Palakanton's Adventure Headline Animator

Monday, October 17, 2011

Untitled Story

    
Ang kwentong eto ay hango sa nabasa kung komiks nung bata pa ako siguro Elementary days pa, di ko lang maalala ang pamagat siguro nabasa na rin eto ng iba.

     Magkababata, magkaklase at magkaibigan si Juaning at Erning ng kabataan nila. Si Juaning na mejo angat ang pamumuhay na taliwas naman sa pamumuhay nila Erning na isang kahig, isang tuka. Bangkero ang tatay ni Erning at eto ang kanilang ikinabubuhay. Lumipas ang panahon at si Juaning ay lumuwas na ng maynila para mag-aral so Kolehiyo samantalang si Erning ang nagtaguyod sa kanyang mga kapatid at katulong ng kanyang Ama sa pagbabangkero. Lumipas ang sampung taon...


Juaning : Pareng Erning  ikaw ba yan ang itim mo ah at mukhang batak ang katawan mo..
Erning : Oo pare kaw naman mukhang asensado ka na at mukhang bigtime
Juaning : Oo pare abogado na ko (may akmang pagyayabang sa tono ng kanyang boses.)
Erning : San ba ang iyong tungo?
Juaning : Dyan sa kabilang ibayo,
Erning : Tamang - tama sumakay ka na sa akin bangka at ihahatid kita..
Juaning : cge pre

Juaning : Kwentuhan mo naman ako sa nangyari sa buhay mo sapul ng pumunta ako ng Maynila
Erning : Simula ng pumanaw si Itay ako na ang nagtaguyod ng aming pamilya at ipinagpatuloy ko ang pagbabangkero. Tumigil na rin ako sa pag-aaral para masuportahan ko ang aking mga kapatid. Kahit gusto kung bumalik ulit sa pag-aaral hindi ko na nagawa dahil kelangan kung unahin ang aming mga sikmura.
Juaning : Halos kalahati pala ng buhay mo ang nawala dahil sa hindi ka na nakapag-aral (may kasamang insulto sa kanyang pananalita)

    Habang sa pag-uusap ng dalawa ay walang anu-ano ay bumuhos ang malakas na ulan at sabay ang malakas na pagragasa ng baha na may mga kasamang putol na kahoy at ilan basura na halos nagkulay chokolate ang tubig, at biglang tumaob ang bangka nilang sinasakyan. 

Juaning : Tulungan mo ako hindi ako marunong lumangoy 
Erning : Daglian pinuntahan niya si Juaning para sagipin sa pagkalunod, hinagip niya ang kamay nito at dinala sa pampang na nuon ay lumong-lumo.
Juaning : Salamat sayo kaibigan dapat hindi ko inalipusta ang iyong pagkatao kanina dahil sa hindi ka nakapag-aral dahil kung hindi mo ko nasagip malamang buong buhay ko ang nawala.

5 comments:

  1. wala nga daw sa natapos o estado nang buhay masusukat ang tunay na katauhan ng isang tao.

    anglabo ata ng comment ko. basta yun na yon. haha.

    ReplyDelete
  2. Lesson learned: magsuot ng life vest kung sasakay ng bangka. haha!

    Seriously speaking, tama yung sinabi ni bulakbolero. kung anu man ang estado ng buhay natin ngayon, let's just be humble and stay our feet on the ground. huwag mang-aalipusta ng kapwa. :)

    ReplyDelete
  3. kailangan po tayong magkumbaba kung ano man ang narating natin...

    ReplyDelete
  4. its not we achieve sa edukasyon... its how we do in life at how we play our role in life.... parang di konektado pero parang konektado naman. :D

    ReplyDelete
  5. educatio doesnt stop in schooling, kung minsan ang mga tao'ng walang pinagaralan ang walang pagiimbot at kahambugan sa sarili

    ReplyDelete

My Blog List

Labels

1000 steps (1) A. Santos Resort (1) Adobe Photoshop CS6 Beta (1) ALA INK (1) ALA-EH FESTIVAL (1) Ambon-ambon Falls (1) Art (1) Bagsik ng Panitik (1) Balayan (1) Barefoot (1) Basilica of the Immaculate Concepcion Church (1) Batangas (1) Beerhouse (1) Black Nazarene (1) Blogversary (1) BOXING (2) Burot Beach (1) Calatagan Batangas (1) Carousel (1) Contests (11) Copy Paste (1) damuhan.com (2) DFA Building (1) Dutdutan 13 (1) DUTDUTAN XII (1) Events (4) Father's Day (1) Ferris Wheel (1) Harvesting Season (1) home for the aged (1) Horse Manning (1) Humor (8) isang minutong ngiti (1) It's more fun in the Philippines (1) jack-stone game (1) Kathang Isip (14) KM3 (Kamalayaang Malaya) (1) Kwentong Batangenyo (1) Kwentong Kalibu*** (6) Kwentong kanto (6) Kyle's Birthday (1) Lemery Batangas (1) Lifestlye (1) Linggo ng Wika (1) love story (1) Lumampao (1) Maikling Kwento (5) Malagaslas Falls (1) Malayang pamamahayag (1) Movie (1) Mt. Batulao (2) Mt. Maculot (1) Mutya ng Batangan 2011 (1) Nasaan ka ninong (1) Nasugbu Batangas (1) NBA Finals 2011 (5) NBA vs PBA (1) New Year 2012 (1) New Year's Resoulution (1) Nonong Casto (1) Nutritional Month (1) Our Lady of caysasay Church (1) Parada ng Lechon (1) Parada ng Lechon 2013 (1) Personal Blog (177) Photography (30) Pick up lines (1) Pico De Loro (1) Poems (15) Repost (1) Run United 2 (1) Saranggola Blog Award Year 3 (1) Saranggola Blog Award Year 4 (2) Saranggola Blog Awards 5 (1) SBA5 (1) SM Mall of Asia (MOA) (1) SP (single parent) (1) Taal Church (1) Taal Volcano (1) Tattoo Artist (1) Tattoo for a cause (1) Taytay Church (1) teacher's day (1) Tetris (1) The Underwear Challenge (1) town Fiesta (1) Travel (23) Tribute (1) UFC (3) Villa Ferlin (1) World Trade Pasay City (1) Youtube (3)

Popular Posts

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...