Palakanton's Adventure Headline Animator

Wednesday, May 30, 2012

Minsan may Isang Puta


Nabasa ko lang eto sa facebook dahil inspiring ang kwento kaya ni-repost ko, isa pa lutaw pa rin utak ko..

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.

Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.

Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.

Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.

Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .

Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.

Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.

Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?

Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.

Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.

Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”

Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala

Friday, May 25, 2012

Ala-ala ng Fiesta 2012 Kurakol Part

Kakatapos lang ng fiesta dito sa lugar namin ng May 24 at dahil bisperas pa lang ay may hangover na kagad, ay pinilit ko pa rin gumising ng maaga para makasama sa kurakol (pagparada ng mga bangka sa dagat para ipasyal ang patron ng aming brgy. at hudyat ng panimula ng kasayahan.) Eto ang ilan sa mga kuha

-CORAZON DE JESUS-
-PATRON NG AMING BRGY.-















Wednesday, May 23, 2012

Chorba Energy Drink last part


Naglalalman ng maseselang salita [R-18]

Pagkatapos ng pangyayari samin ni Cristine at ng syota nya  ay umiwas ako kanila. natakot ako sa pwedeng mangyari ulit sa isa pa, alam ko ang ugali ng jowa nya na tomboy.

Patuloy ako sa pag-aahente ng chorba enrgy drink at dito ko nakilala si Laarnie na pinaka bukod tangi sa mga nakilala ko siya yun tipo na pwede mong ibahay kahit anung oras, sa pagiging masinop nya at may paniniwala sa diyos. Sa tuwing mag dedeliver ako kina Cristine at Grace eh laging may pag-iwas sakin kilos pero iba kay Laarnie Ewan ko kung anu ang meron si Laarnie pero natsotsope ako sa tuwing kaharap ko siya. Iba ang kanyang aura. Si Laarnie anak ng isang opisyales sa aming lugar ang tatay nya ay nagtatrabaho sa isang ahensya ng gobyerno at ang nanay nya isang full house wife na my tindahan sa kanilang lugar. 

Medyo masungit si Laarnie kung una mo pa lang siya kakilala pero kung matagal mo na siya kakilala eh madali mo makagaanan ng loob.  Palibhasa marami na kung beses nakapagdeliver sa kanila eh nakagaanan na rin nya ako ng loob at madalas ay kakwentuhan ko siya pagkatapos ng delivery. at nakikiagbiruan.

Isang araw mtyempo ako na siya lang ang tao at ang kanyang nanay ay umatend ng seminar. Sobra kung ikinatuwa ang sitawasyun na yun pero taliwas sakin inaasan medyo badtrip nun si Laarnie at natiempo na mainit ang ulo. Basta ng araw na yun seryoso siya, kung mag-utos siya ay medyo mataas ang boses. Ilan case din ang order na yun dahil sa alam ko na badtrip sya ng araw na yun eh sinadya ko na magpatapilok para makaagaw sa kanya ng pansin. Bigla ang pagtihaya ko buhat ang isang case na chorba na naka agaw sa kanya ng pansin. Gasgas ang tuhod ko nun at may ilan bote na nabasag na ikinasugat ng tuhod ko. Kita ko sa mga mata ni Laarnie ang pag-aalala sa ngyari sakin at daglian nya akong nilapitan. Tiningnan nya nag tuhod ko at ng makita nya na may ilan sugat eto, ay nilapatan nya kagad ng paunang lunas.

Habang pinapahid ni Laarnie ang sugat ko ay ang malimit na pagdanggil ng dibdib nya sakin tuhod. Dito ko naramdaman ang pagkislot ng aking alaga sa kanyang ginawang paglahid pero patay malisya ako dahil nahihiya ako sa magiging reaksyun nya.  Patay malisya lang ako ng oras ng yun ng biglang siyang magtanung sakin kung san pa ang masakit. Un labi nya ay di ganung kalayuan sa labi ko. Walang salita ay bigla kung nilapit ang ulo ko sa mga labi nya pero wala akong nabanaag na kung anu man pagtutol, at dito ko napagtanto ang mga susunod na pwedeng mangyari. Dahan- dahan at walang imik ang pag lapit ng mga labi ko sa kanyang labi na parang nadadarang ang sarili ko kung sa anu ang pwedeng mangyari. 

