-way back 2004-
Bata pa lang ako, isa ka na sa mga idolo,
Lumaki kasi ako sa piling mo,
Kaw ang tumayong ama ko,
Dahil nasa ibang ibayo si AMA para magtrabaho.
Mamang Pito ang tawag ko sau,
Ilan laro din ang natutuhan ko sau,
touching, baseball pati ang trumpo,
pero di ko natutuhan ang pagtutrumpo.
kaw ang isa sa mga nag-alala pag may sakit ako,
kaagapay mo ang nanang, si ina, tiya at tiyo,
sa mga kwento mo ng world war 2,
ay hangang hanga ako sa bawat kwento mo.
sabong ang libangan mo,
boxing naman ang pinapanuod mo,
boxing naman ang pinapanuod mo,
napapaiwas ka pa nga sa tuwing manunuod tayo,
na sinasamahan mo pa ng bawat kritiko,
pero sa paglaon ng panahon merun pagbabago,
umatake muli ang sakit mo sa puso,
dinala sa hospital, at dinala sa ICU,
ilan arw ka rin sa hospital pero e2 ay nlampasan mo.
Martes ka ng ilabas sa ikatlong linggo ng oktubre,
Miyerkules ay naglalakad ka pa,
mya-mya lang inatake ka na,
daglian ang pagpunta ng tiyo habang binobomba ang dibdib mo.
patuloy ang pagbomba sa dibdib mo ng tiyo,
habang nakatitig lang ako,
di ko na napigilan ang pagpatak ng aking LUHA,
habang pinagmamasdan ang unti-unting pagpikit ng iyong mata.
natulala, napaiyak ang mga nakapaligid sau,
ng mga oras na un hanggang dun na lang talaga ang buhay mo,
isa lang nman ang aking HILING na sana nadagdagan pa ang buhay mo,
dahil maganda ang laban ng boxing sa darating na linggo.
-entry post to Iya_Khin-

Bakit ang haba? Max 4 stanzas lng ah? Lol
ReplyDeleteNagrereklamo? Lol
Nice poem parekoy!
salamat sa iyong pagsali...ngunit ang rules ay rules hanggang 4 stanzas lang po...maari mo pa pong irevise...salamat
ReplyDeletetumindig naman ang aking balahibo dito. nice ser palakanton.
ReplyDelete@EngrMoks tnx pre sa comento
ReplyDelete@iya_khin sa tingin ko ok lang kahit invalid un entry ko na e2 pagawa na din me ng tula this end of july nbsa ko lang un blogpost ni EngrMoks kya ngbakasali me... entry na lng me ng new one if ok lng?
@bulakbolero.sg tnx pre salamat talaga.
nice! sasali rin ako bilang pagsuporta hehehe
ReplyDeletePaiksiin mo nalang. Mukhang pede naman.
ReplyDelete