Nang bata pa ako lage akong nagagalit sa nanay ko sa tuwing pinaghuhugas ako ng pinggan dahil una lalaki ako at may kapatid akong babae na sunod sakin pero sumusunod pa rin naman ako dahil ako nga yun panganay. Nakakaasar pa nga minsan dahil natatapat pa minsan sa paboritong kung cartoons na inaaabangan ko natataon na inuutusan ako. Sino nga ba naman ang may gustong magligpit ng pinagkainan at maghugas ng pinggan. Lage pa namin pinagtatalunan ng aking kapatid ang isang kasabihan "ang sabe ng pirit ang mahuli siyang magliligpit" kaya lage akong nagmamadali sa pagkain para makaiwas sa paghuhugas ng pinggan pero still ganun pa rin kasi nga ako yun panganay. Pero nagkaroon ng rules ng nasa elementary days na ang kapatid ko nagkaroon ng schedule. MWFS at TTHS lamang pa rin yun sakin pero ok lng atleast di na gaya ng dati. Hanggang dumating ang isang insidente na ang hinuhugasan kung tasa ay bumagsak sa lababo at aksidenteng nasugatan ang aking kamay. Ang pag-agos ng dugo at derecho kagad sa tasa at sa lababo sabay takbo kagad sa aking ina. Nilagyan lang ng kuritas at kunting bulak at naampat kagad ang dugo at sabay sabe dapat di ka nagmamadali sayong ginagawa at itinuloy ko na ang paghuhugas ng mga plato.
Lumipas ang maraming taon hindi na ako yun bata na kelangan pang utusan, dahil meron na akong pagkukusa at pagpapahalaga sa aking paligid, hindi ako yun kabataan na walang alam sa buhay yun asa sa magulang ni kahit pagsasaing hindi kayang gawin. Tama nga rin pala ang sabe sakin minsan ng aking ina "walang may nais magpakain sa taong tamad"
At ngayon ganap na nga akong isang ama, ituturo ko rin sa aking anak ang tamang paghuhugas ng pinggan at gawaing bahay, di naman porke lalaki ay di na pwedeng gumawa sa gawaing bahay.
kudos to that!
ReplyDelete:)
ganyan naman din yata sa halos lahat ng mga panganay.. naranasan ko rin ang maglinis, maglaba, magpakintab ng sahig gamit ang bunot, at maghugas ng pinggan.. pero nung lumaki na mga kapatid ko, pinaubaya ko na sa kanila.. hehehe
ReplyDeletenice one! ;)
ReplyDeletewala ako alam sa kusina, kahit maghugas ng plato...hehehe
ReplyDelete