Palakanton's Adventure Headline Animator

Tuesday, December 27, 2011

MAGNANAKAW

Hello & belated merry Christmas to all! Isa din po ako sa mga naka experience na manakawan ng gamit, ng puri at ng kung ano pang pwedeng nakawin! Fiction lang eto pero yun ibang line is real story!


Magnanakaw, Magnanakaw, sigaw ng ale sa kabilang sidewalk at halos napatuon ang tingin ng mga taong andun, sa direksyun kung san patakbo ang magnanakaw. May ilan mga tao na nakihabol, gwardya at ilan mga tanod na nandun ng mga oras na yun. Ilan minuto rin ay na corner yun magnanakaw, gulpi sa taong bayan at ang paningin ko ay na corner din sa kabilang ibayo ng sidewalk sa isang babae, simple lang ang kanyang ganda na naka unipormeng pang-office, pero di talo ang katawan nya, sexy sya at kung daraan sya sa harap mo agaw pansin talaga. Lumiban ako sa kabilang sidewalk para mapagmasdan ng husto ang kagandahan nya na nung time na yun ay marami din siyang mga dala-dala! Nang aktong malapit na ko sa kanya ay may dumating na katrabaho nya at dumiretcho sa building na malapit sa kinatatayuan nya. 

Na love at first sight ata ako, pero di ko alam kung kelan ko ulit siya makikita o baka yun na ang huli namin pagkikita. malimit din ako sa lugar na pinagkakitaan ko sa kanya, isa lang naman ako sa mga street sweeper sa lugar na eto, habang sa gabi naman ako ay nag-aaral, at kung anu-ano pang raket para pang tustos. 

Ilan beses din akong nagpabalik-balik sa lugar na yun nagbabakasali na muli ko syang mkita pero bigo ako, napadpad lang sya siguro sa lugar na yun sa isip-isip ko. Nagtungo ako sa isang mini-store para bumili ng soft-drinks ng saktong pagpasok ko dun ko natanaw yun babae na hinahanap ko pero saktong paalis na siya at kakatapos lang kumain, di ko alam kung anu gagawin ko di ko alam kung pano ako makakafirst based, panget naman kung basta na lang ako lalapit sa kanya at magpapakilala malamang matatakot sya at iisnabin lang ako. Habang pinagmamasdan ko siya palayo ay napansin kung may isang folder na naiwan sa mesa kung saan siya nkapwesto kanina, tinungo ko kagad un lugar nya kanina at kinuha kagad yun folder, at hinabol ko kagad siya. Miss sayo ata ang folder na eto naiwan mo sa mesa, oo sakin nga yan salamat, sabay hakbang palayo ulit sakin, hindi na ako nag-atubili "Miss ako nga pala si almario" sabay abot ng aking kamay, humarap naman sya at sabay sabing "I'm Magilyn"  na nung time na yun ay akala ko mapapahiya ako, pero hindi mabait si Magilyn. Pwede bang ihatid kita kung san ka man nagtatrabaho, ikaw ang bahala wika nya. Street sweeper ako sa lugar na eto pang-unang bungad ko dahil nung time na yun ay suot ko pa ang aking pangtrabaho, habang patuloy kame sa paglakad at kwentuhan hanggang sa marating namin yung lugar na pinagttrabahuhan nya dun din pala sa gusaling yun pero madalang lang talaga siya lumabas. Sinamantala ko na ang mga oras na yun at tinanung ko kung pwede malaman celphon # nya, sabay ang dukot sa aking bulsa, at di naman ako napahiya! Lutang sa hangin ang aking pakiramdam ng mga oras na yun at parang ayaw kung matapos. Pero nagpaalam na siya.

Lagi na akong may dalang damit, alkohol at pabango sa aking bag na dati-rati ay di ko dinadala, lagi ko rin tisnecheck ang aking celphone baka may nagtxt, lagi akong excited pag lunch break dahil lage kame nagkakatxt at kung minsan nagkakasabay kame kumain pag my sweldo na ako. Lumipas ang araw, linggo at buwan at maganda naman ang tema namin ni Magilyn, halos apat na buwan din bago naging kame. Parang suntok sa buwan talaga pero dahil maganda naman talaga at sincere ang mga ginagawa ko ay nahulog din loob nya sakin.

