Taong Pebrero 2006 ang huli kung attend sa Lovapalooza ng close-up dahil nja rin sa kahiligan ko sa pag-attend ng mga gig at tugtugan ng banda pinipilit ko na makarating sa mga ganitong event. Nung panahon iyon sa laguna technopark pa ako may trabaho sa isang electronics company bilang isang warehouse & logistics stuff. 6-6 ang sked ko nun pero nagpaalam ako sa aking GL(group leader) na uwe ako ng 2pm.
Pagdating ko ng Alabang sakay kagad ako ng biaheng BAclaran patungo sa MOA(Mall of Asia) para masilayan ang inihanda ng Close-up sa kanilang event. Punta kagad ako sa venue pero napaaga pa pala ako 4pm pa lang nman nun, gala muna ko sa mall kahit mag-isa dahil ang gf ko nun eh panggabe ang sked at kahit anung pilit ko na papayagin na summa sakin di rin ako nagtagumpay. Sanay naman akong gumala mag-isa at maglakad ng walang direksyun basta lakad tingin dahil walang budget at isa pa hindi naman malling ang ipinunta ko dito. Lumipas din ang mahigit dalawang oras ng aking paglilibot sa MOA ay dumiretso na ko kagad sa MOA ground concert at nun at unti-unti ng dumadagsa ang pagkapal ng tao at halos karamihan ay my partner. Masid masid lang ako sa paligid at napansin ko hindi pala pinapapasok ang walang partner or kung kayo ay grupo lang ng mga punkista, or rokista kelangan talaga my partner dahil ng time na yun magseset ang pinas sa guiness ng most kissing couple in a event. Naisip ko na lang na gate crush na lang ako para makapasok or style my kakilala sa loob na naiwan ng mga kasamahan. My mga ilan din na walang kapareha at dun ako nakiusyoso, nakitambay at nakipagkilala. Ilan minuto my dumating na ilan girls na walang kapareha at dun pumasok ang isang pagkakataon, walang atubili lapit kami kagad ng isa kung naging tropa na din dahil sa hilig sa musika. Sakto at wala rin kapareha un 2 namin nalapitan na girl at di naman kagandahan pero di nman kapangitan middle lang at mukhang mga palaban. Mejo kinapalan ko na ang aking mejo at ako na ang unang nagsalita na kung pwede ay maging date ng araw na yun para lang makapasok sa loob ng venue. Walang kyeme un 2 at sumama naman sila sa loob. Star studed talaga ng araw na yun at feeling ko niyanig ang music ground ng MOA sa dami ng dumalo, masaya, rock rockan, at di na rin ako nahiya na maki-smash sa grupo ng mga punkista sa tuwing rock ang kanta, at sa kapal ng tao di ko na napansin kung san napunta ang aking partner ng araw na yun, napakamot na lang ako sa aking ulo ng may panghihinayang. Pero mahaba pa ang gabi smash sa karamihan, sigaw, sabay sa pagkanta ng idolong banda. Nang malapit ng mag-12mn ini-anounce na Philippines where setting a guiness record for the most kissing couple. At eto naman ako nakatanga at nakikipanuod dahil sa libre ang toothpaste ay nagsipilyo na lang ako sa booth ng close-up nagbakasali na my mahalikan din ako ng gabing iyon at bigla naman ang paglabas ng sweet-heart couple Ryan & Judy Ann, pero may ilan na wala rin kapareha tulad ng mga promo girl ng close-up, tindera ng mga hotdogs at dun ako nakahanap ng tyempo at nagsimula na nga ang kissing at dahil sa aking inggit di na ako nagpatumpik tumpik at isa sa mga promo girl ang aking nilapitan at ramdam ko talaga ang init ng halikan ng aking paligid at nagkaunawaan na kami sa tingin lang at di ko na namalayan ang paglapit ng aking pisngi at paglapat ng aking labi at sa ilan minuto na paglalapat ng aming mga labi ay parang tumigil ang aking mundo, at bigla nalang akong napamulat sa pagpalakpakan ng mga tao. Bigla akong napalayo at kinabahan sa magiging reaksyun ng aking nahalikan. Dagli ang aking paglayo palabas at magulo ang isip.....
Masaya, kakaiba, at di ko makalimutan karanasan ang huli kung pag-attend ng lavapalooza, pero sa kabilang banda ay proud ako ng mapanuod ko sa balita at naging parte ako that the Philippine set a guiness world record for the most kissing couple kahit un karanasan ko ay mejo weird.
Masaya, kakaiba, at di ko makalimutan karanasan ang huli kung pag-attend ng lavapalooza, pero sa kabilang banda ay proud ako ng mapanuod ko sa balita at naging parte ako that the Philippine set a guiness world record for the most kissing couple kahit un karanasan ko ay mejo weird.
2006 din yata ung huli ko'ng attend nito hehehe
ReplyDeleteKayo na ni Bino ang nakipaghalikan noong 2006. Bakit nga ba nahinto ito? hindi na pumasok sa guinness? pero mas cool sana kung twing Feb ginagaw ito ng closeUp.
ReplyDeletehahah bata pa ako nun.. hahhaa
ReplyDeletehahaha! katuwa naman! Naalala ko to, traffic lagi pg lovapalooza ;)
ReplyDeletenakaattend na ko jan hehehe
ReplyDeletenever pakong nakaattend ng lovapalooza pero gustong gusto ko dati kaso walang time pumunta ng manila.
ReplyDelete