Palakanton's Adventure Headline Animator

Sunday, December 25, 2011

Isang balik tanaw sa isang katotohanan

Nakakamiss talaga ang high school, ang daming mga pagsubok at karanasan na talagang napakasarap balikan lalo na kung tungkol sa kalokohan at may kasamang libog sa katawan. Isa rin ako sa mga naka-experience ng puppy love ika nga, un tipong natutulala ka kapag kaharap un babae, tsope ika nga! 

Yun kelangan mo pang makibasa ng slum book ng tropa mo o kakilala mong babae para lang malaman mo kung sino ang crusk ng crush mo, para lang magkaroon ng idea kung anu yun tipo ng crush mo. Nung high school days talaga medyo mahiyain ako hindi ko pa nadidiskubre sa sarili ko kung ano talaga kung mga kaya kung gawin at unlike nung college ako nadevelop ko na yun self confidence ko at medyo kumapal na rin ang mukha pagdating sa  panliligaw. I really hate un word na busted buti di ko naexperince pero muntik na, pero ilan din sa tropa ko ang nakaranas nito. Un tipo na kelangan pang gumawa ng love letter sa stationary paper, dahil bago pa lang nauuso un cellphone! Un isa sa kakilala ko kelangan pang gumawa ng eroplanong papel sabay palipad sa nililigawan at kung minamalas malas pa eh sa iba napapadpad yun papel na may laman love letter, kung madiskarte ba eh di sana nilagyan man lang ng pagalan kung para kaninu. 

Hindi naman talaga madali ang manligaw lalo na nung high school days, lalo na yun mga kaklase ko nun ay karamihan ay may kayang pamilya, lalo na kung di ka naman heart throb (kagwapuhan) pero meron naman nadadaan lang sa pambubulas, astang hari sya sa klase kaya yun nakaka chicks, yun iba naman pa tweetams lang nakaka chicks din at yun iba nakaka chicks dahil reto ng katropang babae. Minsan ko rin naranasan na manligaw, di sya kagandahan un sakto lang, kumbaga para kami sa isa't - isa kung sa biglang tingin pero yun akala mo na sobrang crush mo may madidiskubre ka na nakaka turn off, ang totoo nyan yun isa mga natipuhan ko ay na turn off kagad ako, bakit dahil ang totoo nyan di ko expected na bad breath yun girl.[haist] Di halata na ganun, first time ko na nakausap sya eh meron na kagad akong bad impression eh ako pa naman yun tipo na kahit di kagwapuhan kahit panu medyo pihikan, pa hard to get din ako. [echos]. Lumipas din yun buwan at yun tingin ulit sa mga kaklaseng high school at ibang section, kung sino ang pwedeng maging jowa ika nga para pag may lakad isa ako sa may naaakbayan at kahit pa smack smack lang. 

Nag kacrush ulit ako sa isang girl sa ibang section na reto na rin ng katropa long legged, morena, na ang buhok nya ay abot sa likod. Para makabased kagad gawa kagad ako ng love letter sa stationary paper na sa unang buklat pa lang ay amoy mo na ang halimuyak ng papel, kalakit ang mga katagang "smile before you open" ang una kong litanya sa harap ng papel, at ang laman ng sulat ay ang mga katangian nung girl kung bakit ko sya nagustuhan, dahil sa tulong na rin ng katropa at laking tuwa ko na sinagot nya ang sulat ko, sa intermediate pero hindi maganda yun mga huling kataga na kesyo mas matangkad sya sakin, blah, blah, blah pero kahit ganun sinagot ko pa rin yun sulat nya kasu yun tipong may pang-aasar, "ang totoo nyan di kita ganung type" [para di halatang busted] sa umpisa, "eh yun buhok mo naman eh ang daming lisa at kuto",  kasu kinabukasan inaabangan ako ng kapatid nya na ahead samin, tarantado raw ako, buti na lang di rin ako yun tipo na nabubulas hanggang imikan lang ngyari.