Ang aking pinakakaasam ay parang biglang natupad. Ang paglapit ng aking labi sa mga labi ni Laarnie ay unti-unti ng nangyari. Ewan ko kung anu ang mangyayari sa oras na yun pero naeenjooy ko ang paglapit ng aking labi sa  labi. Yun walang pagtutol kaya lalo ako nalaksan ng loob na ituloy ang nais kung mangyari. Sa pagdampi ng aking labi ay sobrang kakaiba na ang pakiramdam na aking nadama, parang eto na yun pag-ibig na hinahanap ko. Tsug Tsug ang huli kung narinig sa pintig ng aking puso tapos ang paglalapat ng aming mga labi. Mahinahon unti-unting napalitan ng maalab at ang mga mata namin ni Laarnie ay tila nangungusap. Ang bawat halik ko ay may tugon na lalong nagpainit sakin damdamin. Kinapa ko kagad ang dibdib nya at nakiramdam pero wala akong nabanaag na pagtutol at pinagpatuloy ang aking ginagawa. 

Tila wala na kaming pakialam sa susunod na mangyayari at nagpatianod sa agos. Ang mga kamay ko ay naglumikot pababa sa kanyang kaambukan pero nagpaubaya lang siya. Bigla kung natanugn sa sarili ko kung ano bang meron ako at parang panaginip lang ang nangyayari.

Habang magkadikit ang aming mga labi at siya ay steady at ineenjoy ang bawat paggalaw ng aking mga kamay ay sinamantala ko na ang pagkakataon na salatin ang kanyang hiyas. Manipis lang ang balahibo nya at unti- unti na ang pagkabasa nito. patuloy ako sa aking ginagawa ang dinako ang aking mga labi sa kanyang dibdib. Tila nadadarang na siya sa pangyayari kaya sinamantala ko ng laruin ang kanyang dibdib na lalong nagpasilakbo ng kanyang nararamdaman, sa paglalaro ko ng munting korona sa kanyang dibdib ang lalong nagpatindi sa makamundo nyang pagnanasa. Parang panagingip ang mga bawat eksena pero andito na, eto kung pnaginip man eto tila ayoko ng magising wika ng aking diwa.

Nagawi ang aking dila pababa sa kanyang munting korona, sus maryosep ang aking itinuran ng makita ko ang kanyang nipple, pink eto at tayong tayong na lalong nagpatindi sakin pagnanasa. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa habang tila musika ang aking naririnig sa tinig ni Laarnie. 

Totoo ba eto habang patuloy ang paglalaro ko sa kanyang dibdib, at ilan sandali pa ay kinalabit na ako ni laarnie pero di ko naunawaan ang kanyang pahiwatig at dumako ako pababa, baliw na ako ng mga oras na yun at bingi sa kung anu ang totoong nangyayari, dahan dahan kung ibinaba ang suot nyang short kasama ang underwear nito at duon at naging timawa ako sa laman, na lalong nagpatindi ang pag-ungol ni laarnie. Alam ko ng mga oras na yun na naliligayahan siya sakin ginagawa at akoĆ½ tila isang alipin. 

Dun ako nakaramdam ng kakaibang pakiramdam mahal ko na si laarnie at kahit alam ko kung  anu ang pwedeng mangyari ay pinigil ko ang aking nararamdaman, bigla akong nagsalita mahal kita at ayaw ko na samantalahin ang sitwasyun na eto. Pero ngiti lang ang iginanti sakin ni Laarnie na kahit di ko nunawaan ang sinasabe nya pero ang mata nya ay tila nangungusap na ipagpatuloy ang aking ginagawa.

