Palakanton's Adventure Headline Animator

Friday, January 11, 2013

Handog ko'y Aliw

Tulad ng isang babaeng bayaran,
sa gabi'y nagniningning,
puno ng kolerete ang mukha,
tinig ay kay lambing.

kaakap ang  yosi at ang usok,
nakasalampak sa nguso ng customer,
nais mang magpahinga ng katawan pagal,
pagal sa pagmamahal.

puyat ang puhunan kapalit ng karampot na barya,
kelangan pang gumising ulit ng maaga kahit mata;y masakit pa,
ang ihihandog na aliw ng gabing nagdaan,
kunting punas sa mata tuloy na ulit ang ratsada.

kung sayo kalimitan ang nagagalit ang mga asawa,
sakin nama'y magulang ang nagmumura,
mga namutawing masasakit na salita di na alintana,
kelangan tanggapin para may pagkain ang sikmura.

minsan masaya, pero kadalasan balisa,
ang napiling buhay di naman talaga masaya,
sa piling ng mga naglalaro ng dota at kung anu-ano pa,
dahil tulad ng puta, ang handog ko ay aliw.


Saturday, January 5, 2013

2013 na.BOOM.

Lahat naman may New Year's resolution kada sumasapit ang buwan ng enero pero ilan months lang eh di na rin natutupad. Naalala ko pa ng mga nagdaan taon na ang ang una sa listahan ko ay magdiet pero wala naman ngyari ganun pa rin katawn ko 1 pack no abs.

Pero dahil bagong taon nga eh kelangan ko pa rin sumubok ng bagong bagay.

Nagsisimula na ulit ako sa pagjojoging for healthy living tapos gulay at iwas muna sa alak. yeah iwas muna sa alak panget na kasi epekto sakin minsan hanap ay gulo, hehehe.

Tapos new tattoo, yeah new tattoo I fell more sexy dati kasi un sa first tattoo ko nahihiya ako ipakita un tattoo ko pero ng masanay na ako at maganda naman un outcome eh feeling ko kahit chubby ako eh ang hot ko tapos agaw pansin pa minsan. Epekto siguro ito sa mga nakita kung matataba sa event na napuntahan ko na ang astig ng tattoo.

More travel at gala with my family at kahit solo back pack tapos more hiking.

Ipon mode muna para sa ilang investment this 2013.

More friends to meet up & more events na mapuntahan. More eyeball..

Sana makaatend ako sa isang fun run para ma experience ko naman masarap talaga pag first time.

Sana ma feature sa isang blog pero sana sa May para sa anniversary ng blog ko at birthday bash. hehehe

More pictures to post.

More gig to attend, sana un big gig like musiklaban, myxmo & tanduay rock fest

More tattoo event like dutdutan etc.

Sana makuha ulit model sa isang tattoo event.

Paalam na muna 2012

Parang kelan lang eh winelcome pa kita pero ang bilis talaga ng usad ng panahon, panibagong taon na ulit na haharapin. Ang daming masasayang mga pangyayari at mga nakilalang mga pambihirang tao sa larangan ng pagboblog, party, tatuan, gigs at kung anu-anong samut saring may kinalaman sa taon mo. Napapa wow na lang ako sa mga nangyari sakin na kasama ka, ikaw un laging saksi pagbilang ko sa mga araw mo at buwan darating. Pero ika nga lagi naman may umalis tapos may panibagong dumadating. alam ko medyo late na ang post kung ito kelangan pang humugat ng ilang mga letra at bigyan ng kunting sipag ang kinakapoy at tinatamad na katawan tapos kelangan pa rin gumana ng ayos ang matutulog ang nagsebong utak sanhi ng pagsalubong kay 2013.

Sobrang dami ng kelangan kung ipagpasalamat sa pinagsamahan natin at halos ang daming masasaya kung may malulungkot may ay may pumapalit na masasayang pangyayari.

So paano at lumipas na nga ang panahon mo pero di ko naman malilimutan ang pinagsamahan natin.

Kelangan ko naman pagtuunan ng pansin ang sumunod sa iyo ika nga ng isang commercial eh mahaba haba pang inuman ang kelangan taytayin para tuluyan akong malasing.

My Blog List

Labels

1000 steps (1) A. Santos Resort (1) Adobe Photoshop CS6 Beta (1) ALA INK (1) ALA-EH FESTIVAL (1) Ambon-ambon Falls (1) Art (1) Bagsik ng Panitik (1) Balayan (1) Barefoot (1) Basilica of the Immaculate Concepcion Church (1) Batangas (1) Beerhouse (1) Black Nazarene (1) Blogversary (1) BOXING (2) Burot Beach (1) Calatagan Batangas (1) Carousel (1) Contests (11) Copy Paste (1) damuhan.com (2) DFA Building (1) Dutdutan 13 (1) DUTDUTAN XII (1) Events (4) Father's Day (1) Ferris Wheel (1) Harvesting Season (1) home for the aged (1) Horse Manning (1) Humor (8) isang minutong ngiti (1) It's more fun in the Philippines (1) jack-stone game (1) Kathang Isip (14) KM3 (Kamalayaang Malaya) (1) Kwentong Batangenyo (1) Kwentong Kalibu*** (6) Kwentong kanto (6) Kyle's Birthday (1) Lemery Batangas (1) Lifestlye (1) Linggo ng Wika (1) love story (1) Lumampao (1) Maikling Kwento (5) Malagaslas Falls (1) Malayang pamamahayag (1) Movie (1) Mt. Batulao (2) Mt. Maculot (1) Mutya ng Batangan 2011 (1) Nasaan ka ninong (1) Nasugbu Batangas (1) NBA Finals 2011 (5) NBA vs PBA (1) New Year 2012 (1) New Year's Resoulution (1) Nonong Casto (1) Nutritional Month (1) Our Lady of caysasay Church (1) Parada ng Lechon (1) Parada ng Lechon 2013 (1) Personal Blog (177) Photography (30) Pick up lines (1) Pico De Loro (1) Poems (15) Repost (1) Run United 2 (1) Saranggola Blog Award Year 3 (1) Saranggola Blog Award Year 4 (2) Saranggola Blog Awards 5 (1) SBA5 (1) SM Mall of Asia (MOA) (1) SP (single parent) (1) Taal Church (1) Taal Volcano (1) Tattoo Artist (1) Tattoo for a cause (1) Taytay Church (1) teacher's day (1) Tetris (1) The Underwear Challenge (1) town Fiesta (1) Travel (23) Tribute (1) UFC (3) Villa Ferlin (1) World Trade Pasay City (1) Youtube (3)

Popular Posts

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...