Palakanton's Adventure Headline Animator

Tuesday, October 25, 2011

Inuman Session

Ilabas na ang baso, pitcher, gitara at ihanda ang mesa, 
bili ka na rin ng yelo, sitsirya at ang toma, 
kahit isang emperador light muna 
saka sundan ng redhorse pag my tama na.

     Eto ang mga litanya bago mag-umpisa ang inuman. Kelangan ihanda ang mga jokes, kwentong puso, at minsan emo mode. Ang dami kung bad experience at merun din naman good experience. Sabe ng iba nakakalimot daw ang ilan pag sobra sa alak at naniniwala ako dito dahil naranasan ko na rin, na wala akong maalala sa ngyari nung masobrahan ako ng inum. Inuman din ang bukang bibig bsta bagong sweldo at may kaaraawan at okasyun, basta may kasiyahan kasunod nito ay ang inuman. 

-Kwentong inuman-
tropa 1 (nakakita ng isang mama na nagyoyosi)
Probinsyano - sabay tapon ng yosi at sabay tapk ng kanan paa ng makita papalapit ang pulis.
Pulis - prrttt nakita kita kanina na nagyoyosi,
Probinsyano - hah wala naman po akong yosi ah.
Pulis - Taas mo paa mo
Probinsyano - itinaas ang kaliwang paa wala naman po ah
Pulis - Un kanan paa itaas mo
Probinsyano - Eh di ako'y natumba (hehe) kahit corny nakakatawa un impresion ng nagkkwento

tropa 2 (bagong luwas ng maynila pumasok ng mall)
Probinsyano - nagbukas ang pinto ng mall at nagulat, hindi muna pinansin sabay diretso sa elevator at bigla na naman nagbukas ng walang tao, napatungayaw na lang at biglang sabe put*** ***, sa probinsya di ako namamaligno dine pa ata sa maynila.

tropa 3 (eksena ng gwardiya at probinsyano)
Probinsyano - sir san po ba dito ang cr
gwardiya - kanan po kayo jan tapos sa bandang dulo dun po...
Probinsyano  - dagling tinungo ang cr at dun naglabas ng sama ng loob..
lumipas ang ilan minuto at bumalik ang probinsyano sa gwardiya
Probinsyano - sir panu ho ba palubugin ang aking dumi sa cr, dahil sa lugar namin sanay ako sa kasilyas
gwardiya - madali lang yun pre i-plus mo lang at kusa na etong lulubog
Probinsyano - dagling nagtungo sa cr at sinunod ang sabe ng gwardiya, palibhasa nalilito pa rin kaya bumalik ulit eto. sir hindi pa rin lumulubog ang aking dumi, 
gwardiya - ano bang ginawa mo?
Probinsyano - pinilit ko ulit dumami gaya ng sabe mo na i plus mo lang at kusa na etong lulubog. (hehe still corny pero dahil may amats na tawanan pa rin)

-Kwentong Lasing-
Tropa 1 (ang dami kung naging gf pero wala ni isa sa kanila natikman ko) (torpe mode)
Tropa 2 (nakakita kame ng bakla palibhasa walang pera inalok ako, hindi na ako tumangi kelangan eh)
Tropa 3 (pare un chicks na naka EB ko cute, mabait kaso bad breathe....) 

   At sa pagtagal ng inuman nasundan eto ng redhorse at sa sarap ng inuman at paglalim ng gabe, may isang bagay akong napansin sa isang tropa ko, at nalaman ko ang sagot ng last shot na ng bumagsak ang pustiso nya sa baso, kaya pala kanina pa siyang bungi nilagay nya sa pitchel ang pustiso, ng di nmin namamalayan, putcha pero sa halip na magalit kame ay tawanan to the max ang ngyari. Minsan talaga sa isang inuman my masaya at malungkot na karanasan.... 

Friday, October 21, 2011

Semestral Break (Sembreak)

      Bilang parte ng pagiging studyante eto ang isa sa mga inaabangan ko ng College days, ang Sem Break. May mga plano na kagad ang mga tropa kung san lugar ang punta. Pero bago muna ang sem break ay ang mga madugong exams muna ang kelangan pagdaan puyatan kung puyatan, sunog kung sunog ang kilay kung pwede nga pati un karug at bornik masunog din para maipasa ang finals para bago mag sembreak maganda yun outcome. Ang dami laging plano, gala, inum to the max, gimik, etc., pero di lahat natupad, nakakamiss nga lang yun mga panahon na yun, as a student. Naalala ko pa nun na may plano kame na pumunta ng puerto prinsesa sa kasamaang palad naubusan ng budget dahil sa mga projects, sanhi ng exams na alangan na sa bandang huli para makapasa kelangan my projects. Nakakatuwa din isipin na sa pag-usad ng panahon ramdam ko pa rin un sembreak dahil sa mga studyante na mga nakakasalamuha ko.