Napabuntong hininga ako at hinagilap ulit ang kanyang dibdib na tila sanggol sa uhaw sa gatas ng kanyang ina.  Ang pagtingkayad ni laarnie ang lalong nagpatindi ng aking pagnanasa, wala na akong pakialam basta ang tawag ng laman ang mahalaga. Maiinit na eksena ang sumunod na naramdaman ko na lang ang pagbagsak namin sa sahig. Walang imik puro tingin pero nauwaan ko ang ibig nyang sabihin. Dahan - dahan ang pagpasok ko sa kanyang lagusan na nuon ay sobra na ang paglalawa. Pawis at halingling ang mga sunod na pangyayari at dahan dahan ang paggalawa ng aking bewang. Marihap pero napalitan ng sarap ang mga sumunod na pangyayari.  

Tila isang panaginip ang nangyari ng araw na yun, parehas naming naabot ang langit ni laarnie. Walang pagsisisi o kahit anu pa man. Basta ang alam ko siya ang babaeng mahal ko at siya ang gusto kung makasama sa pagtanda.

Lumipas ang ilan buwan at ipinatawag ako ng magulang ni Laarnie, nagdadalang tao siya wika ng kanyang ina, pero sa halip na ikagulat ko ay ngiti lang ang aking ginananti. 

Mahal ko po ang inyong anak, ang huli kung narinig sa aking mga sinabe......

Saturday, May 19, 2012

Taytay Church

Tagal ko rin walang post about sa church hoping pero dahil invited ako at ang aking anak ay abay sa kasal ng pinsan ko na taga taytay ang napangasawa kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makapaggala.

front view of the church
 history of taytay church





outside photos of the church






inside photos of the church

Monday, May 14, 2012

maka quote din

"kapag nadapa kelangan bumangon 
dahil hindi magagamot ang sugat 
kapag nanatili kang nakadapa"

"hindi natubo ang kabute ng mag-isa"

"minsan kelangan mong maging tanga
 para malaman mo kung san ang limitasyon mo"

"pano mo malalaman na masarap 
ang isang bagay kung di mo susubukan"

"pag ba lumuha ang lalaki ibig sabihin na ba nito
iyakin siya at mahina, 
hindi ba pwedeng nagpapatuli ng oras ng yun"

"tinatamad mag-isip kaya ganito ang post
isa pa hang over na naman."

ihahain na....
wala akong alam dito 
nababasa ko lang dati 
pero sexcited na akong makitikim 
kahit nagkamarka ako ng 74 ng 
highschool sa subject na Filipino
ng 3rd grading.. 

Thursday, May 10, 2012

kung san nagmumula ang sikat ng araw

mula pagkabata tayo ng magkasama,
nalagpasan ang bawat problema,
na kahit dumarating ang araw na madilim,
at alam mo na ang ulap ay makulimlim.

hindi ka sumuko,
tinahak ang dilim,
alam mong kami ang lakas,
ikaw ang aming liwanag.

alam mo kung san nagmumula ang sikat ng araw,
pero di mo alintana ang pagdilim ng paligid,
ang mahalaga may maisusubo ka samin mga bunganga,
kahit alam mo nangangalam ang iyong sikmura.

para sayo ina ang tulang eto,
para sa dating suwail na anak,
dating sakit sayo ng ulo,
pero dahil gabay mo ina nagawa kung tumayo sakin mga paa.

sa pagmamahal na binigay mo
at kung paano mo tinaguyod ang pamilya mo,
alam ko sa piling mo,
nagmumula ang sikat ng araw.

Wednesday, May 9, 2012

mahiyain kuno

MARAMING SALAMAT SA MGA BUMATI SA BLOGVERSARY KO


naglalaman ng maseselang salita [R-18]

  lagi lang ako nagtataka sa mga nababasa kung pocketbook, komiks at ibang libro dahil kundi mayaman ang babae mahirap ang lalaki, vice versa. karamihan din ay matitipuno at sexy ang kalimitan character. kunti lang ang istorya tungkol sa ordinaryong tao.

