ang hirap bumangon sa umaga kung puyat,
pero kelangan gawin ang hilig para pumayat,
pero sidetrip lang naman talaga ang pagpapayat,
at ang nais ko'y ilagay sa aking kamay ang ulap.
tatakbo ako kung saan hinahabol ko ang pagsikat ng araw,
kung saan ang pag pagdapo ng mga ibon ay aking natatanaw,
ang pag ihip ng hangin, at ang pagpatak ng hamog sa lupang uhaw,
at ang luluntiang damo na animo'y sumasayaw.
Gusto kung tumakbo at lumipad patungo sayo,
hawakan ang ulap at ibigay ito,
gusto kung tumakbo at sumigaw ng todo,
ako'y tatakbo patungo sa piling mo.
alam kung milya milya ang layo mo,
pero sabay natin abutin mga pangarap natin at tayo'y tatakbong muli
gaya ng dati ng nagsisimula pa lang ako,
ako'y tatakbo patungo sayo.
Khanto Update 2024
1 day ago