Palakanton's Adventure Headline Animator

Monday, October 22, 2012

LITRATISTA

Naglalaman ng maseselang salita at kathang isip lamang. 

Lumaki ako sa lugar ng mga simpleng tao, sa magulong paligid, maingay, mabasura. Lumaki na kelangan magbanat ng buto sa murang edad, mangalakal ng basura at di nagtagal ay naging isa sa mga hired killers. Upahan ng mga politiko at maiimpluwensang tao pero makakasalanan tao rin ang pinapatay ko. Nang una di ko gusto ang ganitong gawain pero dahil na rin sa kaibigan kung si Biboy at sa tawag ng sikmura ay nakasanayan ko na rin ang pumatay ng tao.

Korupt na mayor ang una kung pinatay, tapos nasundan pa ng ilang politiko at ng nagdaang linggo eh isang gobernador ang aking itinumba pero sa di sinasadyang pangyayari ay may nadamay na isang photographer na kasama. Kita ko na kinuhanan ako ng photographer na eto habang akmang nakatutok ang aking gatilyo sa ulo ni gobernor. Walang dapat maiwan ebedensya kaya di na ko nagdalawang isip na putukan na rin ang photographer. Bang isang kalabit lang ng gatilyo ko sapul sa ulo. Nilapitan ko pa ang photographer para kunin ang kanyang kamera at nabasa ko pa sa kanyang nakasabit na ID ang pangalang Mario, sabay ng aking paglayo. Nanuod ako ng balita ng gabing un at headline news ang pagkakapatay sa isang gobernador at isang photographer ng di pa nakikilalang suspect wika isang news anchor. Di ko talaga hilig ang mga kamera pero ng gabing yun ay di ko napigilan na siyasatin ang mga litrato nito. Dito ko napagtanto na isang mahusay na photographer ang aking napatay, malalaman mong simpleng tao lang eto dahil sa mga kuha nya sa mga musmos na bata, tindera sa palengke, mga sulok ng simbahan at mga magagandang tanawin. Tama nga ang aking hinala dahil nakita ko rin ang litrato ko kung panu ko pinatay ang gobernador. Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng panghihinayang at konsensya dahil sa nakitang kung litrato ang pamilya ni Mario. Masasalamin na ang saya ng pamilya nya sa litratong eto at di ko na napigilan ang pagpatak ng aking luha.

Ng gabing un ay di ako pinatulog kaya umaga pa lang ay bumili na kagad ako ng alak sa tindahan para may makatulog at ng may lakas ako mamayang gabi. Isang bote rin ng alak ang nagpatulog sakin, pero paggising ko ay ang litrato pa rin ni Mario ang nasaisipan ko. Nagtungo kagad ako sa isang internet shop at nagresearch ng mga informasyon tungkol kay Mario at sa kanyang kamera dito ko nalaman na DSLR pala ang tawag. Naguguluhan ako dahil nagiging interesado ako sa kanyang kamera kung panu ito gamitin, kaya naman nag pa inprinta kagad ako ng manual ng kamera. Clik ang unang tunog na aking narinig ng pinindot ko ang buton ng kamera na nakatutok sa aking bintana. Basa basa at pindot ulit. Parang unti unti gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko un mga larawan na kinuhanan ko. Lumipas ang araw, at itinago ko muna ang aking gatilyo at abala pa rin ako kung panu ang paggamit ng kamera ni Mario. Masarap pala ang pakiramdam na ganito kaya lumayo ako sa lugar ko at dala ang naipon pera para hanapin ang pamilya ni Mario.

Nagtungo ako sa Cavite at dito ko nakilala si Angelo isa rin photographer, masayahin at makwento ang taong ito, dahil nga sa nakita nya na may camera rin ako ay tinuruan nya ako ng mga ilang tips sa pagkuha ng mga litrato. Di rin ako nagtagal at nagtungo ako ng Alabang para manuod ng photo exhibit. Dito ko nakilala sila Onib, Otep, MJ at kapwa photographer din. Kunting kwentuhan at wika ni Onib na dun muna kame tumambay sa likod ng festival sa ilalim ng puno sabay umupo sa damuhan. Naalala ko tuloy ang aking kabataan na malimit akong maglaro sa damuhan sa parang. Dito kame nagkuhanan ng mga litrato nila Onib, Otep at MJ. Si Onib simple at desente samantalang kalog at pala kwento si Otep samantalang si MJ ang tipo ng babae na talagang mapapalingon ka pag dumaan sa harap mo. marami akong natutuhan na idea mula sa kanilang tatlo at nagpatuloy na ako patungong intramuros para makitigil muna sa isang kamag-anak. Dito ko nakilala si Axl isang tambay sa lugar na yun pero matalino at mahilig din sa pagkuha ng mga litrato kaya nakapalagay ko kagad ng loob. Iba ang istilo nya ng pagkuha mahilig siya sa mga portrait photography. Si Mokong pero kilala sa tawag na Moks, ang aking pinsan ay napamura ng una namin pagkikita ng makita ang camera kung dala, tang-ina ka kelan ka pa nalinya sa ganyan gawain di ba iba naman kinakalabit ng mga daliri mo eh bakit may dala kang ganyan wika nya sabay post, kunan mo naman ako ng isa. Ilan araw din akong tumigil sa intramuros para magpalamig at iwasan na rin si Biboy at sa mga susunod pang ipapatumba nya. desidido na akong magbago. Nawala na sa linya ko ang pagpatay. Iba na rin ang kinakalabit ng aking mga daliri.