ako nga pala si Gimo, bingot ako pero makinis ang aking balat at may kaya ang aking pamilya at dahil di naman ako nagsasalita kaya maayos ang mga letra. isa ako sa laging tuksuhin ng mga kaklase ko ng high school at malimit mapaaway, dahil kung sino man ang tumutukso sakin ay pinapalagan ko kahit mas malaki at ma edad sakin. dahil sa ugali kung palaban ay marami din akong naging tropa sa iba't-ibang section. pero kung ganu kalakas ang loob ko sa sa mga nakakalaban kung lalake ay siya ko naman mahiyain pagdating sa mga babae. dala na rin ng aking hitsura kaya sobra ang pagiging mahiyain ko sa mga babae. para akong maiihi sa salawal ko sa tuwing may ipapakausap sakin babae ang tropa. 

basketball ang isa mga paborito kung game katunayan player ako nuon high shool days, tapos napapasali din ako bilang dancer at dito lumaki ang circle of friends ko. dito ko nakilala si lenny ka dancegroup ko. di siya kagandahan at may mga tighawat sa mukha pero sexy ang kanyang katawan epekto ng hilig nya sa pagsayaw.   nasabi ko minsan sa isa kung tropa ng crush ko si lenny dahil medyo may pagkapilyo ang tropa ko na eto eh bigla ba naman sinabe sa rehearsal na crush ko si lenny. kita ko ang pamumula sa mukha nya ako naman ay di nakakibo at kunti na lang eh muntik ng sumabog ang ihi ko. mula nuon ay lagi kaming tinutukso ako naman ay laging tahimik dahil sobra talaga ang hiya ko sa katawan. 

isang araw sa aking paglalakad ay nakita ko si lenny pauwe na, di ko alam kung anu ang pumasok sa isipan ko at bigla akong nag-stalk sa kanya. sa paglalakad nya ay napadaan siya sa mga tambay na kumakain nun ng fishball at umiinum ng palamig. 

miss fishball tayo, wika ng isa na may halong pambabastos ang salita. lumagpas lang si lenny at nagpatuloy sa paglalakad ng sumipol ang isa at ang isa naman ay kinukulit siya. dito na ako nalaksan ng loob na tulungan siya. [oy, titiwan nyo si yenny, mga mastos tayantado, pooya ayo] pero eto talaga hoy bitiwan nyu si lenny, mga bastos taranrado, poota kayo sabay lingon sakin ng mga lalaking tambay. patakbo kung tinungo si lenny at hinarap ang mga nambabastos sa kanya. pak, tsug, pak, pak ang mga sunod kung narinig pero di ako nakipag-away galing eto sa pusang nahulog sa bubong at nagpatak sa harapan namin dahil sa gulat nila at gulat ko rin ay sabay-sabay kaming nagtakbuhan sabay hinila ko si lenny palayo sa mga lalaking nambastos sa kanya.

si lenny ang unang nagsalita at nagpasalamat sakin ginawa natulala naman ako sa kanya habang hinahawakan nya ako sa balikat at nagpasalamat ulit. dito ko na naramdaman ang pang-iinit ng aking singit, pota di ko napigilan na mapaihi ako sa aking pantalon sa pagkakatapik nya sakin. dun lang ako nakapagsalita kung san siya tutungo, at lalong tumindi ang nararamdaman kung hiya sa pangyayari, pero sa halip na matawa eh hinila ako ni lenny palayo sa pwesto ko dahil may nakita pala siya na kakilala ko at makita na ganun itsura ko naihi sa pantalon. kinuha nya kagad ang bag ko at iniutos na itaklob ko sa pundiyo ko habang palapit mga kaibigan ko. biniro lang nila ako oy magkasama kayo na ba, pero ngumiti lang si lenny. 

ilan minuto ang katahimikan at nagsalita muli si lenny, tuyo na ba ang pants mo magpapasama kasi ako sayo sa EENT masakit kasi ang tenga ko ilang araw na. kahit medyo basa pa ang pants ko ay nagsimula na kaming maglakad ni lenny patungo sa clinic na pupuntahan nya. sa paglalakad ay nakagaanan ko na rin ng loob si lenny at sa unang pagkakataon ay may lumabas din salita sakin labi at tuloy-tuloy na ang pag-uusap namin. 

