Palakanton's Adventure Headline Animator

Monday, December 2, 2013

NASAAN KA NINONG - BY: TARZAN & BABY JANE


marami ng pasko ang nagdaan
ngunit ang ninong ko ay hindi ko matagpuan
nang aking hanapin ang sabi ng aking ninang,,,
doon sa beergarden lagi daw nag-iistambay
nasaan ka ninong di kita makita
ang aginaldo ko ibigay mo sana
ang utang mo sa'kin ay anim na pasko na
umuwi ka na ninong at pasko na...

aking inaanak wag magtampo,
lagi lang abala ang mahal na ninong mo
bayaan mo baby kapag may panahon na ako,
ibibigay sayo sari-saring aginaldo

kay bait ng ninong di ko man nakikita
may padalang sulat may christmas card pang kasama
dalangin ko ninong tayo ay magkita
nang sa paskong ito ako'y lumigaya

marami ng pasko ang nagdaan
ngunit ang ninong ko ay hindi ko matagpuan
nang aking hanapin ang sabi ng aking ninang,,,
doon sa beergarden lagi daw nag-iistambay
nasaan ka ninong di kita makita
ang aginaldo ko ibigay mo sana
ang utang mo sa'kin ay anim na pasko na
umuwi ka na ninong at pasko na...

aking inaanak wag magtampo,
lagi lang abala ang mahal na ninong mo
bayaan mo baby kapag may panahon na ako,
ibibigay sayo sari-saring aginaldo

kay bait ng ninong di ko man nakikita
may padalang sulat may christmas card pang kasama
dalangin ko ninong tayo ay magkita

dalian mo na ninong at pasko na...

Wednesday, October 2, 2013

ang TAHANAN ko'y hindi pa KONKRETO

mga ninuno ko'y sa puno nanirahan,
kulot ang buhok, sarat ang ilong,
kulay uling na balat may matipunong katawan,
sa mga aklat na nabasa ito ang aking nalaman.

naaamoy ko pa ang amoy ng lumang damit sa drawer ko,
at napansin kung my ilan butas ang mga damit ko,
na sa paniniwala ko ito'y kaagat ng ipis,
at ang tag ulan at ang ulap na dala nito'y,
nilamon ang kapaligiran at tinakpan ang sinag ng araw,
hindi ko mawari'y samin munting tahanan ikaw muling masisilayan....
ilan taon na nga ba ang nagdaan?
pero ang wangis mo'y halos walang pinagbago,
pero ang tikas mo'y nabawasan..

makikita sa mga dingding mo ang bakas ng anay,
tanda ng ilan taon, o dekada na iyong pinagdaanan,
anay na unti - unti sumisira sa ganda mo,
pero un mahihinang kahoy lang ang kaya mo,
dahil ang totoo narra, at karamihan ay molave,
ang pundasyon nito.

pero talagang kay bilis lumipas ng panahon,
ang mga ninuno kung nag - aruga sayo,
at ilan Juan Dela Cruz na nagsakripisyo,
ay papalitan ng panibagong Juan Dela Cruz,
na halintulad sa anay at sa ilan anak mo'y,
sariling kulay at dugo inalipin,
ng ilan Juan Dela Cruz na nagpapanggap na Santo,
sa tarangkahan ng bahay mo,
dapat sila ang ipako sa krus.

ang tahanan koy hindi pa konkreto,
pero buhay ang paniniwala ko,
na may ilan Juan Dela Cruz at Maria Klara de tattoo,
ang muling aayos ng mga inanay na parte ng bahay ko.

ang tahanan koy hindi pa konkreto!


ito ang aking opisyal na lahok sa Saranggola Blog Award 5


DMCI


Monday, September 30, 2013

DUTDUTAN TRECE

Sabe nga ng ibang mananato at ilan mahilig sa tattoo ang dutdutan ang isa na sa mga pinakamalaking pagtitipun ng taon. Sa dalawang araw ng na pagtitipon talaga naman ang daming mga sikat mula sa artista, mananato, hindi lang lokal pati international tattoo artist. 

