SP (single parent) (1) Taal Church (1) Taal Volcano (1) Tattoo Artist (1) Tattoo for a cause (1) Taytay Church (1) teacher's day (1) Tetris (1) The Underwear Challenge (1) town Fiesta (1) Travel (23) Tribute (1) UFC (3) Villa Ferlin (1) World Trade Pasay City (1) Youtube (3)

Popular Posts

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...