sobra sakit ng tenga ko wika ni lenny at ng dahil may kalayuan ang pupuntahan namin ay naspasya muna kami umupo at magpahinga. pwede ba humingi ng pabor sayo wika ni lenny, sabay lapit sakin. pakisilip naman ng tenga ko grabe kasi ang sakit, sabay hawi ng kanyang buhok sa tapat ng kanyang tenga dito tumambad ang tenga nya at medyo nadiri ako dahil di ko inaasahan na kaya masakit ang tenga ni lenny ay dahil sa luga nya, oo may luga siya. gusto kung masuka ng oras na yun pero pinigilan ko, pero dahil sa nasaksihan ko eh biglang kumawala ang plema sakin bibig at paglabas ng madilaw at may kasamang kanin na suka. biglang tumulo ang luha ni lenny dahil nasukahan ko ang sapatos nya. eto ang dahilan ng kanyang pagluha. sobrang hingi ako ng pasensya sa kanya at naunawaan nya at nagpatuloy kami sa paglakad patungo sa clinic na pupuntahan nya.

narating din namin ang clinic at buti na lang walang pasyente ng araw na yun. kagad sinuri ng dr. ang tenga ni lenny at pagkalabas niya ay parang ibang tao na si lenny maluwang na ang kanyang ngiti at mukhang sobrang gaan ng pakiramdam nya. 

inaya na ako ni lenny na uuwe na siya pero nanibago rin ako sa sarili ko na ako ang unang nagsalita at nagulat pa siya na inaya ko siya na kumain muna sa kalapit na Jollibee. ngiti lang ang ganti nya at dito nagmula ang matamis na samahan. nag-umpisa sa di magagandang pangyayari pero maganda naman ang naging resulta.

Monday, May 7, 2012

Sunday, May 6, 2012

parang virus lang...

ang daming kumalat na ganito, una kong nabasa kay bino pero kay leah nagmula. dahil trending nakikiuso na rin dahil hindi ko rin kaya sabihin ng harapan.

1. di naman natin kelangan lagi mag-away sa chat, chat na nga lang comunikasyon natin nauuwe pa sa tampuhan. damn eh ang hirap kumilos pag may iniisip na ganito sa kabilang  banda kelangan gawin ko rin ang obligasyon ko.

2. ng nag-uumpisa pa lang ako magblog at minsan nagkomento ka, dun nag-umpisa na dito ko ilabas ang ilan kwento at shitness sa buhay kaya isang malaking SALAMAT sayo. nagcoment ka nga sakin minsan na nasa CANADA anak mo at di nya mararanasan na magpatuli kasi babae siya.

3. kelangan ko rin naman matulog pero dahil malapit ka sakin at malaki rin naiitulong mo kaya kahit puyat at wala na akong DUGO sige pa rin puyat kung puyat.

4. kung tarantado ka traydor naman ako pero kung hahamunin mo ako ng suntukan, tatawanan lang kita at mag-aral ka muna pag mataas na ang estado ng buhay mo sakin ako pa mismo ang susugod sa bahay mo para hamunin ka ulit.

5. tayo lang naman ang nagtutulungan at nagkakaintindihan kaya magtiwala ka sakin.

6. magtetext ka na horny ka ngayon gabe sbe ko may pamilya na ko tapos pag pinuntahan ka sasabihin mo sakin lumipas na muntik pa akong habulin ng aso sa na parkingan kung bakanteng lote. f*** u ka trip mo pang sirain pamilya ko. 

7. kung kulangot ka lang ikinapit na kita sa damit ng iba.

8. minsan pag may free time ako at inaya mo ulit ako magphotoshot oo kagad isasagot ko. kahit DSLR gamit mo at digicam lang sakin. sama naman si baguio boy.

9. puro ka hangin at yabang sa katawan, feeling mo master ka ng DOTA eh pag uwe mo naman sa inyo itlog at mongo ulam nyu minsan pangutang pa ng tatay mo, abaĆ½ tamaan ka naman ng konsensya wag puro DOTA pinapag-aral ka hindi para maging bastos at hangin lang ang alam.