Tapos sinamahan pa ng mga lokal bands at ngayon taon P.O.D. (payable on death) handog ng Tribal Gear, bikini contest handog ng FHM na talaga naman busog na ang mata eh kelangan my kambyo break din kung kelangan, URCC, at tattoo competetion sa iba't ibang kategorya. Ito ang ilan mga larawan mula sa Dutdutan 13..

ticket of dutdutan trece cost P400
isa sa mga gwapong umatend ng dutdutan at joke lang un... 
at dahil sobrang haba ng pila para makabili ng souvenir na damit ng tribal kaso nakapila nga lang wala ng palang stock, ito para sa inyo.... 
one of cute face, busy mode kunwari
international tattoo artist sa booth ni Big tiny
proud tattoo girls I wish I could have this one on my back.
proud tattoo girls I wish I could have this one on my back.
proud tattoo girls
tattoo artist on action
Big Tiny international artist
Ms. Sarah Gaugler  tattoo artist, model, actress
drummer of Kamikaze Bord's
cup of Colt 45 na pinatas pataas
souvenir item from the other booth
this tattoo got first place on portrait colored
tattoo artist: Joel Rocafort (JROC)
another international event model (exhibitor)
kaloka like of Jay Cantreras of Kamikaze
inabot nga pala ako ng ulan kaya un basa ang sapatos nagyapak na muna
this made me sizzle... tipid tubig tips (maligo ng sabay)
Bikini contest host Ramon Bautista & his crew kulitan time lang. ito ang isa sa mga masayang part ng dutdutan...
one of the highlights of FHM bikini contest
Jay Cantreras of Kamikaze, medyo bitin un pagperform nya pero dito un todo kulitan,
smash pit, etc.
till next year on dutdutan

Friday, September 13, 2013

Kunting Sakripisyo at smile din kahit kunti lang

      Sa buhay hindi talaga maiiwasan ang mga pagsubok un mabigat talagang pagsubok un tipong parang guguho na un paligid mo sa sobrang bigat at pakiramdam mo eh parang iniwan ka na ng panginoon may kapal o diyos ika nga o sa ibang relihiyon kung anu man ang tawag nila, may dumadating nga sa punto na nagpapatiwakal sa gitna ng problema.
       Mayroon problema na sobrang sakripisyo ang kelangan gawin para ito ay harapin, mahirap, madilim na yun tipo na may tanung na kakayanin ko ba ito? Bawat isang Juan siguro nakakaramdam nito pag may mabibigat na pagsubok na dumarating sa kanilang buhay.
       Pero sa kabila ng ganitong sitwasyon lagi lang natin tandaan na wag na wag natin kakalimutan na tumawag sa panginoon at smile din kahit kunti lang ika nga sa commercial ng Mcdo.
       Un sakripisyo at problema laging andyan lang pero lagi din andyan un mga instrumento na pwedeng makatulong satin.

Tuesday, September 10, 2013

TAMAD

    May kasabihan nga ang mga tambay na di bale ng tamad di naman pagod, pero dahil nga sa feeling tambay ako pero ako'y nakakaramdam na ng pagod un sa maghapon pag upo tapos sa hapon jogging naman. Nakakatamad din kumilos after ng busy busyhan day kono. Ang dami k ng namimiss walang ganung idea na pumapasok basta sobrang tamad ko na ng mga nagdaan araw at buwan. Kelangan ko ng kunting energizer to boast me up.
     Walang kwenta ang post kung ito kelangan ko lang igalaw un mga daliri ko sa pagtipa ng keyboard, pagod lang ako sa training na ginagawa ko, nasabayan pa ng sunod sunod na gastos pero still tamad na tamad pa rin ang katawan ko, pinipilit ko na nga lang minsan.