Monday, October 17, 2011

Untitled Story

    
Ang kwentong eto ay hango sa nabasa kung komiks nung bata pa ako siguro Elementary days pa, di ko lang maalala ang pamagat siguro nabasa na rin eto ng iba.

     Magkababata, magkaklase at magkaibigan si Juaning at Erning ng kabataan nila. Si Juaning na mejo angat ang pamumuhay na taliwas naman sa pamumuhay nila Erning na isang kahig, isang tuka. Bangkero ang tatay ni Erning at eto ang kanilang ikinabubuhay. Lumipas ang panahon at si Juaning ay lumuwas na ng maynila para mag-aral so Kolehiyo samantalang si Erning ang nagtaguyod sa kanyang mga kapatid at katulong ng kanyang Ama sa pagbabangkero. Lumipas ang sampung taon...


Juaning : Pareng Erning  ikaw ba yan ang itim mo ah at mukhang batak ang katawan mo..
Erning : Oo pare kaw naman mukhang asensado ka na at mukhang bigtime
Juaning : Oo pare abogado na ko (may akmang pagyayabang sa tono ng kanyang boses.)
Erning : San ba ang iyong tungo?
Juaning : Dyan sa kabilang ibayo,
Erning : Tamang - tama sumakay ka na sa akin bangka at ihahatid kita..
Juaning : cge pre

Juaning : Kwentuhan mo naman ako sa nangyari sa buhay mo sapul ng pumunta ako ng Maynila
Erning : Simula ng pumanaw si Itay ako na ang nagtaguyod ng aming pamilya at ipinagpatuloy ko ang pagbabangkero. Tumigil na rin ako sa pag-aaral para masuportahan ko ang aking mga kapatid. Kahit gusto kung bumalik ulit sa pag-aaral hindi ko na nagawa dahil kelangan kung unahin ang aming mga sikmura.
Juaning : Halos kalahati pala ng buhay mo ang nawala dahil sa hindi ka na nakapag-aral (may kasamang insulto sa kanyang pananalita)

    Habang sa pag-uusap ng dalawa ay walang anu-ano ay bumuhos ang malakas na ulan at sabay ang malakas na pagragasa ng baha na may mga kasamang putol na kahoy at ilan basura na halos nagkulay chokolate ang tubig, at biglang tumaob ang bangka nilang sinasakyan. 

Juaning : Tulungan mo ako hindi ako marunong lumangoy 
Erning : Daglian pinuntahan niya si Juaning para sagipin sa pagkalunod, hinagip niya ang kamay nito at dinala sa pampang na nuon ay lumong-lumo.
Juaning : Salamat sayo kaibigan dapat hindi ko inalipusta ang iyong pagkatao kanina dahil sa hindi ka nakapag-aral dahil kung hindi mo ko nasagip malamang buong buhay ko ang nawala.

Tuesday, October 11, 2011

Photo Trip : Minsan naging Bata

   -pagpapalaban ng gagamba gamit ang tingting-
- ituturo ang gusto pag may nagustuhan bilhin-


-pakikipaglaro sa mga kaibigan gamit ang lastiko-

Napakarami pang mga gawi at ala-ala na ginagawa natin ng bata at ilan lang ang mga litratong eto.

Wednesday, October 5, 2011

Pangarap mo sa buhay?

    Bawat isa satin may mga mithiin at pangarap sa buhay lalo na nung bata pa tayo, kung ano yun mga nakikita natin, napapanuod gusto natin ganun din tayo, kung pwede nga lang artista rin tayo nung panahon na yun. Pero sa paglipas ng panahon nag-iiba ang pananaw natin gusto natin maging successful, etc. engineeer, pulis, sundalo, doctor, nurse, etc, pero ilan lang ata sa mga natatandaan ko na gusto na maging GURO, pero di rin natupad. Minsan lage pa natin hinahanapan ng pintas ang ating guro lalo na kung eto ay mataba, minsan pangit, matapang, etc., minsan nga sa dame ng mga assignment na binibigay niola kulang na lang isumpa sila, pero ang pananaw ko lang ang mag guro na eto na minsan ko rin nilait ay sila pala ang may malaking ambag sa pagbuo ng ating mga pangarap at mithiin sa buhay, ika nga sila yun ating pangalawang magulang pagdating sa paaralan. Kaya isang pagbibigay pugay sa aking mga naging guro at sa lahat ng mga guro, at sa mga magiging guro, maraming-maraming salamat po sa inyo....

