Bawat isa satin may mga mithiin at pangarap sa buhay lalo na nung bata pa tayo, kung ano yun mga nakikita natin, napapanuod gusto natin ganun din tayo, kung pwede nga lang artista rin tayo nung panahon na yun. Pero sa paglipas ng panahon nag-iiba ang pananaw natin gusto natin maging successful, etc. engineeer, pulis, sundalo, doctor, nurse, etc, pero ilan lang ata sa mga natatandaan ko na gusto na maging GURO, pero di rin natupad. Minsan lage pa natin hinahanapan ng pintas ang ating guro lalo na kung eto ay mataba, minsan pangit, matapang, etc., minsan nga sa dame ng mga assignment na binibigay niola kulang na lang isumpa sila, pero ang pananaw ko lang ang mag guro na eto na minsan ko rin nilait ay sila pala ang may malaking ambag sa pagbuo ng ating mga pangarap at mithiin sa buhay, ika nga sila yun ating pangalawang magulang pagdating sa paaralan. Kaya isang pagbibigay pugay sa aking mga naging guro at sa lahat ng mga guro, at sa mga magiging guro, maraming-maraming salamat po sa inyo....
-HAPPY TEACHER'S DAY-
pangarap ko dati maging guro talaga. di lang natuloy hehehe
ReplyDelete