10. kabata mo pa para magyabang at kung sagutin mo magulang mo wala man lang respeto, eh kung di lang ako nahihiya sa mga magulang mo baka sinikwat mo na nguso mo sabay umpog ko mukha mo sa semento para malaman mo yun salitang PAGGALANG. halwatin ko kaya bituka mo at ipakain sa aso.

11. magsalamin ka nga at kumain ng maraming dahon ng makahiya para tablan ka hiya feeling mo sobrang ganda mo kung makapaglakad ka at makaasta parang sayo ang lugar na eto feeling mo si asyong ka eh ang mukha mo parang nabagsakan ng langka, tapos ang salita mo manilenya ang dating eh kapwa batangueno kausap mo, hilahin ko dila mo eh.

12. pakiharapan mo ako bilang tao mas maganda ang pakikitungo ko sayo.

13. abay banat banat din naman kayo ng but-o hindi naman nililimot lang ang pera pag may kelangan asahan may text kagad pero pagkatapos ni kumusta o hi wala man lang. abaĆ½ sobrang gawan sa pakiramdam na minsan yun taong natulungan mo ay nangangamusta rin.

14. hindi ako robot at makina na kayang kumilos ng 20 oras at hindi rin naman ako statwa na walang pakiramdam yun simpleng lambing ok na sakin. 

15. kung mataas pride ko mas mataas sayo madalas ako ang kumakain ng pride ko para wag lang bumaba ang pride mo, abaĆ½ baka magsisi ka magising ka na lang na ang pride koĆ½ kinakarer na ng iba. mahaba ang aking pisi ko pero mahuna naman eto.

Saturday, May 5, 2012

regalo

12 taon na rin ang nakalipas mula ng magtapos ako ng high school. marami ang mga pagbabagong nangyari sakin buhay. may natangap akong txt at event sa facebook na magkakaroon kami ng reunion batch 2000. laking tuwa ko ng malaman ko eto, dahil matagal na ko na rin di nakikita ang mga kaklase at ktropa ko ng high school. 

ano na kaya ang mga naging buhay ng mga kaklase ko, sa iba may komunikasyon pa rin ako sa iba balita lang. malamang may magaganda ng trabaho ang ilan sa kabatch ko. naalala ko pa nun na uhugin pa ako at payatot ng high school, pero malaki na ang pagkakaiba nuon. 

dumating na nga ang gabing pinakakaintay ko ang reunion namin magbabatch. kanya kanyang beso at kamustahan sa isa't-isa. ang ilan ay kwentuhan sa kanilang desposition sa buhay at ang ilan naman at nagmamasid lang. nagsimula ang programa sa isang panalangin at nagtuloy-tuloy sa sunod na programa. may ilan alak din na handa.
pare ikaw ba yan wika ni carlo sakin astig katawan mo ngayon ah at hanep sa tattoo. 
kaw rin pre laki na ng pinagbago mo, balita ko pulis ka ngayon. 
oo pare hindi lang ako ang naging pulis si pareng mandy, wilbert at redentor
oh ayan na pala.. 
anu ituloy na lang natin ang inuman eto sa bahay wika ni red.
oh sige ba wika ni mandy.

sobrang saya ng reunion namin hanggang sa natapos at kaming 5 ay dumiretso sa bahay nila red at dun nagpatuloy ang inuman.
nagpakuha kagad si red ng 3 case na beer at 2 andoks sa kanyang katiwala.

nagpatuloy ang inuman at lumabas na ang kakulitan nila. palibhasa mga pulis eh kanya kanyang labas ng kanilang kargada. 
nakikita mo ba ang baril kung eto nabili ko lang eto ng kinsemil sa isa kung kabaro wika ni mandy. bago eto pero smuggle pero dahil nasa position tayo eh nagawan ng legal na papeles.

halos ganun din ang kwento nila red, wilbert at carlo palibhasa nasa pwesto kaya nakakagawa ng ilegal. ang laki na ng ipinagbago nila pero kung sa pagiging kalog eh ayos naman. 2 case na ang naubos namin beer at tinamaan na rin ako. tinanong ko si red kung san ang kanilang banyo. 

eto na ang pinakakahintay ko, dumiretso na ako palabas ng bahay nila red at nagtext na ako kay pareng mandy.
pre nga pala may regalo ako sa tropa andyan sa bag ko kayo na bahala magpasensya sa akin nakayanan, sabay press ko ng send habang ang pagtulo ng akin luha. maya maya lang ay isang malakas na pagsabog na nagmula sa bahay nila red.

