ang dami ko ng namimiss na gawin ng may trabaho pa ko sa Maynila. una akong nagtrabaho sa pagawaan ng gamot sa bandang crossing mandaluyong (UNILAB) taga pake ng gamot at taong warehouse. dahil unang beses mag - apply, kaya kelangan magkatrabaho kagad. madali ang una kung trabaho pero malayo sa kinuhang kurso. libre ang pagkain, nakakapag uwe pa ng dessert, dahil nasabak kagad sa panggabe ng una nanibago dahil ang hirap matulog sa umaga. namiss ko ang pag tambay sa shangrila at crossing mall at tambay sa national bookstore para magbasa ng mga komiks at magpacute sa mga sales lady sa megamall, un katabing starmall ang dating place ko. masarap ang magtrabaho sa unilab simpleng kilos kunting gamit ng utak ok na, ot ot pa iintayin na lang ang sweldo. lumipas ang sampung buwan natapos na end of contract na, dito na nagsimula ang kalbaryo sa job hunting.
di naman totoo na basta graduate ka ng college madali makahanap ng trabaho, ang hirap din at ang daming kumpetensya. di naman ako magaling magsalita ng english dahil ang accent na ginagamit ko ay batanguenyo accent. lumipas ang araw, at naging buwan eh tambay pa rin ako, sumapit ang pasko eh ganun pa rin, tambay. pero pag pasok ng enero madali na mag-apply nun, naglalakad ng ilan kilometro para makatipid sa pamasahe. naalala ko pa nun ng minsan mag-apply ako sa bandang ortigas naikot ko na ata ang kahabaan ng julia vargas st. tapos derecho papuntang greenhills. mas prepare ko un mag-isa para naman di halata na nagtitipid ako. dating nagbobord sa sta mesa tapos nalipat ng pasig at napadpad ng alabang. Alabang ang isa sa masayang lugar na natigilan ko. dito nakahanap kagad ng trabaho bilang QA at warehouse staff, isang pagawaan ng takip ng shampoo na palmolive, ng una madali lang ang trabaho, kasu ng tumagal nag-iba ang management at nalipat ng bicutan ang planta na dating nasa alabang. nakakatakot ang lugar para ngang abandonado at anumang oras eh parang may lalabas na multo. di na ko nakatiis di ko na gusto un trabaho at medyo alangan sa safety ko kaya nag-AWOL na lang ako. wala pang isang buwan nakahanap na rin kagad ako ng trabaho sa tulong na rin ng isang kamag-anak sa pasay malapit sa NAIA terminal 1. warehouse staff din laging akong may hilang jacklift at 2 court ang haba ng nilalakad ko sa pagdadala ng mga bagahe. medyo kumupis katawan ko nun pero ang sakit lage ng katawan ko dahil natutuyuan ng pawis, dito ko naexperience na mula sucat kaliwa hanggang alabang ay nilakad ko ng alas tres ng gabi, trip lang may pamasahe ako nun, gusto ko lang malaman sa sarili ko kung kaya ko nagawa ko naman. lumipas ang ilan buwan nilagay ako sa office dahil sa background ko sa computer pero dito ko di nagustuhan ang trabaho, ang daming linta at alimango. gaya ng dati AWOL na naman, pero nagresign naman ako sa agency. swerte pa nga eh dahil may backpay pa. 2 linggo lang ang lumipas nakahanap na ulit ako ng trabaho sa parteng laguna bilang material controller. my shuttle at direct pa, maayos naman ang benefits, kasu ang line leader ang may problema sobrang walang modo kung magmura eh parang siya ang nagpauso ng putang ina, damn kainaman pero kelangan tiisin dahil naghahabol ako para maregular. lumipas ang anim na buwan at na probi na sa trabaho pero may isang insidente na sobrang nagpabagsak sakin moral, bagyong milenyo nun 20 hours nag duty sa trabaho, puyat, masakit ang ulo tapos nataon pang inventory, pagdating ni line leader may mga hinahanap na raw mats, naisaaayos na ng grupo kaso palpak ang isa. dun na nagsimula ang pagbagsak ng mga putang ina na salita pasalamat na lang at ang hapdi na ng mata ko sa antok kaya walang tumulong luha. makalipas ang ilan buwan kahit probi nagresign ako di ako makatiis na ganun ang working place ko. dahil may nakuhang backpay ulit at my 13th month pa eh my dies mil akong hawak bago magpasko. pinalipas lang na matapos ulit ang taon at nakahanap na ulitt ng trabaho sa bandang UN warehouse staff ulit, kasu 2 weeks lang ang itinagal ko, kung sa laguna ay umuulan ng mura sa UN naman ay hindi uso na bayaran ang OT. ty ang nangyayari kahit 3 hours extension. gaya ng dati AWOL na naman, dito ko naisip na hindi na ako mareregular sa trabaho magiging professional applicant ako. pag nag awol ako sa trabaho o end of contract gala sa mall o kaya nuod ng gig. ilan lovapalooza rin ang napuntahan ko, 1 musiklaban sa intramuros at di mabilang na gig at battle of the band.
ilan buwan ulit akong tambay sa alabang basta ang palantadaan ko lang nun basta pag umulan at katatapos ko lang na mainterview kasunod nun eh trabaho na ulit at ilan beses din nangyari.
sobra kung namimiss ang maglakad na parang alay lakad ang ginagawa sa paghahanap ng trabaho, ang manuod ng gig at umatend ng mga events. namiss ko un makipag-eb at makipagdate. un walang almusal kinabukasan dahil naubusan ng budget. un mag-inom ng alak mula umaga tapos malalasing at uminom ulit pag kagising.
pero hindi ko siguro nadidiscover ang pagboblog kung naregular ako sa trabaho.