Hanggang lumipas yun high school days 2nd year, 3 rd year hanggang 4th year ay nakaw tingin lang ako sa mga crush ko, nauunahan kasi ako ng hiya tsaka sobrang baba pa ng tingin at tiwala sa sarili ko. 1 time na ngyari sakin na isa sa mga crush ko ay nakagrupo ko sa Noli Me Tangere, parang tatalon ang puso ko sa tuwa pag may praktis kame ng mga line namin, na parang panaginip na ang limit ko syang nakikita at nakakasama sa praktis kasu hanggang dun lang talaga mas pinili ko yun, ok kame bilang magkagrupo, kuntento na ko na napapatawa ko sya sa simpleng joke ko, natatakot din naman ako na kung sabihin ko sa kanya nararamdaman ko may malaking pagbabago, tsaka ayaw kung sumugal nung time na yun. Tuwang tuwa na ko nakakatsansing ako sa kamay nya. Lumipas din ang panahon at papalapit na ang graduation, buntong hininga akong lumapit sa kanya na nuon ay nginig pa ang kamay, sabay ngiti at plano ko ng sabihin na crush ko sya kasu dala na rin ng kaba at katangahan na rin, nasabe ko na lang na hey "congrats ah" lapit na graduation [haist] sabay layu ulit pero buti na lang din di ko sinabe. Tsope talaga!

3 comments:

  1. ang panliligaw ang isang bagay na hirap na hirap ako'ng gawin :)

    ReplyDelete
  2. nsaan na sila ngayon? hehe..may naalala din ako sa bad breath..hehe..nun HS ak, dinadaan ko sa kulit ang panliligaw ko. Makuha ka sa kulet! :D kaya nakuha ko ang isa sa pinakamagandang babae sa buong School namin, ang unang GF ko at ang unang babasag sa virgin kong puso. :)

    ReplyDelete
  3. nung binabasa ko ito.. naaalala ko yung video ng eheads yung huling el bibo.. anong connct basta naalala ko lang.. hehehe

    ReplyDelete

My Blog List

Labels

1000 steps (1) A. Santos Resort (1) Adobe Photoshop CS6 Beta (1) ALA INK (1) ALA-EH FESTIVAL (1) Ambon-ambon Falls (1) Art (1) Bagsik ng Panitik (1) Balayan (1) Barefoot (1) Basilica of the Immaculate Concepcion Church (1) Batangas (1) Beerhouse (1) Black Nazarene (1) Blogversary (1) BOXING (2) Burot Beach (1) Calatagan Batangas (1) Carousel (1) Contests (11) Copy Paste (1) damuhan.com (2) DFA Building (1) Dutdutan 13 (1) DUTDUTAN XII (1) Events (4) Father's Day (1) Ferris Wheel (1) Harvesting Season (1) home for the aged (1) Horse Manning (1) Humor (8) isang minutong ngiti (1) It's more fun in the Philippines (1) jack-stone game (1) Kathang Isip (14) KM3 (Kamalayaang Malaya) (1) Kwentong Batangenyo (1) Kwentong Kalibu*** (6) Kwentong kanto (6) Kyle's Birthday (1) Lemery Batangas (1) Lifestlye (1) Linggo ng Wika (1) love story (1) Lumampao (1) Maikling Kwento (5) Malagaslas Falls (1) Malayang pamamahayag (1) Movie (1) Mt. Batulao (2) Mt. Maculot (1) Mutya ng Batangan 2011 (1) Nasaan ka ninong (1) Nasugbu Batangas (1) NBA Finals 2011 (5) NBA vs PBA (1) New Year 2012 (1) New Year's Resoulution (1) Nonong Casto (1) Nutritional Month (1) Our Lady of caysasay Church (1) Parada ng Lechon (1) Parada ng Lechon 2013 (1) Personal Blog (177) Photography (30) Pick up lines (1) Pico De Loro (1) Poems (15) Repost (1) Run United 2 (1) Saranggola Blog Award Year 3 (1) Saranggola Blog Award Year 4 (2) Saranggola Blog Awards 5 (1) SBA5 (1) SM Mall of Asia (MOA) (1) SP (single parent) (1) Taal Church (1) Taal Volcano (1) Tattoo Artist (1) Tattoo for a cause (1) Taytay Church (1) teacher's day (1) Tetris (1) The Underwear Challenge (1) town Fiesta (1) Travel (23) Tribute (1) UFC (3) Villa Ferlin (1) World Trade Pasay City (1) Youtube (3)

Popular Posts

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...