Pare nanakawan ako, wika ko sa katrabaho ko, pero bakit ang saya ng mukha mo wika nya. Ganito yun habang hinahatid ko kanina si Magilyn, ng nasa tapat na kame ng gusali nila nagulat na lang ako ng biglang ninakawan nya ako ng halik sabay sabing ingat ka ha, pasok na ko bye. Tarantado ka wika ng katrabaho ko kala ko totoong nanakawan ka na.

Lumipas ang taon at ilan buwan na lang matatapos ko na ang aking pag-aaral, 2 years course lang naman ang kinuha ko bilang IT students mahirap talaga pag sarili mo lang sumusoporta, wala na si AMA tapos ang mga inay at mga kapatid ko naman ay sakto lang ang mga panggastos sa probinsya sa araw-araw, may payo kasi si inay sakin na mag-aral kang mabuti "dahil kahit sino walang pwedeng magnakaw sa pinag-aralan mo" kaya todo kayod at focus ako sa pag-aaral. Minsan dumarating din sunod-sunod ang gastosin at pinapanalangin ko na lang sana may makapulot akong pera sa aking pagwawalis, pero ang lahat ng eto'y di ko pinapalahata kay Magilyn sa tuwing magkasama kame, di naman siya un mahilig sa gimik, simple lang talaga, masaya na siya na kumakain kame sa turo-turo, namamasyal sa park at kwentuhan. Ni minsan di ko pa siya nailibre na manuod ng sine.

Dumating ang araw pinakakaasam ko, un graduation day namin wala talagang pagsidlan ang kaligayahan ko ng mga oras na yun. Ang daming bumati sakin sina inay sa probinsya gamit ang tawag sa celphone, mga katrabaho ko, kaklase at ilan mga katrabaho ni Magilyn. Ang masaya pa nito may perang pa graduate sakin yun city office bilang isa sa street sweeper nila, nung araw na yun talagang parang lahat ng biyaya natanggap ko na. Nung gabi na yun namasyal kame ni Magilyn, may pa graduate daw siya sakin habang nasa park kame ay bigla nyang inilapit yun mukha nya at sakto ang paghalik nya sa mga labe ko, Natikman ko na rin ang labi nya pero iba yun halik nya nung gabing iyon ang alab, napaka passionate at ang samyo ng hangin ang lalong nagpatindig sa aking pagkalalaki. Kumawang siya ng halik at tumingin sakin, ako naman ang di nakatiis at muli kung hinalikan ang labi nya. Tinanung ko siya pwedeng bang mag sex tayo ngayon gabi, at napangiti na lang siya sabay wika ng OO, yun ang gusto kung i pagraduate ko sau. Nanlaki ang aking mata, pumalakpak ang aking tenga at dahil ng gabing yun ay may pera talaga ako, niyaya ko siyang mag-SOGO. Ngayon gabe ako ang sundalo mo, habang ikaw tulog ako'y magbabantay sau, ika nga sa kanta ni Bamboo. Kinabukasan pag gising namin sa SOGO, sobrang saya ng mukha nya at yun mantsa ng dugo sa kumot na ginamit ay nanuyo na, virgin pa si Magilyn, kaya sobrang proud ako at lalo ko siyang minahal.

Lumipas ang buwan at ilan beses na rin na may ngyari samin at naghanap din ako ng trabaho, dahil yun sweldo bilang street sweeper ay di sakto sa mga panarap ko, at gusto kung magamit un halos 2 taon kung pinag-aralan. May kakilala si Magilyn sa IT dept nila na baka pwede akong ipasok, sakto naman na my hiring at nag-exam ako, at lahat ng inaasahan ko ay umayon sakin, nakapasa ako pero maaasign ako sa ibang branch ng company nila dahil nung time na un nag-expand na rin ang kanilang company, nung una ayaw ko pero siya na rin ang kuminbinsi sakin na minsan lang ang ganun opportunity. Kada weekend na lang kame nagkikita, puro tx lang at pag minsan hindi pa dahil sa dami ng trabaho nya at trabaho ko na rin pero kahit ganun, excited pa rin lage kame sa aming relasyun.