Thursday, August 1, 2013

Mga ilan bagay na natutuhan ko sa Funrun

Ngayong taon pa lang ako nagsimulang maging active sa pagtakbo, Dala na rin ng pagiging curious sa funrun nito ngang Hunyo ang kauna unahang kung pagsali sa funrun, RUN UNITED 2, for 10K. April pa lang piharehistro na ko ng pinsan ko na nagsstay sa Manila na mahilig rin sa funrun. Pero Last year ng umuwe ang asawa ko nagstart na ko magjogging pero pasundo't sundot lang at isa pa nanghihinayang ako sa running shoes na binigay sakin ng kapatid ko kung nakatambak lang at magkakaalikabok sa taguan. Unti - unti pero hindi araw araw lakad - jogging ang tema ko. Hanggang sa may mga naramdaman na ko sa katawan ko, yun unti unting pagsigla ng tamlayin kung katawan.

Basa basa sa google kung panu yun tamang tema sa pagtakbo at kung anu ang mga pagkain na kelangan pag malapit na yun pagtakbo, tanong tanong sa ilan kakilala sa Facebook kung anu un mga teknik. At ang mga bagay na yun ay isinaisip ko. Dumating nga ang una kung pagtakbo nitong Hunyo, at maganda naman para sakin un resulta pero kinapos ako dahil ilam kilometro pa lang sumakit na kagad tagiliran ko ang dahilan pala nun ay ang paghinga, may teknik rin pala dun. Nakaraos naman ako ng maluwalhati sa una kung takbo at nasundan pa ulit ito ng nagdaan Hunyo sa Balayan, Batangas un "the Run" para sa pagdiriwang ng Parada ng Lechon at ang huli ko nga ay nitong Hulyo 28 para naman sa Milo pero marami pang mga susunod.

Ito un mga bagay na natutuhan ko at kelangan pang iimprove.

1. Maligo muna bago tumakbo, para presko, nakakahiya naman kung amoy goat ka. goatrun
1. Hindi kelangan mabilis ang pagtakbo, un tamang pacing lang un tipong ini enjoy mo un paligid habang natakbo.
2. Proper Hydration bago tumakbo.
3. Tumigil sa Hydration station para mag rehydrate.
4. Laging ngumiti hindi mo alam minsan hindi mo napansin na kinuhanan ka na ng litrato.
5. Sometime look on your left or right, baka may chicks or kiray runner na cute.
6. Pag my Photographer mag isip rin ng makulit na posed, ika nga pose pose din ag my time.
7. Magpahinga pag pagod na at ii enjoy lang ang ginagawa kaya nga funrun. kesa un puwersahin ang mga binti at hita tapos mapilayan ka pa, so hindi ka nag funrun, pilayrun na tuloy.
8. Mas humaba ang pasensya ko.
9. Mas naging matatag sa mga pagsubok.
10. Mas nadagdagan ang pagngiti ko, palangiti rin ako dati pero pakiramdam ko mas nadagdagan pa.
11. Mas naging disiplinado.
12. Pagkatapos ng takbo hindi pa dun natatapos un event, dahil kinabukasan ang paghahanap naman sa picture sa Facebook ang aatupagin. Ang totoo nakakaasar pero dahil natutuwa ka rin naman sa expression ng iba na eenjoy mo na rin.
13. Mas tumaas yun self confidence ko
14. Lalong gumagwapo. hehehe


Sunday, July 28, 2013

Burot Beach

Maputing at pinong buhangin ng burot

It's been June pa lang pinaplano na rin namin un pagpunta dito ni Mervin aka Pinoy Adventurista  un pagpunta sa ilan part ng Calatagan. at isa ang Burot beach na matatagpuan dito. Ang totoo first time ko nakapasyal sa isang white sand beach dahil hindi talaga ako fan ng beach siguro dahil taga tabing dagat ako at ang katwiran ko ay maalat din naman ang dagat ng ibang lugar pero mali pala ako. Mas masarap pala mag relax at maglakad lalo na sa kung ganito kaganda un tanawin na papasyalan mo at isa pa napatunayan ko rin na mas matabang yun tubig sa Burot. 

Kung plano mo un pagpunta dito bring your own Staff tulad ng pagkain, toiletries, Tent kung overnight & camera hehe, just to capture the moment.

Maputing at pinong buhangin ng burot

scenery of burot 

scenery of burot 

ito un bangka na pwedeng rentahan para magala un ibang part ng beach

ito un bangka na pwedeng rentahan para magala un ibang part ng beach

scenery of the burot

reminiscence

Pinoy Adventurista

taking some Photos

papicture din pag may time. 

