Paa,
Tuhod,
Balikat,
Ulo2x
Kinder garten nung matutunan ko ang kantang eto. Usapang paa muna tayo dahil isa sa mga busy na parte ng katawan natin ay ang paa. Ang paa ang dumadala halos lahat ng bigat natin, ang laging nadudumihan, at kung minamalas pa nakaka apak pa ng ebak. Ika nga ng iba nakikita minsan kung malinis sa katawan ang isang tao sa pagtingin sa mga paa nito. Minsan nga lang may mga taong may amoy ang paa lalo na kung kakatapos lang maghubad ng sapatos lalo na lung matagalang pagsuot, dahil minsan nangyayari din sakin un ganun. Kakamutin ko tapos sabay amoy aminado ako minsan may amoy talaga pero minsan di pa ako nakukuntento inuulitan ko pa. Parang adik lang, pero may tropa ako na grabe ang amoy kumbaga kalat sa loob ng bahay ang amoy, dahil nakakahiya din naman na masabihan mabaho ang paa. Merun mga paa na big in size at meron naman pawisan at isa sila sa malimit magkarron ng amoy sa paa. Meron naman ang dame ng kalyo, pero hindi maalis yun pang mayaman paa na todo colorete at malimit sa spa, nakaka inggit nga lang.
Naaalala ko pa nun na mas gusto kung makipaglaro ng yapak mas mabilis kc ang pagtakbo at mas feel lalo na kung sa tabing dagat ka tatakbo, yun nga lang minsan nasusugatan at nabububog. Kahit nung matuto akong magbasketbol minsan nakapaa lang kasu nga lang pagkakatapos ng laro ayun paltos at lintog sa paa.
May ilang paniniwala na pag malaki ang paa, malaki din ang kuwan..... lalo na pag 6footer...
PS. Pero dapat kahit minsan bawat tao sana i-pamper naman nila ang kanilang mga paa...
haha...lagyan na lang kc ng lemons! effective yun, pantanggal sa amoy!
ReplyDeletemasarap magpaa paminsan minsan lalo na kapag hindi naman kainitan ang kalsada. :D wala langs :p
ReplyDeletemasarap kaya magpaa kaso nakakalyo. :D
ReplyDeleteahhhhhhhhhhhh looking forward din ako sa isang mapakasarap na foot spa.. di ko pa naranasan n\yun.. :)
ReplyDelete