Isang gabe habang pauwe na ko sa boarding house, nagtx sya sakin na OT sila at gagabihin ng pag-uwe at may sasabihin sya sakin na sorpresa this weekend, excited ako kung ano yun kinulit ko siya sa txt pero sabe nya "sa sabado na lang". Natulog na ko ng gabing yun pero bandang alas 11:30 ay bigla akong nagising, balisa at hindi ako mapakali, nagtxt ako kagad kay Magilyn pero walang reply, laging out of coverage area ang cp nya. Hindi ko na nagawang makatulog na gabing yun at nung umaga ay nagpaalam ako sa aking boss na hindi ako makakapasok ngayon. Dagli kung tinungo ang boarding house na tinutuluyan nya pero wala siya at tinungo ko kagad ang opisina nila at dun ko nalaman ang masamang balita, may ilang lalaki na nangharang sa isa pa nyang katrabaho, pero sa kasamaang palad nahuli sa Magilyn, nakatakbo ako at humingi ng saklolo, pero huli na ang lahat, "na rape na siya at ninakaw ang kanyang puri" buti na lang ng akmang papatayin na siya, may dumating na tulong. Eto ang address ang hospital kung san siya dinala wika ng isa nyang katrabaho. Daglian kung tinungo ang hospital na kinaroroonan nya, hangos, puno ng pag-aalala at galit sa mga taong gumawa ng kahayupan sa kanya. Pagdating ko ng hospital ay nagtanung kagad ako sa kung san room si Magilyn, pero wala akong nadatnan sa room na yun at sabe ng mga personnel dun ay inilabas na ng mga magulang nya. sinubuakan ko ulit i miscol ang cp nya pero out of coverage area pa rin. Bumalik ulit ako sa opisina nila para itanung yun address nila sa probinsya nasabe na rin nya sakin yun address nila pero ni minsan di pa ko nakarating sa kanila. Aborido na ko nun gusto kung kamustahin ang sitwasyun nya at inaalam ko kung panu ang pagpunta sa lugar nila. Kahit dayauhan sa address na alam ko ay naglakas loob akong hinanahap yun, wala akong pakialam kung anu man ang mangyayari kinabukasan ang mahalaga makita ko siya, pero bigo ako pagdating ko sa address nila ay mahigit ng palang isang taon silang nakalipat ng lugar. Lumuwas akong bagsak ang aking moral, di alam kung anong ang naghihintay sakin at di ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha habang nasa biyahe ako pabalik ng maynila.

Lumipas ang araw, buwan at taon na ang buhay kung parang nakalutang sa kawalan at binabalikan ang mga lugar na aming pinagsamahan un mga masasayang lugar pero ganun pa rin walang Magilyn akong makita. Tatlong taon na rin ang lumipas tambay sa isang mall, kakatapos lang ng pasko, nagmamasid-masid at nagtetext ng may musmos na batang biglang humalbot ng cp ko, na akala ko'y ninakawan na ko, sabay takbo sa isang babae, rinig ko pa ang wika ng bata, "mama tepon lalo ako, mama tepon" nanindig balahibo ko nun ng makita ko un tinatawag na mama ng bata, si Magilyn na halos mahigit tatlong taon kung hinanap ay nasa harap ko na. Di na ko nakapagpigil ay bigla ko siyang niyakap na para bang ayaw ko ng pakawalan at ang pagtulo ng aking luha ay di ko na napigilan. Agaw pansin kame sa mga taong andun natauhan lang ako ng may marinig akong tinig "bitaw ikaw mama ko" sabay ang pagsuntok sa hita ko. Anung nangyari sau, wika ko!

Kinuwento nya lahat sa isang kainan ngyari sa kanya, Dinala ako nila nanay sa probinsya at nagkaroon ako ng nervous breakdown at natroma sa  ngyari sakin. Nilayo ako ni nanay sa walang nakakakilala samin dahil nalaman nya na nagdadalang tao ako para makaiwas na rin sa mga maiinit na mata at chismosa. OO buntis ako sau nung time na marape ako yun ag ipagtatapat ko sayo pero di ko na nagawa dahil sa ngyari sakin. "Walang gabi at araw na hindi kita naisip Magilyn" parang mababaliw na ko sa kalungkutan pero tinatagan ko dahil sa pag-asa kung makikita kitang muli, wala akong pakialam sa ngyari sau, sabay ang muling pagyakap ko sa kanya habang karga ko ang bata nyang kasama, ang batang anak ko.

