Naaalala nyu pa ba ang mga papel nito? Pang grade 1 papel, ang unang papel kung panu ko natutong magsulat ng mga letra, paunti unti na kahit medyo nangangatog pa ang mga daliri at halos mabutas gamit ang pambura pag may maling letra, na sa tuwing may exam kelangan kalabitin ang kaklase sabay sabe, "pakopya naman, di ako nakapag-aral eh", naalala ko pa na 100 leaves pa per tablet pero ngayon 80 leaves na lang. Naalala ko tuloy nung grade 1 pa lang takot pa nung harapin ang nakapaligid sakin na kelangan andyan ang inay para ako'y gabayan, pero kinalaunan nagawa ko na rin makisalamuha sa iba. Siya laging laman ng aking mumunting bag, at pag- uwian na sa hapon sya ang una laging tinitingnan ng aking ina kung may mga takdang aralin, pero yun mga natapos ng takdang aralin ay siya naman nagiging scratch paper, na kalimitan ginagawang eroplanong papel para paliparin sa hangin, bangkang papel para naman padala sa agos sa kanal, at malimit ginagamit pag may problem solving.
Sobrang daming ala-ala ng dalawang papel nito sa buhay ko kung panu ako nagsimulang matuto at kung panu ko ineenjoy ang pagiging bata ko.
yes yes naalala ko pa ito...pati ang pag gawa ng papel ng eroplano, bangka at iba pa. :)
ReplyDeletewhahaha namiss ko yung ganitong papel....
ReplyDeletenaalala ko pa b4, kailangan ang letter from blue-to-red-to-blue lines! haha
ReplyDeletemasarap balikan ang kabataan lalo na kung mrming mgandang alaala.
ReplyDeletealalang alala ko yan. Maliban dyan, naaalala ko ang tawag ko sa bond paper ay 'kokomban'. Napakahilig ko din sa chiklet non. Haha!
ReplyDeleteNaparito!
Ningning ng www.athomeakodito.blogspot.com
dati 100 leaves pa yan eh. hehehe
ReplyDeletehonga, dati rati 100 leaves, notbuk at padpeper. ngayon... bawas na.
ReplyDeletemasarap gumawa ng laruan sa padpaper.
At ang fave na brand noon ay yung YASAKA.... maputi, makinis, maganda tignan ang papel na eroplano
ako pagwala akong magawa bumibili ako niyan sa mga bookstore tas dun ako nagsusulat ng pangalan ko.. hahhaa.. wala lang trip2 lang...
ReplyDeleteeto yung mga bumabara sa kanal noon. eto rin ang bagay na parte ng buhay ng bawat student pero di naman dinadala sa bag, sa halip sinasabing "klasmeyt pengeng one-fourth"
ReplyDelete