Palakanton's Adventure Headline Animator

Sunday, August 21, 2011

I miss ALABANG


      Kung merun akong pangalawang bayan na itutturing eto ay ang Alabang, Muntinlupa. Dito nahubog ang ilan sa aking kamalayan ng pagiging independente sa buhay, dito ko rin naranasan ang iba't-ibang uri ng pagsubok sa buhay, tagumpay at kabiguan. 
Taong 2006  ng una akong napadpad sa Alabang dahil na rin sa mga ilang kamag-anak galing Batangas, dahil sa paghahanap ng trabaho nagboard na rin ako. Masaya ang pagtigil ko dito sa Alabang dahil:

1. Madali ang mga bagay kung my mga pangangailang tulad ng gamit sa katawan dahil tabi-tabi ang mga establisimento dito.
2. Madali ang pag uwe ng Batangas kahit gabi na dahil sa mga terminal at ang ilan ay ang pagdaan ng bus.
3. Parang nasa sarili lang na bayan dahil sa marame nga akong kababayan na dito rin mga tumitigil.

     Ilan kumpanya rin ang napasukan ko malapit d2 sa Alabang sa Laguna na my shuttle patungong kumpanya, sa sucat na pagawaan ng takip ng isang brand ng shampoo na kada linggo my uwe akong 1.5l ng conditioner siguro 4 din na 1.5L ang naipon ko at ang huli nga ay sa Alabang Home Depot. Kada my tugtugan ng banda at gig pinipilit kung maging present kahit kapos sa budget , kahit kinabukasan hikahos na sa budget at ilan linggo ang pagkain ng kanton at itlog, ok lang minsan lang naman basta mahalaga ay buhay. Dito ko rin naranasan ang huli kung pag attend ng Lovapalloza (my next blog). Ilan celebrity rin ang nakita ko dito sa Starmall (dating Metrpolis) na minsan sa isang buwan my mga Mall show, sa Festival Mall na ang sarap tambayan dahil centralized ang aircon at sa Alabang Town Center. Ilan boarding haus din ang nalipatan ko dito dahil minsan atrasado ang bayad napapalayas at kung minsan un kasama sa bahay ang hindi makasundo.  Kada linngo my get together kaming magpipinsan umaga pa lang alak na ang tema ng usapan kung anu pulutan kahit kwatro muna ang panimula tapos susundutan na lang ng RH, tapos sa gabi minsan my resbak pa. Sa Alabang din namin ginawa ng aking naging asawa ang aming panganay kaya napaka momorable talaga na Alabang. Palibhasa medyo makapal din ang aking mukha kaya pag my nakikita akong mga celebrity nagpapakuha agad ako ng litrato at eto ang ilan sa mga ala-alang litrato ko sa Alabang kasama ang ilan sa mga celebrity:
Me w/ Elly Buendia
Me w/ Kelly Williams

     Sayang nga lang nawala na un picture ko nun kay Sen. Rodolfo Biazon ng makita ko siyang nangungumpanya sa kalsada ng Alabang, at kay Jugs ng itchy worm. Di ko rin makakalimutan ng magconcert si Bamboo sa Starmall (Metropolis) na hinabol ko pa talaga back stage para makakamay sa aking idolo, minsan sinabihan pa ko ng iba kung kasama na ang jologs ng dating ko pero ok lang sakin, eto kasi ang kumukumpleto sa aking pagkatao un pagiging makulit at ayaw ko naman na pagsisihan na di ko ginawa un mga ganun bagay...

     Kaya nagyon dito na ko sa Batangas naglalagi di ko pa rin nakalimutan ang mga masasaya at malulungkot na ala-ala ng Alabang.

9 comments:

  1. pag naririnig ko ang "Alabang" naalala ko OJT days ko...
    pumapasok ako nun sa alabang tas galing pa akong Pandacan... ^^

    ReplyDelete
  2. na-inggit naman me kasi nakakapagpapic you sa mga sikats. Wala akong guts magpapic e. nahihiya me.

    ReplyDelete
  3. nainggit naman ako sa picture nyo ni Idol Ely...

    ReplyDelete
  4. ako dito pa rin sa alabang nakatira. maingay ang alabang pero masasabi ko'ng this is my home

    ReplyDelete
  5. Dyan ko lang pala makikita si ely. Punta nga ako dyan.n.

    ReplyDelete
  6. @Whang maraming salamat sa pagbisita
    @khantotantra, @ EngrMoks @goyo pre tsamba lang un pagkakapapicture ko kay ely pero dahil mejo makapal nga mukha ko naglakas loob na din ako ng mkita ko sya sa dati kung pinagtrabahuhan
    @Bino sa mameet kita minsan pagpasyal ko ulit ng alabang

    ReplyDelete
  7. wow. mga bigatin naman yung mga nakakadaupang palad mo. kaw na pre!

    ReplyDelete
  8. hahaha di naman masamang magpapicture sa celebrity hahah malas lang nila naging celebrity sila.. trabaho nila yun... ahhahaha

    ReplyDelete
  9. tambayan ko nung college ang Starmall. Metropolis pa siya dati. napunta parin naman ako ngayon, pag sahod lang derecho sa Wijaya ^_^

    ReplyDelete

My Blog List

Labels

1000 steps (1) A. Santos Resort (1) Adobe Photoshop CS6 Beta (1) ALA INK (1) ALA-EH FESTIVAL (1) Ambon-ambon Falls (1) Art (1) Bagsik ng Panitik (1) Balayan (1) Barefoot (1) Basilica of the Immaculate Concepcion Church (1) Batangas (1) Beerhouse (1) Black Nazarene (1) Blogversary (1) BOXING (2) Burot Beach (1) Calatagan Batangas (1) Carousel (1) Contests (11) Copy Paste (1) damuhan.com (2) DFA Building (1) Dutdutan 13 (1) DUTDUTAN XII (1) Events (4) Father's Day (1) Ferris Wheel (1) Harvesting Season (1) home for the aged (1) Horse Manning (1) Humor (8) isang minutong ngiti (1) It's more fun in the Philippines (1) jack-stone game (1) Kathang Isip (14) KM3 (Kamalayaang Malaya) (1) Kwentong Batangenyo (1) Kwentong Kalibu*** (6) Kwentong kanto (6) Kyle's Birthday (1) Lemery Batangas (1) Lifestlye (1) Linggo ng Wika (1) love story (1) Lumampao (1) Maikling Kwento (5) Malagaslas Falls (1) Malayang pamamahayag (1) Movie (1) Mt. Batulao (2) Mt. Maculot (1) Mutya ng Batangan 2011 (1) Nasaan ka ninong (1) Nasugbu Batangas (1) NBA Finals 2011 (5) NBA vs PBA (1) New Year 2012 (1) New Year's Resoulution (1) Nonong Casto (1) Nutritional Month (1) Our Lady of caysasay Church (1) Parada ng Lechon (1) Parada ng Lechon 2013 (1) Personal Blog (177) Photography (30) Pick up lines (1) Pico De Loro (1) Poems (15) Repost (1) Run United 2 (1) Saranggola Blog Award Year 3 (1) Saranggola Blog Award Year 4 (2) Saranggola Blog Awards 5 (1) SBA5 (1) SM Mall of Asia (MOA) (1) SP (single parent) (1) Taal Church (1) Taal Volcano (1) Tattoo Artist (1) Tattoo for a cause (1) Taytay Church (1) teacher's day (1) Tetris (1) The Underwear Challenge (1) town Fiesta (1) Travel (23) Tribute (1) UFC (3) Villa Ferlin (1) World Trade Pasay City (1) Youtube (3)

Popular Posts

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...