Umalis na rin ako sa lugar nila Moks dahil alam ko na matutunton ako dito ni Biboy at baka magkaroon pa ng engkwentro at madamay pa eto kaya nagtungo na ako ng Baguio kung san walang nakakakilala sakin at para maramdaman ko talaga na ako'y nagpapalamig.

Iba talaga ang pagilid ng Baguio bukod sa nakakarelax eh maganda pa ang tanawin. Minsan sa pagtambay ko sa Burnham park ay dito ko nakilala si Emil isang batang Photographer din. Unang kita ko pa lang kay Emil ay nasa isip ko ng parang nakita ko na siya pero di ko lang malaman kung saan. Makwela si Emil at siya ang aking naging guide sa Baguio, halos araw araw kaming magkasama at tinuring ko ng parang kapatid si Emil pero may isang bagay talagang gumugulo sakin isipan kung saan ko talaga siya nakita. Ng gabing yun ay inisa isa ko ang mga larawan sa camera ni Mario at laking gulat ko ng makita ko na si Emil na kasama ni Mario sa isang larawan. sa isa rin photo exibit. Ng umaga rin yun ay pinasyal ako ni Emil sa Mines view at dahil nga sa di ako mapakali ng araw na yun eh nahalata ni Emil at tinanong nya ako kung anu raw bumabagabag sa akin isipan. Sa umpisa hindi ko alam kung panu ko sasabihin sa kanya at kung anu ang relasyon nya kay Mario pero dahil sa pangungulit ni Emil ay sinabe ko na rin sa kanya ng gabing yun at gaya ng inaasahan sobra ang galit nya pero di ko inasahan na may baril siyang dala. Hayop ka wika nya alam mo bang si Tatay Mario ang inspirasyon ko kaya ako naging photographer dito ko nalaman na si Mario ang nagpalaki sa kanya.

Nang mabalitaan kung napatay si Tatay Mario ay pinag-aralan ko talagang humawak ng baril para kung sakaling dumating ang pagkakataon ito ako mismo ang papatay sa pumatay kay Tatay Mario wika ni Emil, di na ako nakapagsalita at sabay ang pagkalabit ng gatilyo. Bang na lang ang huli kong narinig.

Laking taka ko pero hindi sakin tumama ang bala ng gatilyo at sa halip ay sa tagiliran ko ipinutok ni Emil at sa paglingon ko ay katawan ni Biboy ang humandusay. Kanina pa pala si nakamasid sa di kalayuan at nakita ni Emil na bumunot na rin ng baril si Biboy para iputok sakin. Muling nagsalita si Emil, nakita ko sayo na ikaw ay handang magbago at nakikita ko sayo ang katauhan ni Tatay Mario. Patawarin mo ako ang salitang aking nasabe kay Emil.

Ako nga pala si Antonio isang LITRATISTA.

2 comments:

  1. astig ang story... magandang ang pagkakalahad sa kwento....

    ReplyDelete
  2. Heavy ang casting ..hehehe

    pang Box office to pare :)

    ReplyDelete

My Blog List

Labels

1000 steps (1) A. Santos Resort (1) Adobe Photoshop CS6 Beta (1) ALA INK (1) ALA-EH FESTIVAL (1) Ambon-ambon Falls (1) Art (1) Bagsik ng Panitik (1) Balayan (1) Barefoot (1) Basilica of the Immaculate Concepcion Church (1) Batangas (1) Beerhouse (1) Black Nazarene (1) Blogversary (1) BOXING (2) Burot Beach (1) Calatagan Batangas (1) Carousel (1) Contests (11) Copy Paste (1) damuhan.com (2) DFA Building (1) Dutdutan 13 (1) DUTDUTAN XII (1) Events (4) Father's Day (1) Ferris Wheel (1) Harvesting Season (1) home for the aged (1) Horse Manning (1) Humor (8) isang minutong ngiti (1) It's more fun in the Philippines (1) jack-stone game (1) Kathang Isip (14) KM3 (Kamalayaang Malaya) (1) Kwentong Batangenyo (1) Kwentong Kalibu*** (6) Kwentong kanto (6) Kyle's Birthday (1) Lemery Batangas (1) Lifestlye (1) Linggo ng Wika (1) love story (1) Lumampao (1) Maikling Kwento (5) Malagaslas Falls (1) Malayang pamamahayag (1) Movie (1) Mt. Batulao (2) Mt. Maculot (1) Mutya ng Batangan 2011 (1) Nasaan ka ninong (1) Nasugbu Batangas (1) NBA Finals 2011 (5) NBA vs PBA (1) New Year 2012 (1) New Year's Resoulution (1) Nonong Casto (1) Nutritional Month (1) Our Lady of caysasay Church (1) Parada ng Lechon (1) Parada ng Lechon 2013 (1) Personal Blog (177) Photography (30) Pick up lines (1) Pico De Loro (1) Poems (15) Repost (1) Run United 2 (1) Saranggola Blog Award Year 3 (1) Saranggola Blog Award Year 4 (2) Saranggola Blog Awards 5 (1) SBA5 (1) SM Mall of Asia (MOA) (1) SP (single parent) (1) Taal Church (1) Taal Volcano (1) Tattoo Artist (1) Tattoo for a cause (1) Taytay Church (1) teacher's day (1) Tetris (1) The Underwear Challenge (1) town Fiesta (1) Travel (23) Tribute (1) UFC (3) Villa Ferlin (1) World Trade Pasay City (1) Youtube (3)

Popular Posts

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...