-HAPPY TEACHER'S DAY-

Tuesday, October 4, 2011

Harvesting Season

   Ika nga magtanim ay di biro, 3 - 4 na buwan ang kelangan intayin para lang makapagproduce ng bigas ilan bagyo rin ang pinagdaanan, kahit lubog sa tubig sanhi ng kalamidad pero pasalamat na lang sa diyos hindi gaano naapektuhan ang mga palayan sa lugar namin. Amoy palay ang simoy ng hangin pag ganitong harvesting season, naaalala ko pa tuloy ng ako'y musmos pa, madalas sa palayan para mag laro at mag-aral mag back flip, (tambling patalikod hehe) na ang babagsakan ay ang mga dayami,  batuhan ng tuyong tae ng kalabaw at baka. magpalipad ng papagayo (saranggola) pero ngayon madalang na sa mga bata dito samin ang gumagawa ng ganito kalimitan babad sa computer naglalaro ng SF(special force). Haist kay sarap balikan ng nakaraan, nakakamiss.








  Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman makatayo
Di naman makaupo

Bisig ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.

Kay-pagkasawing-palad
Ng inianak sa hirap,
Ang bisig kung di iunat,
Di kumita ng pilak.
   Sa umagang pagkagising
Lahat ay iisipin
Kung saan may patanim
 May masarap na pagkain.

      Halina, halina, mga kaliyag,
Tayo'y magsipag-unat-unat.
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas

(Braso ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.)

Monday, October 3, 2011

Palakanton goes Bulakbol

-Magbulakbol, magtampisaw sa dalampasigan patungo sa kalawakan-

Photo Entry sa pacontest ni bulakbolero

My Blog List

Labels

1000 steps (1) A. Santos Resort (1) Adobe Photoshop CS6 Beta (1) ALA INK (1) ALA-EH FESTIVAL (1) Ambon-ambon Falls (1) Art (1) Bagsik ng Panitik (1) Balayan (1) Barefoot (1) Basilica of the Immaculate Concepcion Church (1) Batangas (1) Beerhouse (1) Black Nazarene (1) Blogversary (1) BOXING (2) Burot Beach (1) Calatagan Batangas (1) Carousel (1) Contests (11) Copy Paste (1) damuhan.com (2) DFA Building (1) Dutdutan 13 (1) DUTDUTAN XII (1) Events (4) Father's Day (1) Ferris Wheel (1) Harvesting Season (1) home for the aged (1) Horse Manning (1) Humor (8) isang minutong ngiti (1) It's more fun in the Philippines (1) jack-stone game (1) Kathang Isip (14) KM3 (Kamalayaang Malaya) (1) Kwentong Batangenyo (1) Kwentong Kalibu*** (6) Kwentong kanto (6) Kyle's Birthday (1) Lemery Batangas (1) Lifestlye (1) Linggo ng Wika (1) love story (1) Lumampao (1) Maikling Kwento (5) Malagaslas Falls (1) Malayang pamamahayag (1) Movie (1) Mt. Batulao (2) Mt. Maculot (1) Mutya ng Batangan 2011 (1) Nasaan ka ninong (1) Nasugbu Batangas (1) NBA Finals 2011 (5) NBA vs PBA (1) New Year 2012 (1) New Year's Resoulution (1) Nonong Casto (1) Nutritional Month (1) Our Lady of caysasay Church (1) Parada ng Lechon (1) Parada ng Lechon 2013 (1) Personal Blog (177) Photography (30) Pick up lines (1) Pico De Loro (1) Poems (15) Repost (1) Run United 2 (1) Saranggola Blog Award Year 3 (1) Saranggola Blog Award Year 4 (2) Saranggola Blog Awards 5 (1) SBA5 (1) SM Mall of Asia (MOA) (1) SP (single parent) (1) Taal Church (1) Taal Volcano (1) Tattoo Artist (1) Tattoo for a cause (1) Taytay Church (1) teacher's day (1) Tetris (1) The Underwear Challenge (1) town Fiesta (1) Travel (23) Tribute (1) UFC (3) Villa Ferlin (1) World Trade Pasay City (1) Youtube (3)

Popular Posts

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...