Reminiscence of Yesterday
(Batangas Version + some words are Batangenyo
accent pero ang salita ng Batanguenyo ay di talaga tulad
ng kay Leo Martinez sa pelikula na OA naman)
Wala munang litrato, video purong letra muna sa blog na ito.
Kay sarap balikan ang nakaraan sa pagkabata, mga lumang litrato at photo album, my mga pagkakataon na ang sarap maging bata.
Naalala ko pa nun na may roon akong sirang eroplano na de baterya padala sakin ng akin ama galing abroad na napabayaan at kinalawang at biglang ko na lang napagdiskitahan kinalikot, napaandar, at ako'y tuwang-tuwa nuon, kinabukasan nayamot ang tatay ko sa aming aso na si alakupoy, nahagip ang eroplano kung ginawa at siyang ipinalo sa aso, sira at putol pero hindi ako umiyak, napatulala maya-maya laglagan na ang luha.
Nang ako ay pumasok sa kinder ako'y galak na galak nuon may bagong gamit sa pagpasok, ilan buwan din ang lumipas sa paglalaro sa aming likuran kalaro ang isa sa aking mga kababata liit ang pangalan, ako'y natakid sa alambre na naharang sa daan, nagbalington at masama ang patak ng aking braso, ako'y nabaliaan, linsad ang but-o, di kaya ng hilot kaya agaran isinugod sa hospital.
Nakalipas ang ilan buwan nakakapaglaro na ulit, sikyo (habulan version), tibig (patintero) at kekang (tayaan) kahit may semento pa ang kamay, si "wato" na aking kalaro sa sikyo ay aking kakampi biglang tumakbo nauntog sa nakasemento kung braso yun bukol tuloy sa kanyang nuo. Ilan buwan lumipas ok na ang braso ko ang iniwan ang pingkaw na braso (comang) pero wala naman naging epekto ok na ngay-on.
Pag-ulan ng malakas patikar(patakbo) sa ulan, dun maliligo at sabay sabi ng lawing-uwak ang ibang mga bata ay naka brief laang ang iba ay becon pa ang garter. Pag-ikaw ay mali-mali sa iyong ginagawa masasabihan ka pa ng suldo (tanga) pero ok laang parte ng nakaraan. Maglalaro ng text(not text in cellphone), magbabato, magpipitpit ng ketse (tansan) at gagawing patining. Pupunta sa ilaya(bukid) maghahanap ng gagamba, manghuhuli ng tutubing para ipakain sa gagambang nakita. Sa paghahanap ng gagamba magugutom mgbubunot ng sinkamas, minsan ay mani, mamamaltok(mambabato) ng mangga at kung matitiempuhan mahahabol pa ng may-ari. Nang nasa elementary ay nakakasama sa camping boy scout kuno, tatambay sa puno may dalang panahi (sinulid) manghuhuli ng langgam at guyam (smaller version of langgam) at sa panahing aking dala dun ko tinatalian ang langgam at guyam sa kanilang ulo, (kaawa-awa murder ang kaso)
Sa paglaon ng panahon pumasok ng heyskul nagbinata, nagkabuhok sa ilan parte ng katawan. Magkakaexam, mangongopya na laang sa katabi pero minsan naman nag-aaral din. Ako'y nakapasok sa pribadong paaralan (catholic school) ng una ako'y takot dahil di ko kabisado ang paligid at ng naglaon dumami na ang tropa. May 1 parte na ako'y heyskul ako'y nadala sa principal office dahil sa gagamba na aking dinala nagpalaban kame sa skul tanghalian nuon, nagkasigawan my napadaan titser huli kame, ang aking gagamba na sundalo ang pangalan ay buti na laang at aking nailagay sa diban at hindi nakumpiska.
Kayrami pa ng ngyari sa nakaraan pero .......
Kay sarap balikan ang nakaraan,
maliligo sa ilog ng walang pakialam,
tatakbo, maglalaro, pawisan ang katawan
o kay sarap balikan ng nakaraan!
PS
Hindi ako ang nagnakaw ng manok na tagalog ng nanay Isang tumikim laang ako sa bulanog na niluto ng tropa ko! Way back 1996
salamat sa pagbisita. balik ako mamaya para magkomento sa artikulo
ReplyDeleteang nakaraan...
ReplyDeletemasarap ngang balikan ang nakaraan. ginagawa ko yan lagi pero kapag ang masamang nakaraan naman ang biglang pumasok sa isipan ko don ako nabubuwisit hehehe lalo na ang nakaraang lovelif.
lol. dito ko natawa sa sulatin mo na eto, batangenyong batangenyo ga. at talagang naalala mo pa nung kinder ka? kalufet ga. di ko na gets yung sa manok.
ReplyDeletehaha. ako din inulit ko yun sa manok ni nanay isang! kapag nagkkasama kami ng mga childhood friends ko (minsan isang taon) yan lagi ang paborito namin pagkwentuhan yun buhay nung bata pa, ang saya-saya kasi!
ReplyDelete@bino tnx sa coment
ReplyDelete@ka-swak sumtyms kelangan balikan ang nkaraan khit anu pa un hehe lalo sa sa pag ibig
@bulakbolero.sg tnx men really appreciated
@LASER @ yup nkkamis tlga un nkaraan sarp pg pg usapan nkaraan lalo na pg my kwatro o khit pulang kabayo na ksabay! hehe
tnx sa mga coment