Palakanton's Adventure Headline Animator

Tuesday, August 23, 2011

Si Lola at kanyang Kalamay

Photo shot By: Palakanton

        Isa sa mga paborito kung gawin ang magpicture picture ng kung anu-ano't pero mas trip ko un my tema at simple ang dating pero un dating nya is un my impact(boom). Dahil isa sa mga paboritio ko ay ang pagkain ng kalamay pagkatapos sumimba eh nagpicture picture ako  sa ilan mga tindera. 
         Ang totoo nyan ang isa na ata sa pinakamahirap lutuin sa mga kakanin ay ang kalamay dahil sa malagkit ay hindi pwedeng malakas ang apoy at bigla ang luto dahil masusunog ang ilalim at maglalasang sunog ang kalamay na niluluto. Mula sa malagkit na kanin giniling, gata, asukal na pula, tapos un latik nya sa ibabaw at nagmamantika dahil sa langis ng niyog at my sapin na dahon ng saging. My mga kalamay na nag evolve na rin mula sa brown nagkaroon na rin eto ng kulay orange at puti un magkadikit ika nga ay yun baliktaran. Eto na rin siguro ang isa sa mga paborito ng ilan pagkatapos magsimba. Nahahalata minsan ang isang tao kung siya ay nagsimba kung ang pasalubong nya ay kalamay. My mga tao nga lang na ayaw kumain ng kalamay lalo na kung pustiso ang ngipin sigurado kakapit eto sa kalamay, at minsan my mga taong naiikumpara sa kalamay dahil sa pagiging makunat in short (kuripot) hehe, pero hanga ako sa mga tao na ganito ang ikinabubuhay, payak at desente.

7 comments:

  1. tama ka pre sa huling nasabi mo...kahanga hang ang ganyang hanapbuhay, sobrang hirap na trabaho sa mumunting kita.

    ReplyDelete
  2. Kakadalaw lang dito. Palakantot- este kanton. hahahaha..

    Touch naman ako sa words na to. huhuhu

    ReplyDelete
  3. gusto ko din ng kalamay.

    panu mo nalaman pre na mahirap to lutuin nakaluto ka na ga? hehe.

    ReplyDelete
  4. tama ka jan...payak at desenteng trabaho. kahit maliit ang kita ang importante matutulog ka at magigising kang malinis ang konsensya.

    ReplyDelete
  5. @bulakbolero.sg yup pre nakakita na ko na pagluluto nito naging tindero din kc ako sa palengke at ang ilan ay nakakausap ko na tindera ng kalamay at once na rin ngluto ang nanay ko ng kalamay tlgang kelanagn tlgang mya't-mya ang halo.

    ReplyDelete
  6. kalamay... hmm sarap...

    ReplyDelete
  7. gawain ko to nung nasa pangasinan pako. pagkatapos magsimba eh bibili ng mga kakanin pero ngayon walang ganito dito sa baguio. gusto ko tuloy umuwi sa pangasinan...hayyyy..

    ReplyDelete

My Blog List

Labels

1000 steps (1) A. Santos Resort (1) Adobe Photoshop CS6 Beta (1) ALA INK (1) ALA-EH FESTIVAL (1) Ambon-ambon Falls (1) Art (1) Bagsik ng Panitik (1) Balayan (1) Barefoot (1) Basilica of the Immaculate Concepcion Church (1) Batangas (1) Beerhouse (1) Black Nazarene (1) Blogversary (1) BOXING (2) Burot Beach (1) Calatagan Batangas (1) Carousel (1) Contests (11) Copy Paste (1) damuhan.com (2) DFA Building (1) Dutdutan 13 (1) DUTDUTAN XII (1) Events (4) Father's Day (1) Ferris Wheel (1) Harvesting Season (1) home for the aged (1) Horse Manning (1) Humor (8) isang minutong ngiti (1) It's more fun in the Philippines (1) jack-stone game (1) Kathang Isip (14) KM3 (Kamalayaang Malaya) (1) Kwentong Batangenyo (1) Kwentong Kalibu*** (6) Kwentong kanto (6) Kyle's Birthday (1) Lemery Batangas (1) Lifestlye (1) Linggo ng Wika (1) love story (1) Lumampao (1) Maikling Kwento (5) Malagaslas Falls (1) Malayang pamamahayag (1) Movie (1) Mt. Batulao (2) Mt. Maculot (1) Mutya ng Batangan 2011 (1) Nasaan ka ninong (1) Nasugbu Batangas (1) NBA Finals 2011 (5) NBA vs PBA (1) New Year 2012 (1) New Year's Resoulution (1) Nonong Casto (1) Nutritional Month (1) Our Lady of caysasay Church (1) Parada ng Lechon (1) Parada ng Lechon 2013 (1) Personal Blog (177) Photography (30) Pick up lines (1) Pico De Loro (1) Poems (15) Repost (1) Run United 2 (1) Saranggola Blog Award Year 3 (1) Saranggola Blog Award Year 4 (2) Saranggola Blog Awards 5 (1) SBA5 (1) SM Mall of Asia (MOA) (1) SP (single parent) (1) Taal Church (1) Taal Volcano (1) Tattoo Artist (1) Tattoo for a cause (1) Taytay Church (1) teacher's day (1) Tetris (1) The Underwear Challenge (1) town Fiesta (1) Travel (23) Tribute (1) UFC (3) Villa Ferlin (1) World Trade Pasay City (1) Youtube (3)

Popular Posts

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...