4 comments:

  1. Cool pare ang kwento mo. fiction nga talaga dahil isang babae na-inlab sa isang street sweeper?

    pero sa kalagitnaan ng kwento sumikip ang pantalon ko...LOLOL..drama sa huli! pwedi gawan ng pelikula, si COCO AT MERCEDEZ ANG BIDA.

    ReplyDelete
  2. Hi Looking for new online cockfight betting? Here's a site that will sure give you the best online cockfight betting. It is where big bettors are rolling in! Join the Sabongking.com match betting, with a minimum deposit of Php2000. Feel the excitement as it happens inside the cockpit arena: Big derbies, big bettor and clearest video. Feel the adrenalin rush as you watch and place your bets. Be part of the action and not a mere spectator! Be the SABONGKING ! A true gamecockers don't just watch they BET. So start loading your Sabongking virtual points now. Visit the site and SIGN UP! www.sabongking.com

    ReplyDelete
  3. para namang hindi talaga fiction . parang lahat totoo hehehehe

    ReplyDelete
  4. maganda ang pagkakasulat mo......akala ko sa katapusan ay sad pa rin....pero hindi dahil nagkita din kayo.....kung hindi ka tumambay sa mall baka hindi kayo nagkita....siguro habang nakatambay ka ay nakita ka na ni Magilyn at inutusan ang anak niyo na hablutin ang cp mo....

    ReplyDelete

My Blog List

Labels

1000 steps (1) A. Santos Resort (1) Adobe Photoshop CS6 Beta (1) ALA INK (1) ALA-EH FESTIVAL (1) Ambon-ambon Falls (1) Art (1) Bagsik ng Panitik (1) Balayan (1) Barefoot (1) Basilica of the Immaculate Concepcion Church (1) Batangas (1) Beerhouse (1) Black Nazarene (1) Blogversary (1) BOXING (2) Burot Beach (1) Calatagan Batangas (1) Carousel (1) Contests (11) Copy Paste (1) damuhan.com (2) DFA Building (1) Dutdutan 13 (1) DUTDUTAN XII (1) Events (4) Father's Day (1) Ferris Wheel (1) Harvesting Season (1) home for the aged (1) Horse Manning (1) Humor (8) isang minutong ngiti (1) It's more fun in the Philippines (1) jack-stone game (1) Kathang Isip (14) KM3 (Kamalayaang Malaya) (1) Kwentong Batangenyo (1) Kwentong Kalibu*** (6) Kwentong kanto (6) Kyle's Birthday (1) Lemery Batangas (1) Lifestlye (1) Linggo ng Wika (1) love story (1) Lumampao (1) Maikling Kwento (5) Malagaslas Falls (1) Malayang pamamahayag (1) Movie (1) Mt. Batulao (2) Mt. Maculot (1) Mutya ng Batangan 2011 (1) Nasaan ka ninong (1) Nasugbu Batangas (1) NBA Finals 2011 (5) NBA vs PBA (1) New Year 2012 (1) New Year's Resoulution (1) Nonong Casto (1) Nutritional Month (1) Our Lady of caysasay Church (1) Parada ng Lechon (1) Parada ng Lechon 2013 (1) Personal Blog (177) Photography (30) Pick up lines (1) Pico De Loro (1) Poems (15) Repost (1) Run United 2 (1) Saranggola Blog Award Year 3 (1) Saranggola Blog Award Year 4 (2) Saranggola Blog Awards 5 (1) SBA5 (1) SM Mall of Asia (MOA) (1) SP (single parent) (1) Taal Church (1) Taal Volcano (1) Tattoo Artist (1) Tattoo for a cause (1) Taytay Church (1) teacher's day (1) Tetris (1) The Underwear Challenge (1) town Fiesta (1) Travel (23) Tribute (1) UFC (3) Villa Ferlin (1) World Trade Pasay City (1) Youtube (3)

Popular Posts

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...