Palakanton's Adventure Headline Animator

Tuesday, October 25, 2011

Inuman Session

Ilabas na ang baso, pitcher, gitara at ihanda ang mesa, 
bili ka na rin ng yelo, sitsirya at ang toma, 
kahit isang emperador light muna 
saka sundan ng redhorse pag my tama na.

     Eto ang mga litanya bago mag-umpisa ang inuman. Kelangan ihanda ang mga jokes, kwentong puso, at minsan emo mode. Ang dami kung bad experience at merun din naman good experience. Sabe ng iba nakakalimot daw ang ilan pag sobra sa alak at naniniwala ako dito dahil naranasan ko na rin, na wala akong maalala sa ngyari nung masobrahan ako ng inum. Inuman din ang bukang bibig bsta bagong sweldo at may kaaraawan at okasyun, basta may kasiyahan kasunod nito ay ang inuman. 

-Kwentong inuman-
tropa 1 (nakakita ng isang mama na nagyoyosi)
Probinsyano - sabay tapon ng yosi at sabay tapk ng kanan paa ng makita papalapit ang pulis.
Pulis - prrttt nakita kita kanina na nagyoyosi,
Probinsyano - hah wala naman po akong yosi ah.
Pulis - Taas mo paa mo
Probinsyano - itinaas ang kaliwang paa wala naman po ah
Pulis - Un kanan paa itaas mo
Probinsyano - Eh di ako'y natumba (hehe) kahit corny nakakatawa un impresion ng nagkkwento

tropa 2 (bagong luwas ng maynila pumasok ng mall)
Probinsyano - nagbukas ang pinto ng mall at nagulat, hindi muna pinansin sabay diretso sa elevator at bigla na naman nagbukas ng walang tao, napatungayaw na lang at biglang sabe put*** ***, sa probinsya di ako namamaligno dine pa ata sa maynila.

tropa 3 (eksena ng gwardiya at probinsyano)
Probinsyano - sir san po ba dito ang cr
gwardiya - kanan po kayo jan tapos sa bandang dulo dun po...
Probinsyano  - dagling tinungo ang cr at dun naglabas ng sama ng loob..
lumipas ang ilan minuto at bumalik ang probinsyano sa gwardiya
Probinsyano - sir panu ho ba palubugin ang aking dumi sa cr, dahil sa lugar namin sanay ako sa kasilyas
gwardiya - madali lang yun pre i-plus mo lang at kusa na etong lulubog
Probinsyano - dagling nagtungo sa cr at sinunod ang sabe ng gwardiya, palibhasa nalilito pa rin kaya bumalik ulit eto. sir hindi pa rin lumulubog ang aking dumi, 
gwardiya - ano bang ginawa mo?
Probinsyano - pinilit ko ulit dumami gaya ng sabe mo na i plus mo lang at kusa na etong lulubog. (hehe still corny pero dahil may amats na tawanan pa rin)

-Kwentong Lasing-
Tropa 1 (ang dami kung naging gf pero wala ni isa sa kanila natikman ko) (torpe mode)
Tropa 2 (nakakita kame ng bakla palibhasa walang pera inalok ako, hindi na ako tumangi kelangan eh)
Tropa 3 (pare un chicks na naka EB ko cute, mabait kaso bad breathe....) 

   At sa pagtagal ng inuman nasundan eto ng redhorse at sa sarap ng inuman at paglalim ng gabe, may isang bagay akong napansin sa isang tropa ko, at nalaman ko ang sagot ng last shot na ng bumagsak ang pustiso nya sa baso, kaya pala kanina pa siyang bungi nilagay nya sa pitchel ang pustiso, ng di nmin namamalayan, putcha pero sa halip na magalit kame ay tawanan to the max ang ngyari. Minsan talaga sa isang inuman my masaya at malungkot na karanasan.... 

7 comments:

  1. wahahah. lols sa i-plus lang... wkaokokok

    ReplyDelete
  2. tawang tawa ako dun sa pustiso! hehehe buti di pa nangyayari sa amin :D

    ReplyDelete
  3. natawa ako sa elevator kasi naalala ko yong taga-amin. natatakot sumakay ng Escalator

    ReplyDelete
  4. hahaha... dami talagang lumalabas na kabulastugan paglasing,.. hehehe

    ReplyDelete
  5. natawa at nandiri ako sa pustiso... naalala ko tuloy ng umattend ako ng pool party.. sa pool pa nahulog yung pustiso nung mama.. :p

    ReplyDelete
  6. ang layo ko sa pinas kaya walang inuman dito.
    ok lang kasi di rin naman ako umiinom hehehe pero like kong kausap ung nalalasing na. ung tipong tutumba tumba hehhe

    ReplyDelete
  7. ang tagal ko ng di nakatikim ng alak wahaha . Naaliw ako sa kwentong lasing. yung chicks na ka EB bad breathe . Iba talaga ang epek ng alak haha

    ReplyDelete

My Blog List

Labels

1000 steps (1) A. Santos Resort (1) Adobe Photoshop CS6 Beta (1) ALA INK (1) ALA-EH FESTIVAL (1) Ambon-ambon Falls (1) Art (1) Bagsik ng Panitik (1) Balayan (1) Barefoot (1) Basilica of the Immaculate Concepcion Church (1) Batangas (1) Beerhouse (1) Black Nazarene (1) Blogversary (1) BOXING (2) Burot Beach (1) Calatagan Batangas (1) Carousel (1) Contests (11) Copy Paste (1) damuhan.com (2) DFA Building (1) Dutdutan 13 (1) DUTDUTAN XII (1) Events (4) Father's Day (1) Ferris Wheel (1) Harvesting Season (1) home for the aged (1) Horse Manning (1) Humor (8) isang minutong ngiti (1) It's more fun in the Philippines (1) jack-stone game (1) Kathang Isip (14) KM3 (Kamalayaang Malaya) (1) Kwentong Batangenyo (1) Kwentong Kalibu*** (6) Kwentong kanto (6) Kyle's Birthday (1) Lemery Batangas (1) Lifestlye (1) Linggo ng Wika (1) love story (1) Lumampao (1) Maikling Kwento (5) Malagaslas Falls (1) Malayang pamamahayag (1) Movie (1) Mt. Batulao (2) Mt. Maculot (1) Mutya ng Batangan 2011 (1) Nasaan ka ninong (1) Nasugbu Batangas (1) NBA Finals 2011 (5) NBA vs PBA (1) New Year 2012 (1) New Year's Resoulution (1) Nonong Casto (1) Nutritional Month (1) Our Lady of caysasay Church (1) Parada ng Lechon (1) Parada ng Lechon 2013 (1) Personal Blog (177) Photography (30) Pick up lines (1) Pico De Loro (1) Poems (15) Repost (1) Run United 2 (1) Saranggola Blog Award Year 3 (1) Saranggola Blog Award Year 4 (2) Saranggola Blog Awards 5 (1) SBA5 (1) SM Mall of Asia (MOA) (1) SP (single parent) (1) Taal Church (1) Taal Volcano (1) Tattoo Artist (1) Tattoo for a cause (1) Taytay Church (1) teacher's day (1) Tetris (1) The Underwear Challenge (1) town Fiesta (1) Travel (23) Tribute (1) UFC (3) Villa Ferlin (1) World Trade Pasay City (1) Youtube (3)

Popular Posts

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...