Ako'y motorista galing sa kanlurang Batangas,
hilig gumala kahit ulan ay malakas,
kay sarap salubungin ihip ng hangin sa kanyang pagpagaspas.
ang nais ko'y malaya minsan ang oras di alintana.
Nagawi ako sa pamosong simbahan ng Taal,
ako'y namangha sa struktura at taglay nitong hiwaga,
mga adobe nitong pader tanda ng dami ng pinagdaanan,
kahit ilan beses ko ng narating nais ko pa rin itong balikan.
Parada ng Lechon sa Balayan, masaya ang basaan,
sa daan pa lang pambabasa di ko na nalampasan,
dahan-dahan patakbo dahil basa at madulas ang daan,
di alintana ang lamig ng tubig mahalaga fiesta ay masaksihan.
Minsan ako'y niyaya patungong Matabungkay,
excited makita ang puti nitong buhangin,
palong nubenta sa umpisa at sa paglaon nakikarera,
sinto dyes na takbo di na inalintana.
Talagang masaya kasama ang tropa,
puting buhangin ng matabungkay talagang nakakahalina,
sayang nga lang iwan ang munting kamera,
dahil sa biglaan pag-aaya ng tropa.
Nabagot, nabato sa munting bahay na bato,
dahil may kunting pera sa Tagaytay nagtungo,
inilagay ang susi sabay suot ng jacket,
nais magpalamig mabawasan ang inip.
Birthday ng tropa sa Mabini ang punta,
puting buhangin at magagandang resort ito'y kilala,
alak na handa agad tinoma, tawanan. halakhakan. walang pagsidlan ng saya,
pero nung gabe kanya kanya ng suka.
Nang mahal na araw destinasyon sa Cuenca,
aakyat sa Mt. Maculot kasama ang tropa,
overnight na plano, sa mga nakiakyat nakigulo,
iba talaga ang mahal na araw dito.
muling nagkakayaan sa Mt. Batulao ang punta,
dating tinitingnan na akala ko'y pangarap na nagkatotoo na,
umaga pa lang naghanda na, excited walang pagsidlan ng saya,
full tank ng gasolina para takbong isang daan kayang-kaya.
sa paglubog ng hapon ngiti at saya ang baon ala-ala,
sa pag-akyat sa bundok binaybay kahabaan ng Nasugbu,
sa Tuy may isang mahabang tuwid na daan,
hinagot ang silinyador palong sento bente nagawa ko na.
nakakatakot, nakakakaba, pero ganun talaga,
minsan ang isang driver kelangan may patunayan sa sarili nya,
pero kelangan may kasamang ingat sa paghawak ng manibela,
dahil ang palong sento benta di basta-basta.
-SARANGGOLA BLOG AWARD 4-
ang saranggola blog award 2012
ay inilunsad sa pakikipagtulngan ng
maraming salamat sa ating mga sponsors