Ika nga magtanim ay di biro, 3 - 4 na buwan ang kelangan intayin para lang makapagproduce ng bigas ilan bagyo rin ang pinagdaanan, kahit lubog sa tubig sanhi ng kalamidad pero pasalamat na lang sa diyos hindi gaano naapektuhan ang mga palayan sa lugar namin. Amoy palay ang simoy ng hangin pag ganitong harvesting season, naaalala ko pa tuloy ng ako'y musmos pa, madalas sa palayan para mag laro at mag-aral mag back flip, (tambling patalikod hehe) na ang babagsakan ay ang mga dayami, batuhan ng tuyong tae ng kalabaw at baka. magpalipad ng papagayo (saranggola) pero ngayon madalang na sa mga bata dito samin ang gumagawa ng ganito kalimitan babad sa computer naglalaro ng SF(special force). Haist kay sarap balikan ng nakaraan, nakakamiss.
Magtanim ay di biro Maghapong nakayuko Di naman makatayo Di naman makaupo Bisig ko'y namamanhid Baywang ko'y nangangawit. Binti ko'y namimintig Sa pagkababad sa tubig. Kay-pagkasawing-palad Ng inianak sa hirap, Ang bisig kung di iunat, Di kumita ng pilak. | Sa umagang pagkagising Lahat ay iisipin Kung saan may patanim May masarap na pagkain. Halina, halina, mga kaliyag, Tayo'y magsipag-unat-unat. Magpanibago tayo ng lakas Para sa araw ng bukas (Braso ko'y namamanhid Baywang ko'y nangangawit. Binti ko'y namimintig Sa pagkababad sa tubig.) |
di ko pa naranasan mag-harvest. pero naranasan ko na yong ibilad ang palay
ReplyDeletenaranasan ko ang mangisda pero di ang magsaka. sa paglipas ng panahon marami na ang hindi interesado sa ganitong larangan. kalungkot lang
ReplyDeleteako naman parents ko lang nakaranas niyan.. hehehe
ReplyDelete