"isang malakas na pagsabog ang gumulantang sa kahabaan ng gabe" ang huli kung narinig sa balita at mga taong nag-uusap sa pagkamatay ng 4 na pulis. tssskkk kawawa ang 4 na to wika ng isang nagbabasa sa dyaryo, sabay sabat ng isa naku wag kang maawa sa apat na yan eh yun isa dyan ang nangotong sakin at balita ko hindi lang pangongotong raket ng mga yan pati drugs at ilegal na pasugalan involve mga yan. 

Thursday, May 3, 2012

kasalanan bang ibigin ka?

bago pa lang ako empleyado sa pinapasukan kung kumpanya. mababait ang mga ka-officemate at dito ko nakilala si Bb G. supervisor ko, sexy at morena ang kulay nya kaso my pagka istrikta at suplada ang dating nya ng una pero ng katagalan lumabas na ang kanyang pagiging kalog.

lage namin siya nakakasama sa gimik, sa pagpunta ng bar at kung minsan out of town. may isa lang akong napansin kay Bb. G madrama siya pag nakakainum, hiwalay kasi siya sa pero di sila nagkaanak ng dati nyang asawa. 

dahil sa pagiging kalog nya at totoong tao makisama di ko napigilan na main love sa kanya. madali naman siya kausap at one time nga nagkaroon ako ng pagkakataon na masolo siya sa isang out of town namin. trekking kasi ang activities namin nun at sa kasamaang palad di namin napansin na napalayo kami sa aming mga kasamahan. magkalong kaba at sa kabilang banda ay saya na rin dahil kasama ko ang taong crush ko. nawalan pa ng signal ang mga celphone na dala namin.

pa gentleman ang ginawa ko ng mga oras na kasama ko siya at pinaramdam ko sa kanya na ligtas siya na ako ang kasama nya. kwentuhan kame ng mga oras na yun para mabawasan ang pangamba niya. lumipas ang oras pero di pa rin namin nakita ang aming mga kasamahan hanggang nagsilim na. sinagest ko na kay Bb. G na magpahinga na lang kami sa gubat dahil mas mahirap ang maglakad ng madilim. buti na lang may dala akong hunting knife, lighter at flashlight kaya di kami ganu nahirapan. kumuha ako ng mga tuyong kahoy para eto ang magsilbing ilaw namin at para madaling makita kami ng aming mga kasamahan. gamit ang aking hunting knife ay nagputol ako ng mga sanga ng punong kahoy at ginawang panlatag. nung una nahihiya pang tumabe sakin si Bb. G at sa pag-uusap namin ay lumapit na rin siya, inakbayan ko kagad siya dahil malamig ng gabing yun. naramdaman ko naman na walang pagtutol sa kanya. dun ako nag-umpisang magkwento at ipinagtapat ang nararamdaman ko sa kanya pero ang laking gulat ko ng sinabe nyang "kasalanan ang ibigin mo ako" di mo pa ko kilala ng lubusan. binata ako hiwalay ka sa asawa mo at matatanggap ko kung anu man ang kakulangan mo, natahimik bigla si Bb. G at di na nya napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang narinig. ilan minuto rin siyang natahimik at ilan hugot hinga rin ang kanyang ginawa at saka pa may lumabas sa kanyang mga bibig. di na ako nakatiis at pagkahipo ko sa kanyang mukha ay inalikan ko na kagad siya sa labi, ng laking pagtataka ko lang na parang may mga tumutusok sa aking labi mula sa kanyang labi.

bigla siyang nagkwento muli masaya kami ng una ng asawa ko, hanggang sa may nadiskubre ako sa sarili ko na nagpabago sa aming relasyon. carmina ang pangalan ng dati kung asawa at robert ang dati kung pangalan. parang nagkamali ako ng pakinig o nabingi ako ng mga oras na yun. bigla akong nanlumo sa aking narinig sa kanyang sinabe ang pinagnasahan ko ng ilan buwan ay mali palang tao kagaya ko rin pala siya. nagsalitang muli siya next month nga pala schedule ng operation ko. 