Friday, July 12, 2013

Mt. Pico de Loro

Tagal ko na rin di nakaakyat ng bundok last ko pa ata is last March pa. From an invitation sa isang kaibigan hindi na ako nag dalawang isip pa. Pico de Loro is located at  Magnetic Hill, Ternate, Cavite. Kakaiba un experience ko dito dahil ang akala ko kaya ng dayhike pero mali ako at dahil 1pm na kame nagsimulang magtrek kaya un. Kahit wala sa plano ko na magcamp eh nakisilong na lang ako sa tent ng kasama ko. Isa pa wala talaga akong mga gamit tulad ng tent at mga flash light.
Medyo bitin nga lang ang akyat dahil hindi ko naakyat mismo un beak dahil nagmamadali rin ako ng araw an yun. Pero babalikan ko ang Pico de Loro, wala pa lang date kung kelan.
Sign to pico de Loro

Going down

dahil sa ulan

group picture din pag my time

butterflies from the bag

ang maamong pusa sa base camp

ilan aso sa base camp. maamo rin sila

ang babaeng yapak. 

picture picture

kaladrarin backpackers together with lakbay laya. 

ang mahabang trekking

sight seeing 

alone medyo delikado ito.

ppa picture din

pico de loro peak at beak

natural ray of light



ito un di ko narating dahil nagmamadali pagbaba. Pico de Loro's beak. photo courtesy of Mam Jeddahlyne Monzon


My Blog List

Labels

1000 steps (1) A. Santos Resort (1) Adobe Photoshop CS6 Beta (1) ALA INK (1) ALA-EH FESTIVAL (1) Ambon-ambon Falls (1) Art (1) Bagsik ng Panitik (1) Balayan (1) Barefoot (1) Basilica of the Immaculate Concepcion Church (1) Batangas (1) Beerhouse (1) Black Nazarene (1) Blogversary (1) BOXING (2) Burot Beach (1) Calatagan Batangas (1) Carousel (1) Contests (11) Copy Paste (1) damuhan.com (2) DFA Building (1) Dutdutan 13 (1) DUTDUTAN XII (1) Events (4) Father's Day (1) Ferris Wheel (1) Harvesting Season (1) home for the aged (1) Horse Manning (1) Humor (8) isang minutong ngiti (1) It's more fun in the Philippines (1) jack-stone game (1) Kathang Isip (14) KM3 (Kamalayaang Malaya) (1) Kwentong Batangenyo (1) Kwentong Kalibu*** (6) Kwentong kanto (6) Kyle's Birthday (1) Lemery Batangas (1) Lifestlye (1) Linggo ng Wika (1) love story (1) Lumampao (1) Maikling Kwento (5) Malagaslas Falls (1) Malayang pamamahayag (1) Movie (1) Mt. Batulao (2) Mt. Maculot (1) Mutya ng Batangan 2011 (1) Nasaan ka ninong (1) Nasugbu Batangas (1) NBA Finals 2011 (5) NBA vs PBA (1) New Year 2012 (1) New Year's Resoulution (1) Nonong Casto (1) Nutritional Month (1) Our Lady of caysasay Church (1) Parada ng Lechon (1) Parada ng Lechon 2013 (1) Personal Blog (177) Photography (30) Pick up lines (1) Pico De Loro (1) Poems (15) Repost (1) Run United 2 (1) Saranggola Blog Award Year 3 (1) Saranggola Blog Award Year 4 (2) Saranggola Blog Awards 5 (1) SBA5 (1) SM Mall of Asia (MOA) (1) SP (single parent) (1) Taal Church (1) Taal Volcano (1) Tattoo Artist (1) Tattoo for a cause (1) Taytay Church (1) teacher's day (1) Tetris (1) The Underwear Challenge (1) town Fiesta (1) Travel (23) Tribute (1) UFC (3) Villa Ferlin (1) World Trade Pasay City (1) Youtube (3)

Popular Posts

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...