Wednesday, May 2, 2012

Mayo na!

ang unang pumapasok kagad sa ordinaryong filipino pag nasabing buwan ng Mayo ay ang mga nalalapit na fiestahan, sagala, alay at flores de mayo. 

eto ang isa sa mga masasayang buwan dito sa lugar namin dahil magkakasunod ang schedule ng fiestahan, lalaki na naman ang tyan at madadagdagan ang timbang. 

naalala ko pa nung high school at college days na basta mayo eto ang isa sa mga pinakamaraming kalokohan akong nagagawa. inuman tapos pag nalasing mambabato ng bubong o kaya magpapahabol sa aso o di kaya magbubunot ng mga kamoteng kahoy para gawin nilupak at singkamas pag gabe. 

palibhasa kada gabe may nag-aalay sa tuklong kaya laging nasa galaan. eto rin ang buwan na mating season ng ilang kabataan dahil nga laging may alay pag gabe yun iba nagdadate sa dilim kaya yun ilan buwan, may laman ang tyan.

malapit na rin nga pala fiesta sa lugar namin may 24, pero bago mag fiesta 1 year na pala akong gumagawa ng  blog, bilis ng panahon tapos madadagdagan na naman ang edad ko. kaya mayo ang isa sa pinaka masayang buwan ng buhay ko. 

My Blog List

Labels

1000 steps (1) A. Santos Resort (1) Adobe Photoshop CS6 Beta (1) ALA INK (1) ALA-EH FESTIVAL (1) Ambon-ambon Falls (1) Art (1) Bagsik ng Panitik (1) Balayan (1) Barefoot (1) Basilica of the Immaculate Concepcion Church (1) Batangas (1) Beerhouse (1) Black Nazarene (1) Blogversary (1) BOXING (2) Burot Beach (1) Calatagan Batangas (1) Carousel (1) Contests (11) Copy Paste (1) damuhan.com (2) DFA Building (1) Dutdutan 13 (1) DUTDUTAN XII (1) Events (4) Father's Day (1) Ferris Wheel (1) Harvesting Season (1) home for the aged (1) Horse Manning (1) Humor (8) isang minutong ngiti (1) It's more fun in the Philippines (1) jack-stone game (1) Kathang Isip (14) KM3 (Kamalayaang Malaya) (1) Kwentong Batangenyo (1) Kwentong Kalibu*** (6) Kwentong kanto (6) Kyle's Birthday (1) Lemery Batangas (1) Lifestlye (1) Linggo ng Wika (1) love story (1) Lumampao (1) Maikling Kwento (5) Malagaslas Falls (1) Malayang pamamahayag (1) Movie (1) Mt. Batulao (2) Mt. Maculot (1) Mutya ng Batangan 2011 (1) Nasaan ka ninong (1) Nasugbu Batangas (1) NBA Finals 2011 (5) NBA vs PBA (1) New Year 2012 (1) New Year's Resoulution (1) Nonong Casto (1) Nutritional Month (1) Our Lady of caysasay Church (1) Parada ng Lechon (1) Parada ng Lechon 2013 (1) Personal Blog (177) Photography (30) Pick up lines (1) Pico De Loro (1) Poems (15) Repost (1) Run United 2 (1) Saranggola Blog Award Year 3 (1) Saranggola Blog Award Year 4 (2) Saranggola Blog Awards 5 (1) SBA5 (1) SM Mall of Asia (MOA) (1) SP (single parent) (1) Taal Church (1) Taal Volcano (1) Tattoo Artist (1) Tattoo for a cause (1) Taytay Church (1) teacher's day (1) Tetris (1) The Underwear Challenge (1) town Fiesta (1) Travel (23) Tribute (1) UFC (3) Villa Ferlin (1) World Trade Pasay City (1) Youtube (3)

Popular Posts

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...